CAPITULUM 54

1.1K 90 11
                                    

"Got a secret, can you keep it?

Swear, this one you'll save

Better lock it in your pocket

Taking this one to the grave---"

Hindi na halos marinig ni Karies Victoria ang kantang tumutugtog sa radyo ng kanyang sasakyan. Sa kabila nito, halos mabingi pa rin siya sa tibok ng kanyang puso. Her heart pounded nervously against her rib cage, and she swore her brain did the same against her temples.

Naaala na naman niya ang kanyang sitwasyon. Mga bag na may lamang nakaw na pera, alahas, at mamahaling kagamitan.. ang mga sulat na iniiwan sa kanila ni Macky.. ang pagkakasangkot ng ivory figurines sa kaso ng Robinhood Arsonist.. ang panghahamak niya sa kanyang sariling mga "magulang".

'How long can we really keep a secret?'

Kanina pa niya iniisip 'yon.

Pagkatapos niyang magmakaawa kay Mother Theresa na ilihim ang tungkol sa "donations", the elderly woman only gave her a pitiful look. Pero kahit anong pagrarason nito na kailangan na nilang ipagbigay-alam sa mga detectives ang tungkol dito, nagmatigas pa rin si Karies.

'Hindi magagawa ni Macky ang magnakaw.. h-hindi niya magagawang pumatay o manakit ng tao.'

Karies drove along the road, still lost in her thoughts. Kailangan nga pala niyang magpa-gas.

"---If I show you, then I know you

Won't tell what I said

'Cause two can keep a secret

If one of them is dead..."

Bumalik na naman sa mga alaala niya ang araw na sinunog ni Macky ang alaga niyang aso.

Karies--no, Kathlene was following him that time.

The kid had been curious why Macky would go beyond the fence and into the forest that night. Hindi sila pinapayagan ni Mother Theresa lumabas nang ganoong oras, kaya't nang makita niyang pumupuslit noon si Macky dala-dala ang aso, hindi na nagdalawang-isip pa si Kathlene at mabilis siyang sinundan.

Deep in the forest, she saw embers dancing amidst the darkness.

Ngumiti si Kathlene. Pakiramdam niya ay para siyang isang gamu-gamong tuluyan nang nahalina sa ganda ng apoy. Naaalala niya ang kwentong binasa sa kanila noon ni Mother Theresa. Nauunawaan na ni Kathlene kung bakit hindi nakinig ang munting gamu-gamo. The warmth and light from the fire was enchating her.

And so, she walked closer and closer until finally she realized why a moth should never fly too close to the flames.

Simply because it was too dangerous.

It could even kill you.

Huminga siya nang malalim at mapait na ngumiti. 'Baka nga hanggang ngayon, para pa rin akong gamu-gamong masyadong lumilipad papalapit sa apoy...papalapit kay Macky.'

At ginagawa niya pa rin ito, sa kabila ng katotohanang maaari siyang mapahamak.

Just then, Karies spotted a silver sedan zooming past her. Sa bilis ng sasakyan, alam niyang lagpas na ito sa speed limit, pero hindi iyon ang nakakuha sa kanyang atensyon kundi any plate number nito. She knew that car very well. Sa hindi malamang dahilan, bigla na naman siyang kinabahan.

'Saan naman kaya siya pupunta?'

Shouldn't Mr. Victoria be in his office?

Before she knew it, Karies was already following her father's car. Namayani na naman ang kanyang kuryosidad. Wala naman sigurong masama kung silipin lang niya kung saan pupunta ang kanyang ama, 'di ba? Hindi naman siya manggugulo. For the sake of her guilt, she'll just check on his wellfare.

With that resolution in mind, Karies stepped on the car's accelerator.

Makalipas ang ilang minuto ng pagsunod niya sa sasakyan ng ama, lalo lang kinabahan si Karies nang makitang sa tapat ng isang maliit na restaurant huminto ang kotse. Hindi pamilyar si Karies sa lugar na ito. 'Bakit naman pumunta si dad dito?' she has a bad feeling about this. Kung tungkol ito sa negosyo, sa isang mamahaling restaurant o sa mansyon nila mismo makikipagkita si Mr. Victoria. Gusto niyang ipinagmamayabang ang kayamanan niya sa iba.

But instead of acting on impulse, Karies tried to stay calm. Nakaparada siya sa kabilang bahagi ng kalsada, ilang metro ang layo sa sasakyan ng negosyante.

Soon, a man wearing a black hooded jacket approached her father's car.

Sa anggulong ito, hindi makita ni Karies ang kanyang mukha.

Hindi na niya kailangan.

"M-Macky..."

Nakakatawang isipin na kapag mahalaga sa'yo ang isang tao, makikilala mo ang bulto nito kahit pa sa malayo. It's some kind of gut feel that Karies always had around for him.

Pero lalo lang yata siyang nawalan ng boses nang makitang pumasok ito sa may passenger's seat. Bago pa man niya maisara ang pinto, natanaw ni Karies ang isang bagay na nakatago sa bulsa ng kanyang jacket. She silently cursed under her breath when she spotted the gun. 'I-Imposible.. no, Macky won't---'

"T-TULONG!"

Napatakip na lang ng bibig si Karies nang mapansing sinubukang humihingi ng tulong ni Mr. Victoria mula sa bintana ng driver's seat. Ilang sandali pa, tumahimik na ito. Napahinto ang dalaga nang marinig ang pagkasa ng isang baril. It was faint sound, but with a quiet street such as this one, Karies heard it like how a sailor would hear the faint rumble of thunder over the still ocean tides.

A warning of an approaching storm.

Bago pa man makabawi sa pagkabigla ang dalaga, bigla nang sumara ang bintana sa driver's seat kasabay ng pagharurot papalayo ng sasakyan.

Taking Macky and her father away from her.

"Damn it!"

Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Karies at sinubukang muling buhayin ang makina. But her blood went cold when she suddenly realized that she was out of gas! Natatarantang lumabas si Karies at  naghanap ng pwedeng tumulong sa kanya. Unti-unti na siyang sinasampal ng reyalidad at takot para sa kapakanan ng ama. All her fantasies of Macky being "harmless" flew out the window.

Noon niya nakita ang dalawang babaeng lumabas mula sa gusali ng isang detective agency.

Karies took in a deep breath and ran towards them.

"Y-You need to help me! Kinidnap ang daddy ko!"

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon