CAPITULUM 31

1.1K 108 5
                                    

"What in the name of Sherlock is wrong with her?"

Detective Nico muttered as he silently watched Nova exit the building. Para bang may gustong sabihin sa kanya ang dalaga. At ano naman ang "personal matters" na kailangan nitong asikasuhin mamayang gabi? Sumasakit na naman ang ulo ni Nico. Damn.

'She's fine. Nova is probably on her red days, that's all. Women who are acting weirder than normal are usually on their menstruation, right?'

It's called "premenstrual syndrome" or simple PMS. Kadalasan itong nangyayari sa mga babae bago o habang nireregla sila. Kaya nagiging "moody" ang babae ay dahil sa pagbaba ng estrogen at progesterone levels. Dahil sa pagbaba ng hormones na 'to, kakaunti lang ang nalilikhang "seratonin" ng katawan ng babae. Ang seratonin ay itinuturing na isang "happiness hormone".

Kaya kapag kakaunti lang ang seratonin sa katawan ng babae, nagiging malungkot sila o 'di kaya ay nagiging unstable ang mga emosyon nila.

Isinawalang-bahala na lang ni Nico ang ikinikilos ng dalaga at walang-ganang nagpatuloy ng paglalakad sa malinis na pasilyo ng police station. Nang marating na niya ang front desk, 'di maiwasang obserbahan ng binata ang pulis na nakaupo roon. Kasalukuyan itong nakikipagkwentuhan kay Officer Mariano.

Detective Nico stopped in his tracks.

"---hindi ako makapunta mamaya, Ms. Santos--"

"Mrs. Hidalgo," the elderly woman corrected. A look of sadness on her face.

"S-Sorry po." Bahagyang nahiya si Rizee sa nasabi.

Ngumisi si Nico. His detective side is kicking in again. He pocketed his hands and muttered his deductions...

"Base sa naitamang pagtawag, ang pag-iiba ng apelyido nito, at ang lungkot sa mga mata niya, it looks like that woman is a widow. Moreover, I can still see the marriage ring on her finger. Though there's no legal basis kung paano  dapat tawagin ang babaeng namatayan ng asawa, it's a proper courtesy to call her by her married name. Kung tutuusin kahit patay na ang kanyang asawa, kasal pa rin siya, kaya 'misis' pa rin ang dapat gamitin. Tinatawag lang natin ang isang babae na 'miss' kapag divorced o hiwalay na talaga siya sa kanyang asawa. One more indication that she's a widow is the way Rizee interacts with her. She's trying to make the mood lighter for the elderly woman, despite the fact that we have a serious case on our hands. Nagiging isang coping mechanism ng mga babaeng namatayan ng asawa ang pakikisalamuha sa mga taong malalapit sa kanya. Rizee knows this, that's why she's acting all bubbly and cheerful."

Humikab at sumandal sa pader si Nico habang inoobserbahan pa rin ang ale, "Facial features suggests that she's in her early fifties. Mapera rin siya dahil mukhang nagpa-mastectomy siya. Ang 'mastectomy' ay isang operasyon kung saan tinatanggal ang dibdib ng babae para maagapan ang paglala ng breast cancer. If I'm not mistaken, it's a bit 'pricey', though I'm not sure how much a mastectomy surgery costs in the Philippines. Sa nabasa ko sa isang medical journal, inaabot ng $15,000 hanggang $50,000 ang presyo nito sa Amerika, including the 'reconstructive surgery'. Of course, this still depends on the type of breast surgery. Oh, and her soft voice and sweet accent is that of a native from Ilo-ilo."

Pagtatapos ni Nico sa kanyang pagmumuni-muni. Napapikit na lang siya. Damn, Sherlock! He's having a migraine again. His mental storage cabinet is presenting him too much information.

Ilang sandali pa, nakarinig ng pagpalakpak si Nico sa kanyang tabi. He turned to the guy standing beside him. Mukhang kanina pa ito nakikinig sa deductions niya. 'Ano bang ginagawa niya rito?'

"That was awesome, Yuki! Nakakabilib ka talaga. Tama lahat ng deductions mo, kaso may nakalimutan kang isang impormasyon.."

"At ano naman 'yon?"

Nico asked out of curiosity. Mahinag natawa at saka ngumiti sa kanya si Dan. Inayos nito ang pagkakasuot ng salamin niya sa mata bago mahinang sumagot..

"She's also my mother."

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now