CAPITULUM 66

1.1K 101 1
                                    

'Ano naman kaya ang nangyayari roon?'

Mula sa terrace ng bahay-ampunan, pinagmasdan ni Mother Theresa ang liwanag at makapal na usok na nagmumula sa kagubatan. Alam niyang imposibleng may nagsisiga pa rin nang ganitong oras at lalong hindi ganoon kalaki dapat ang apoy ng sinumang gagamit ng campsite. A fire like that might catch on a tree branch and start a forest fire.

Huminga nang malalim ang madre at kinuha ang lumang lampara mula sa kabinet sa kanilang sala. Nananaig pa rin ang kagustuhan niyang pagsabihan o balaan man lang ang sinumang nasa campsite.

'Lubhang mapanganib ang apoy, lalo na kung hahayaan na lang nila ito..'

Kaya nang masigurado ng madre na tulog ang mga bata, mabilis niyang tinahak ang daan papalabas ng Genesis orphanage. Ilang sandali pa, tuluyan na siyang naglaho sa madiliman na gubat.

Walang siyang ideya sa panganib na naghihintay sa kanya roon.

*

Sandaling natigilan si Detective Nico Yukishito sa sinabi ng Robinhood Arsonist. Sa kanilang imbestigasyon, ni hindi nila nalaman ang tungkol doon. Kung ganoon, iisa lang ang posibleng rason kung bakit lumaki sa bahay-ampunan si Macky at kung bakit malaki ang galit niya kay Lelouch...

"You're an illegitimate child."

Pagak na natawa si "Terrence" na para bang isang lumang biro na ang masakit na katotohanang ito. Then again, maybe it is. Base sa kanyang ekspresyon, napagtanto ni Nico na natagal-tagal na rin niyang pinapasan ang reyalidad na ito.

"I found out on my 8th birthday. He's Satan in the flesh, detective.. hanggang ngayon, hindi ko maunawaan kung paano niya nasikmurang iwan sa isang bahay-ampunan ang sarili niyang dugo at laman. How can he sleep at night knowing that one of his sons is starving and shivering inside an orphanage? Fucking asshole. HAHAHAHA!" Terrence's voice cracked, spilling his emotions.

Agad na naalarma si Nico nang sinimulan na nitong maglakad papalapit sa kanyang sasakyan. Mahinang napamura si Nico at akmang kukunin na sana ang baril sa lalagyan nito nang umalingawngaw sa katahimikan ang isang tunog. It was the sound of a gun's magazine being reloaded.

Napahinto si Terrence, hindi pa rin nawawala ang sarkastikong ngiti nito.

"About time you showed up, babe."

Meanwhile, Detective Nico Yukishito stood silently as he watched the scene before him. Nakatayo sa likuran ni Terrence si District Officer Rizee Mariano habang hawak ang isang baril na nakatutok sa ulo ng arsonist. Tumalim ang kulay asul niyang mga mata sa kasintahan.

'I thought I told her to stay hidden? Tsk.'

Pero alam ni Nico na hindi niya maiiwasang mangyari ito. It's inevitable to stop a lover's grudge. Kaya't imbes na pigilan niya ito, hinayaan na lang niya. Mula rito, nararamdaman ni Nico ang galit sa likod ng mga salita ni Rizee. Her lips scowled in anger. All her composure slowly melted away as she glared at the criminal who played her heart.

"Kung inaakala mong matatakasan mo ang hustisya, nagkakamali ka, Terrence! You should've known better than to mess with me."

Ngumisi si Terrence at binalingan ang kasintahan. "Does it hurt, Riz? Wala pa sa kalingkingan ng sakit na nararamdaman mo ngayon ang sakit na dinadala ko buong buhay ko. You should've known better than to entrust your fragile heart to any guy who shows interest in you. Kaya ka madaling naloloko eh."

"SHUT UP!"

"Gusto mo bang malaman ang totoo? I never loved you, Rizee."

Nanlaki ang mga mata ni Nico nang makitang nanginginig na ang kamay ng district officer. Her emotions were getting in the way.

✔ 02 | Flames Of Madness [Soon To Be Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now