CAPITULUM 20

1.4K 104 0
                                    

W E D N E S D A Y

---
May 08, 2019
Victoria Mansion
4:09 a.m.

Karies was having a hard time convincing herself about a lot of things. Hanggang ngayon, nahihirapan pa rin siyang kumbinsihin ang sarili na mas maganda ang buhay niya sa mansyong ito kaysa sa buhay niya noon sa Genesis. Kinukumbinsi niya ang sarili na tama ang naging desisyon niyang magpaampon sa mag-asawang Victoria.

Bukod dito, kinukumbinsi niya ang sarili na hindi totoo ang kulay itim na bag na naglalaman ng mamahaling alahas at pera, at lalong hindi totoo ang sulat na kalakip nito.

'This is crazy! Imposibleng galing sa kanya 'to.'

Pero tulad ng dati, mukhang hindi na naman siya magtatagumpay sa pangungumbinsi niya. In fact, she doesn't even remember if she ever successfully convinced herself with anything!

Especially now that the black bag is sitting on top of her bed.

Napabuntong-hininga ang dalaga at binasa ulit ang sulat, umaasang baka magbago ang pangalang nakasulat sa ilalim nito. Pero sino bang niloloko niya?

It still read the same.

"Macky."

Mapait na ngumiti si Karies at itinupi ulit ang papel. Inilapag niya ito sa kanyang nightstand at tumayo mula sa pagkakaupo niya sa kama. Dumako ulit ang mga mata niya sa kulay itim na bag. Hindi na niya maalala kung bakit niya ba 'to dinala. Well, it's not like she needed the money, since her foster parents are filthy rich.

'And who knows where that money came from? Baka galing sa iligal yan.'

Nang makita niya ito kanina, nataranta si Karies at mabilis na binitbit ang bag. Namalayan na lang niyang nagda-drive na siya papalayo sa orphanage, with the black bag resting on the passenger's seat.

She knows that it's for "donation", but Karies decided against it.

Kung galing nga sa masama ang perang 'yan, paniguradong maghahanap ang mga pulis. At kapag nalaman nilang nasa Genesis ang bag na 'to, paniguradong magiging masama ang reputasyon ng bahay-ampunan. Malaking gulo ito kung sakali. Plus the fact that Mother Theresa would surely have a heart attack if she saw Macky's name in that letter.

Matagal nang patay ang kababata niya.

'At kung sinumang siraulo ang gumagamit ng pangalan niya para lang takutin kami, I'll definitely slap him across the face.'

Humikab si Karies at tinitigan ang sarili sa kalapit na salamin. She looks like a mess---with eyebags. Suddenly regretting the lack of sleep, she decided to just go for an early jog at the park. Mabilisan siyang naligo at nagpalit ng sweat shirt at jogging pants.

Karies sighed in relief and smiled when she saw the time on her panda-themed alarm clock:

4:30 a.m.

'Tulog pa sila. Good.' She grabbed her car keys, smartphone, and plugged in some earphones. Dahan-dahan siyang lumabas ng kanyang kwarto na parang isang magnanakaw at pasulyap-sulyap na naglakad sa mga pasilyo. Nang masigurado niyang tulog pa ang mga katulong, Karies hurriedly ran down the staircase and slipped out the back door.

Nang makalabas na siya ng mansyon, nakahinga na siya nang maluwag.

She always felt empty inside this lavish place. Para bang hindi napuno ng karangyaan at mamahaling mga kagamitan ng kakulangan sa puso niya. That, and her new parents really don't give her much time and affection.

"Sana talaga hindi na lang ako umalis sa Genesis."

She started the engine of her car---a sleek black Cadillac---and drove out the gates. Hindi nagtanong ang gwardiya sa biglaan niyang paglabas. Sanay na ito sa palagiang pagtakas ni Karies sa mansyon.

Napangiti si Karies at sinimulan nang kumanta nang mapansin niya ang pagdaan ng isa pang sasakyan.

Papunta ito sa direksyon kung nasaan ang orphanage.

Sa hindi malamang dahilan, kinabahan si Karies. Bago pa man niya mapigilan ang sarili niya, she took a U-turn and followed the car. 'Imposible namang may bibisita pa sa bahay-ampunan nang ganitong oras!' Huminga siya nang malalim at binilisan ang pagmamaneho. Sinigurado niyang may distansya ang mga kotse nila para hindi siya paghinalaan nito. Madilim pa ang paligid kaya't walang kahirap-hirap siyang bumuntot sa kotse.

"Nababaliw ka na, Karies. Dapat nagjo-jogging ka lang ngayon sa park eh!"

Curse her curiosity.

Mula sa distansya, nakita niyang nag-park ang sinusundan niyang kotse. Karies immediately stopped the car and watched the man.

"What the hell?" Nakita ni Karies na may dala itong kulay itim na bag. Mabilis niya itong iniwan sa harapan ng bahay-ampunan at pinindot ang doorbell.

Pigil-hininga si Karies habang pilit sumusulyap sa mukha ng binata. She couldn't see his face clearly, but she knew it was him. She can feel it.

Her heart hammered inside her chest.

'Macky?'

Hindi na napigilan ni Karies ang sarili at mabilis siyang lumabas ng sasakyan. Hindi na niya namalayang may tumutulo na palang luha sa pisngi niya. Paano nangyari 'to? Buong akala nila patay na si Macky!

"M-Macky..."

Natigilan ang binata nang marinig ang boses niya. Bago pa man makalapit si Karies, walang-lingon itong tumakbo papunta sa direksyon ng kakahuyan. Nataranta si Karies. 'Bakit niya ba ako iniiwasan?'

She ran after him.

"MACKY!"

She doesn't care if it's still dark. Heck, she doesn't even give a shit if the forest has snakes or other dangerous animals lurking in the darkness. Kailangan niyang abutan ang kababata niya! She needed to see him and hear his damn explanation.

Pero lumipas ang ilang minuto, hindi na maaninag ni Karies ang lalaki. Hinihingal niya itong tinawag, pero sinagot lang siya ng makapanindig-balahibong katahimikan ng paligid. Ang daming tanong na gumugulo sa isipan niya. She wiped her tears and called out his name again.

"MACKY!"

Nothing.

Maya-maya pa, narinig na niya ang tunog na kinatatakutan niya.

Ang pagbuhay ng makina ng isang sasakyan.

"N-No.. damn it! M-Macky!" Tumakbo pabalik sa orphanage si Karies. Hindi na niya ininda ang pananakit ng mga binti niya. She tried to catch her breath as she attempted to catch a glimpse of his car.

But it was too late.

Tuluyan nang humarurot papalayo sa orphanage ang kababata niya.

Karies felt her heart ached. Bakit ba siya nilalayuan nito? Mahina siyang napamura at inis na pinahid ang luha niya.

Just then, the door of the orphanage opened.

"Kathlene, hija? Anong ginagawa mo rito? At saka, anong itong bag na 'to?"

Damn it.

Malamang naglalaman na naman ng pera ang bag na 'yon. Hindi na alam ni Karies kung ano ang dapat niyang gawin. She can't just tell Mother Theresa that Macky is alive! Kailangan na muna niyang siguraduhin. Kailangan na muna niyang kausapin ang dating kaibigan, because goddamn it, she needed an explanation!

They all thought he died in that fire..

'This doesn't make sense.'

Paano nabuhay ang patay?

Napabuntong-hininga si Karies. At nang lumingon siya kay Mother Theresa, ibinigay na lang niya ang isang paliwanag na mas kapani-paniwala. Pilit siyang ngumiti...

"Galing sa'kin ang bag na 'yan, ma. Donation ko po para sa Genesis."

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now