Chapter 8: Ang Kabinet sa Ilalim ng Hagdan

2.6K 209 38
                                    

DAY 3

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

DAY 3

"Sam? Gising na, iha."

Unti-unting dumilat si Sam at nakita ang mukha ng Lolo Charlie niya na nakatingin sa kanya.

"Ba't diyan ka natulog, iha?" tanong ng lolo. "Bakit hindi ka sa kuwarto?"

Naupo si Sam. Medyo mahina pa ang katawan niya pagbangon. Naalala niya na doon nga siya natulog kagabi katabi si Misty. Ikukuwento sana niya kay Lolo Charlie ang ginawa niyang pagsaboy ng pamatay daga sa silong, nguni't may naalala siya at nagdahilan na lamang.

"Naglaro po kasi kami ni Misty, 'Lo. Nakatulog ata ako."

"Magalmusal ka na. May hinanda na'ng lola mo," aya ng lolo habang naglakad tungo sa kusina.

Tumango si Sam.

Pero, saglit pa siyang naupo na nakatunganga. Sa pader, 8:15 AM nakaturo ang mga kamay ng orasan. Medyo inaantok pa nga siya't natutuksong humiga uli sa malambot na sofa nang maamoy niya ang:

"Cocoa..." pagliwanag ng mukha ni Sam.

Nagluluto ang Lola Edna niya ng cocoa sa kusina.

Sa bintana, sumisilip ang magandang sinag ng umaga. Huni ng mga ibon na naghahabulan sa labas. Panibagong araw.

"Panibagong simula..." ngiti ni Sam.

Na natuloy sa tawa.

"Parang tagline lang ang buhay mo, Sam," aniya.

Dahil doon ay ganadong tumayo si Sam at nagmamadaling naglakad tungo sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Nagdouble back pa siya para hugutin ang cellphone sa saksakan at nakitang green na ang ilaw nito. Sana hindi na-damage sa magdamagang pagkaka-charge, muni niya.

Matapos makapagpalit ng pang-itaas ay dumiretso si Sam sa kusina at naroon na ngang naghihintay sa kanya ang hot cocoa.

"Good morning, apo!" bati ni Lola Edna.

"Good morning po, 'La!" pagbeso ni Sam.

"O, ipinagtimpla kita ng cocoa tulad ng request mo."

"Thank you, 'La!"

Kinuha ni Lola Edna ang kaldero kung saan niya niluto ang cocoa. Ang cocoa ni lola ay gawa sa tablea o chocolate tablets, hinaluan ng asukal at fresh milk—ang traditional na paggawa ng inuming tsokolate. Nilagyan niya ang coffee mug napara kay Sam. May dalawa pang mug para sa kanila ni Lolo Charlie.

Dinampot ni Sam ang cup at inamoy. Napapikit siya sa masarap nitong aroma.

"Ingat, apo. Mainit pa 'yan."

Maya-maya'y pumasok si Lolo Charlie mula sa likurang pintuan. Suot niya'y gloves at itim na plastic na bota. Galing siyang hardin.

"Okay na ba ang cocoa?" tanong niya.

Ang Banga sa SilongWhere stories live. Discover now