CAPITULUM 28

1.2K 111 4
                                    

North District Police Station
Eastwood
3:56 p.m.

---

"Damn Sherlock!"

Mahinang napamura si Detective Nico Yukishito. Mula pa kaninang umaga, sinubukan nilang i-trace ang nawawalang dalaga, but they always seem to reach a dead end. With the help of Inspector Ortega and other police officers, they tried searching the neighborhood for any clues. Pero bukod sa tire tracks ng isang sasakyan na nakaimprinta sa lupa, wala na silang ibang lead.

Hindi rin ito nakatulong dahil bigla na lang naglaho ang marka ng mga gulong nang magpunta na ito sa sementadong daan. And Nico doesn't even want to get started with the lack of CCTV cameras in the victim's neighborhood.

'This is just plain stupid! Hindi ko alam kung naghihirap na ba ang bayan namin, o napupunta lang sa bulsa ng mga politiko ang perang pambili sana ng CCTV cameras,' naiiritang isip ni Nico habang nakaupo sa isang monoblock chair.

While the others were busy blabbering about the case, the greatest detective in Eastwood was deep in thought.

Something still bothered him.

Paano natunugan ng Robinhood Arsonist na may nakuha na silang witness?

'If he has access to inside information, this is gonna be a problem.'

But in a way, it can also give light to this case. If the Robinhood Arsonist is somehow connected to the Eastwood police, then this can narrow down their suspects.

"Detective Yukishito?"

Walang interes na binalingan ni Nico si Inspector Ortega na mukhang kanina pa siya kinakausap. That's a shame. Kanina pa rin kasi siya hindi nakikinig sa hepe ng HELP. Maging sina Detective Nova at Officer Mariano ay napatingin sa kanya. Alam ni Nico na ang kapakanan ng biktima ang kanina pa nila pinoproblema.

But if they are waiting for him to say something heroic and motivating, that's not gonna happen.

"Our main objective is to catch the Robinhood Arsonist, chief. Hindi na dapat tayo nagsasayang ng oras na hanapin ang witness na malamang ay pinatay na ng killer natin. Wasting time on a dead person isn't going to help solve this case." Tumayo si Nico mula sa baliktad niyang pagkakaupo sa monoblock chair at sinipa ito papalayo.

Detective Nico Yukishito placed his hands behind his back and stared pacing the room. He ignored the death glares and confused looks he received from the other occupants.

"At paano ka naman nakasisigurong patay na nga si Janella?" Halata sa ekspresyon ng district officer na nagpipigil na lang siya ng galit. Nakakuyom pa ang kanyang mga kamao. Inaasahan na ng binata ang ganitong reaksyon mula sa kanya.

Considering that she was the last authority Janella spoke to and she even promised her safety, hindi talaga maiiwasang makaramdam ng "guilt" ang  dalaga. Hanggang ngayon ay iniisip pa rin nitong kasalanan niya ang nangyari.

Napasimangot si Nico.

'As expected, their emotions are clouding their better judgment.'

"Kung ikaw ang Robinhood Arsonist at naging matagumpay ka sa pagkidnap ng kaisa-isang witness na posibleng makasira ng mga plano mo, isn't it the most logical decision to just kill her right away?"

Isang malaking pagkakamali lagi ng mga detective ay ang ilayo nila ang mga utak nila sa iniisip ng mga killers. Least do people know, we can use their psychology to our advantage. In order to catch a criminal, you need to think like a criminal.

Nag-iwas ng tingin si Rizee. Sa kanyang tabi, marahang napailing na lang si Detective Briannova Carlos. She crossed her arms over her chest and spoke, "And what do you suggest we do about it? Hihintayin na lang ba natin na may makahanap sa bangkay ni Janella?"

"Exactly."

Tumalim ang mga mata ni Nova sa kanya. The pink-haired detective sighed in frustration. "You're heartless."

"I am, but I also have a clue on the Robinhood Arsonist's next victim."

Namayani muli ang nakabibinging katahimikan habang hinihintay nila ang paliwanag ni Nico. Kalaunan, si Inspector Ortega na ang nagtanong. A look of amazement crossed the old man's features. "A-Alam mo kung sino ang susunod na papatayin ni RA?"

Nico smirked and grabbed a ballpen from Rizee's desk. "Nope."

Kumunot ang noo ng hepe. Para bang lalo siyang naguluhan sa isinagot ng binata. "Akala ko ba may clue ka na sa susunod na biktima?"

"Well, I don't exactly know who the unlucky human is, but I have a clue on his field of work. Kung naalala niyo 'yong  kaso kahapon ni Mr. Jones, ang ginamit na murder weapon ay isang maso na nahanap sa isang basurahan, ilang kanto ang layo sa mansyon ng biktima. This mallet was manufactured by Kingstone Industries. Kinagabihan, namatay si Mr. Kingstone sa kanyang opisina, at naiwan ang isang syringe na ginamit ni RA sa krimen. What's more interesting, is that he didn't even bother hiding his little 'props'. Imbes na itapon o dalhin ang syringe, sinadya niyang iwan itong nakaturok sa leeg ng pangalawa niyang biktima..  as if the Robinhood Arsonist was mocking us to find it there."

Nanlaki ang mga mata ni Nova. "Kung may pattern nga ito, posibleng ang may-ari ng kompanyang nagma-manufacture ng mga syringe dito sa Eastwood ang susunod niyang biktima!"

Nico twirled the ballpen between his fingers and focused his eyes on its sharp point. Alam niyang hinihintay nila ang isasagot niya. Pero kung inaakala nilang ganoon lang ito kasimple, nagkakamali sila.

"That's the problem. I've stayed up all night and searched for any syringe manufacturing companies here in Eastwood, but unfortunately, ini-import lang pala natin sa ibang mga bayan ang mga syringe na ito. Wala tayong pabrika o anumang negosyo dito na gumagawa ng mga syringe. Thus, this leaves me to my deduction that our Robinhood Arsonists' next victim is..."

Mabilis na ibinato ni Nico ang hawak na ballpen sa direksyon ni Inspector Ortega. Mabuti na lang at mabilis na nakailag ang matanda. Magrereklamo na sana ito nang dumako ang mga mata nila sa pader kung saan bumaon ang ballpen. Sumakto itong nakatarak sa isang kalendaryo na may nakaimprintang logo ng Eastwood General Hospital.

Bull's eyes.

Detective Nico Yukishito smirked and pocketed his hands as if it was a normal game of dart. Malaki ang tiwala niyang tama ang kanyang hinala. RA' next victim is...

"...someone who is inclined to medicine."

---

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon