Chapter 18: Sa Ospital

2.3K 214 22
                                    

Oblique fracture of the left leg tibia due to trauma which resulted from a fall

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oblique fracture of the left leg tibia due to trauma which resulted from a fall.

Ito ang pagkakaintindi ni Sam na injury ng kanyang Lolo Charlie ayon sa orthopedic doctor ng Baguio General Hospital. May mga sugat din daw sa braso, kamay at katawan na natamo ang matanda nang mahulog sa hagdan, mabuti na lang daw ay wala siyang ibang butong nabali. Nang in-x-ray siya'y nakita nilang naghiwalay ang buto niya sa binti—ang Fibia na mas mapayat na buto kesa sa Tibia o ang shin bone. Kung iyon daw ang nadale ay mas matagal na gamutan kung nagkataon. Mabuti na rin daw at hindi lumabas ang buto kundi'y kakailanganin ng surgery. Sa natamong fracture ni Lolo Charlie ay kanilang ia-align ang buto at lalagyan ng cast ang binti para gumaling.

Nang dumating si Jim sa ospital pasado alas-1:30 PM ay nasa semi-private room na si Lolo Charlie at naka-cast na ang kaliwang binti't naka-suspend ng tali. Conscious naman ang matanda't nanonood na ng TV. Naroon sina Lola Edna, Sam, Jane at Aaron.

"Anong sabi mo sa boss mo?" tanong ni Jane sa asawa.

"Sabi ko na-aksidente si lolo," sab ni Jim. "Mami-miss ko ang isang seminar, pero okay lang."

"Kung kailangan mo agad bumalik, Jim, okay lang din," sabi ni Lola Edna. "Nandito naman kami."

Tumango si Jim.

Si Sam ay nasa sulok hawak ang tissue at sumisinghot. Panay iyak niya. Sinisisi ang sarili na kung sana raw ay nailigpit niyang bote ng vodka ay sana'y hindi ito nahulog sa mesa, gumulong at naapakan ng kanyang lolo.

"Okay lang ba si Sam?" bulong ni Jim sa asawa.

"Sobrang sinisisi ang sarili," balik ni Jane.

"Naririnig ko kayo..." tingin ni Sam sa kanila.

Natawa sina Jane at Jim. Natawa na rin ang iba.

"Gusto mo kaming lumabas ng Lolo Charlie mo ng bahay, o heto nakalabas kami," ngiti ni Lola Edna.

"Hindi naman po sana sa ospital," sabi ni Sam.

"Saya pa naman niyan kagabi," sabi ni Aaron. "Sila ni Rommel."

"Kayo na ba?" tukso ni Jane.

Napasimangot si Sam, "High school lang, ate?"

Ayon kay Lola Edna, nakausap na niya si Rommel at ito raw ay sasaglit sa ospital bago pumunta ng bahay. Nag-volunteer si Sam na magbantay pero sinabi ni Lola Edna na okay lang na siyang maiwan sa ospital. Kailangan daw may magbantay sa bahay at pakainin si Misty. Ang isa pa'y hindi raw nakakatulog si Lolo Charlie kung wala siya, at na nahihiya ito na magpaasikaso sa mga nurses lalo na sa pagpapalit ng diaper.

Nang dumating si Rommel ay humingi rin siya ng dispensa sa nangyari. 'Wag mong isipin 'yon, nangyayari talaga ito, sabi ni Lola Edna sa kanya. Pagkatapos ay marami sa kanyang binilin si Lola Edna, lumabas pa sila ng kuwarto para mag-usap. Na-curious si Sam, na kung anong bagay ang kailangang ibilin ni Lola Edna sa handyman na hindi na lang niya sabihin sa loob ng kuwarto.

Ang Banga sa SilongWhere stories live. Discover now