Chapter 6: Sa Burnham Park

2.7K 204 17
                                    

Wala naman ng lugar na hindi napuntahan si Sam sa Baguio sa matagal na niyang inilagi rito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Wala naman ng lugar na hindi napuntahan si Sam sa Baguio sa matagal na niyang inilagi rito. Napuntahan na niyang lahat ng mga museo tulad ng Museo Kordilyera, BenCab Museum at Baguio Museum. Pinagsawaan na nila ng kanyang Ate Jane ang pag-u-ukay, ang night market, ang tanawin sa Mines View, ang pamamasyal sa Botanical Garden, at lalong-lalo na ang pagbo-boat ride sa Burnham Park. Naisip nga niya na sana may iba pang lake sa Baguio. Kung bakit ba kasi iisa lang ang ginawang manmade-lake ni Daniel Burnham?

Ang hindi lang niya naranasan ay ang gawin ito mag-isa.

Kung kaya't ganoon na lang ka-excited si Sam. Obviously, ito na nga ang Eat, Pray, Love solo tour niya. Nabasa na niya ang Eat, Pray, Love na isang memoir ng American author na si Elizabeth Gilbert at siya ring basis ng pelikula ni Julia Roberts. Tungkol iyon sa paglalakbay ng author around the world bilang kanyang spiritual journey, kumain at makahanap ng bagong relationship, at iyon ang inaasahan ni Sam na mangyari sa kanya. Sana.

Maganda ang panahon. Bagama't mataas ang sikat ng araw ay malamig ang hangin. Thank God for Baguio weather, sabi ni Sam.

Pagtuntong na pagtuntong ni Sam sa Burnham Park ay agad siyang nagtungo sa lake para magrenta ng boat. Minungkahi sa kanya ng lalaking nagpapatakbo ng boat ride na samahan siya ng isa nilang tauhan para tumulong sa pagsagwan. Nguni't, ininsist ni Sam na kaya niya iyon mag-isa. Well, kaya naman niya, for about 10 minutes. Dahil nang nasa bangka na siya't ganadong nagsasagwan ay nakita niyang karamihan sa mga sakay ng ibang bangka sa paligid ay pulos magkasintahan. Iyong tipong nagsusubuan pa ng ice cream.

"Fuck..." bulong ni Sam sa sarili.

Napagdesisyunan na lamang ni Sam na pumunta sa supermarket at bilhin ang mga binilin ng kanyang Lola Edna at ng sarili niyang mga provisions.

"Okay, Eat, Pray Love tour ito," aniya sa sarili. "Pero, promise, hindi ako kakain out of depression. Hindi ako tataba!"

Napatingin ang babae na may katabaan sa may frozen food area. Na-conscious si Sam at tinulak palayo ang kanyang grocery cart. Hindi karamihan ang tao sa loob ng SM supermarket at tinake-time ni Sam ang pamimili. Hindi ito emotional eating paulit-ulit niyang sinasabi sa sarili. Pero, matapos mamili ay dalawang bag na puno ng snacks ang bitbit niya. Mostly potato chips at chocolate bars.

Nabili na rin ni Sam ang mga binilin ng kanyang Lola Edna, bukod sa insenso na sinadya pa niya sa Baguio market. Bumili rin siya ng sarili niyang insenso at ng rat killer pellets. Walang binanggit sa kanya kung kailan babalik si Rommel na handyman at hindi na siya makapaghintay. Siya na mismo ang pupuksa sa peste sa silong. Ang gumagawa ng nakababahalang ingay sa gabi.

"You're dead!" aniya, hawak ang kahon ng rat killer.

Isa pang sinadya ni Sam ay bumili ng mababasa. Hindi siya nakapagdala ng libro sa inempake niyang bagahe at sayang naman ang na-imagine niyang pagbabasa sa may fireplace na may mainit na tsokolate kung wala namang babasahin.

Ang Banga sa SilongWhere stories live. Discover now