CAPITULUM 63

1.1K 111 18
                                    

Campsite
10:20 p.m.

---

["Ikinumpirma Chief Inspector Placido Ortega ng Heraldic Eastwood Locale Police Department ang pagkakadakip sa binansagang 'Robinhood Arsonist' ng Eastwood. Sa pahayag ng hepe, nahuli nila ang suspect na si Dante Hidalgo sa kanilang opisina sa DEATH kaninang bandang alas-nuwebe ng gabi..."]

Sumilay ang isang mala-demonyong ngiti sa kanyang mga labi nang marinig ang ibinabalita.

'You've got the wrong man.'

The man smiled to himself and smashed the radio at a nearby tree. Lumikha ito ng nakabibinging ingay sa katahimikan ng paligid. Agad na kumalas ang mga piyesa ng radyo at pinagmasdan ng lalaki ang pagbagsak nito sa lupang katabi ng abogadong matalim pa rin ang tingin sa kanya. He watched in amusement as the attorney glared at him, eyes filled with so much hatred, he could almost see the depths of hell in there.

Hell.

The Robinhood Arsonist had always wondered what he could do to deserve an appointment with Satan.

Para sa kanya, wala nang mas hihigit pa sa pakiramdam ng unti-unting pagkasunog ng kaluluwa mo sa nagliliyab na mga apoy. Burning your mortal body is one thing, but burning your soul in those fiery pits is another pleasure he can't wait to experience.

'Fire is a beautiful destruction. Lucky are those who had already tasted it against his skin.'

Mahina siyang natawa at sinipa sa tagiliran ang abogado. Lalong lumawak ang kanyang ngiti nang marinig niya ang pagkabali ng isang nitong tadyang. Agad namang napadaing sa sakit si Lelouch, but his groans of pain were muffled by the dirty old cloth against his mouth. 

"I thought you were tough? I'm disappointed, attorney. Hayaan mo.. balang-araw, kapag nagkita tayo sa impyerno, pasasalamatan mo ako dahil sinunog kita nang buhay. Magkakaroon ka ng pribilehiyong maranasan ang sensasyong ito, kahit pa nakaangkla pa rin ang kaluluwa mo diyan sa mortal mong katawan."

Muling nakaramdam ng labis na inggit ang Robinhood Arsonist.

Gustuhin man niyang maranasan din ang oportunidad na ito, kailangan na muna niyang tapusin ang kanyang sinimulan.

He needs to extinguish the anger burning like a furnace inside his chest for fourteen years now.

Only then, can he rest in peace.

Dumako ang mga mata ng arsonist sa malaking hukay sa kanyang likuran. Isang hukay na may limang talampakan ang lalim. Napupuno ito ng natuyong dahon, kahoy, uling, at mga lumang damit mula pa noong kanyang kabataan. Ilang metro sa gilid nito, nakatumba ang ilang galon ng gasolinang ipinaligo niya kanina sa hukay na ito. Tinatangay pa rin ng hangin ang masangsang na amoy ng gasolina na lihim niyang ikinangiti. Visualizing the deadly flames that will grace this pit excites him to no end.

He had spent the better half of the day digging this pit and arranging everything.

'Not yet..'

Dumako ang kanyang mga mata sa screen ng kanyang cellphone. Sandaling oras na lang at mabibigyan na ng katapusan ang kanyang malungkot na istorya. Huminga nang malalim ang arsonist.

"Only a few minutes left and this will all be over soon, attorney. Magpasalamat ka na lang na kasama mong masusunog nang buhay ang girlfriend mo."

The Robinhood Arsonist's eyes trailed over to the girl sitting next to Lelouch. Nakagapos rin ang kanyang mga kamay at may busal sa bibig. Tumalim ang mga mata ng dalaga sa kanya na para bang isinusumpa siya. Hindi natinag ang arsonist at humakbang papalapit kay Detective Briannova Carlos. He crouched down to her eye level and flashed a demonic smirk.

"You should thank me too, detective. Nagkataon lang na kasama mo si Lelouch kaya mabibigyan ka rin ng pribilehiyong masunog sa impyernong nilikha ko. Then again, I assume you wouldn't mind it.. especially since you almost died in that fire fourteen years ago.."

Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Nova. Unti-unti niyang pinadausdos ang kanyang kamay sa leeg nito. His touch made her shiver, especially when he inched his hand lower, resting just above her breasts. Her body trembled in fear, and the thought of how could easily break this woman made him aroused.

"Nasaan na ang tapang mo ngayon, Detective Brian?" Lalong lumawak ang ngiti ng Robinhood Arsonist nang makita ang takot sa mga mata ng dalaga.

Of course, he remembered her. Noong gabing nilamon ng apoy ang apartment ng lalaking umampon sa kanya, napansin niya ang batang babaeng iniligtas ng mga bumbero mula sa katabi nilang silid. From afar, The Robinhood Arsonist watched her helpless expression. Her skin was covered in soot as she struggled to catch her breath. Halos wala na siyang malay noon, pero kitang-kita ng Robinhood Arsonist ang trauma sa likod kanyang mga mata.

The flames devoured her innocence fourteen years ago.

Now, staring at her deep brown eyes, he can see her reliving that night.

"You escaped that lovely fire fourteen years.. tonight, you won't be as lucky."

Mabilis itong nag-iwas ng tingin na ikinaasar ng Robinhood Arsonist. Ilang sandali pa, marahas niyang hinawakan ang panga nito at pinilit na tumingin sa kanya. Napadaing sa sakit ang dalaga nang maramdaman ang higpit ng pagkakahawak nito sa kanya. Paniguradong mag-iiwan ito ng mga pasa.

"Nakakadismayang hindi mo ako nakilala agad, detective. At lalong nakakadismayang isiping ni hindi niyo man lang nalutas ang palaisipang iniwan ko sa inyo! Hindi kayo karapat-dapat kilalaning alagad ng batas. I gave you a chance to catch me, but you missed the point of the game. Now, it's too fucking late. HAHAHAHAHA!"

Ngumisi nang nakakaloko ang arsonist at hinawakan ang hita ni Nova. Lalo nitong inilapit ang kanyang katawan sa kaawa-awang dalaga, tuluyan na niyang isinawalang-bahala ang matatalim na tinging ipinupukol sa kanya ni Atty. Lelouch. Just then, a mischievous idea came to mind.

'He doesn't like it when I touch his girlfriend, huh?'

Mahinang natawa ang binata at tinanggal ang telang nakabusal sa bibig ni Detective Briannova Carlos. Without warning, he harshly smashed his lips against hers. He fingers slid towards her inner thigh. Pero bago pa man niya matanggal ang kanyang pang-ibaba, napasigaw sa sakit ang Robinhood Arsonist nang kagatin ni Nova ang kanyang labi.

"What the fuck?!"

He stumbled back and touched his bleeding lips. Sinamaan niya ng tingin si Nova. Noong mga sandaling 'yon, napansin ng arsonist na bumalik ang tapang sa kanyang mga mata.  Nova's lips scowled in disgust as she finally spoke, "Nasisiraan ka na talaga ng bait kung inaakala mong hahayaan kitang galawin ako. I'd rather fucking die, you bastard!"

Ilang sandali pa, napabuntong-hininga na lang si Nova at marahang napailing, "Noong gabing sinigawan kita, nalaman mo kaagad na ka-partner ko si Nico, kahit pa hindi ko ito binanggit sa'yo. I should've known you've been spying on us... I should've known you were the Robinhood Arsonist... Terrence Hidalgo."

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now