Chapter 29: Postcog

2.3K 204 24
                                    

Gabi na nang sila'y umalis sa ospital

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Gabi na nang sila'y umalis sa ospital. Inantay pa nilang dumating si Dr. Yubod, ang orthopedic doctor, na sinabing maganda ang nagiging progress ng paghilom ng binti ni Lolo Charlie. Na may chance pa na mapaaga ang pag-discharge niya mula sa scheduled na 1 week stay sa ospital.

"After that we'll remove the cast and begin therapy sessions," sabi ni Dr. Yubod. "'Di magtatagal makakabalik na si lolo sa kanyang gardening."

Natuwa sila sa balitang ito at pinasalamatan ang duktor.

6:15PM.

Sakay sila ng Revo at pabalik na sa bahay mula sa ospital. Nag stop-over sila para bumili ng lechon manok at liempo at sa 7-11 ng softdrinks, donuts, at Slurpee. Bumili rin si Sam ng maraming kandila at flashlight.

"Pabalik na kami, okay naman sina 'Lo at 'La," sabi ni Sam sa phone kausap si Rommel. "D'yan na kami kakain ha, nag-take out kami. Magsaing ka na lang."

Nalampasan na nila ang traffic sa downtown Baguio, nasa daan na sila na pa-hilltop tungo ng kanilang subdivision. Dito, hindi na gaanong marami ang mga sasakyan.

"Si Greg kumusta?" patuloy ni Sam. "Okay, sige, bye."

Nang matapos ang tawag ay pulos may nakakalokong ngiti ang mga kasama ni Sam. Kahit si Aaron na naglalaro ng PSP.

Saaanaaa dalawa ang puso ko... kanta ni Jim habang nagmamaneho.

"Ha ha. Kakatawa ka kuya Jim," iling ni Sam.

"Iba ka, sis," ngiti ni Jane, nakaupo sa harap katabi ng asawa. "Ikaw na ang may dalawang lalaking inuuwian."

"May kilala akong ganyan!" hirit ni Hannah na katabi ni Sam. "Nakatira sa isang bahay tapos dalawa ang mister, 'yung isa kasi tatay ng anak niya kaya wala siyang choice kundi patirahin siya doon."

"Polyandry, ang term diyan," sabi ni Jules mula sa pinakalikuran kasama si Aaron. "Kung lalaking may dalawang asawa Polygyny, kung grupo, Polygamy. Pina-practice ang Polyandry sa China at India. Mainly, dahil sa kahirapan."

"Tipid nga naman kung sama-sama," komento ni Jane.

"Yeah, Jules! Mr. Encyclopedia!" ngiti ni Hannah.

"Eh, pano 'pag sexy time na?" tanong ni Jim habang nagd-drive.

"Parehong sexual partners nung babae ang dalawang lalaki," sagot ni Jules. "Depende siguro sa usapan."

"May schedule?!" paglaki ng mata ni Jane.

"Yes," agree ni Jules.

Tumingin si Jane kay Sam.

"O, Sam, lipat na sa India."

Nanlaking mga mata ni Sam.

"May mga sira ba kayo?" inis niyang sigaw. "Kung anu-anong iniisip n'yo!"

Ang Banga sa SilongWhere stories live. Discover now