INTERMISSION

2.1K 214 20
                                    

Giliw na mambabasa,

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Giliw na mambabasa,

Nasa kalagitnaan na naman tayo ng isa na namang kapana-panabik na istorya. Maraming salamat sa sumusubaybay sa "Ang Banga sa Silong." Nawa'y nagugustuhan ninyo ang tinatakbo ng kuwento.

May pagkakaiba ang kuwentong ito sa iba kong akda, bukod sa ito'y isang love story na nagkataon na horror din. Kung napansin ninyo, ang ibang parte ng narrative ay first-person kung saan ang mga nasa isip ng lead character na si Sam ay ating nababasa, pero kadalasan ay nasa omniscient third person point of view. I hope nagwowork ito para sa inyo na maikuwento ko ang mga kaganapan, sa patuloy kong page-experimento ng aking craft sa pagsusulat.

Kung napansin n'yo rin, may koneksyon ang istorya sa iba kong mga nobela. Nabanggit dito ang Our Lady of Carmel Convent na na-feature na sa mga nobelang Ang Bayang Naglaho at sa JHS series, at siyempre pa ang paborito nating multong madre na si Sister Juanita. Kung gaano kalalim ang koneksyon ng istoryang ito sa ibang nobela ay inyong malalaman sa susunod na mga kabanta. Sana'y ma-surpresa kayo.

Sa panahon na tayo'y bilanggo sa ating mga tahanan dahilan ng Covid-19, ay sana'y kahit paano ay naaaliw ko kayo sa pamamagitan ng kuwentong ito. Sa ating pagbibilang ng mga oras tungo sa pagtatapos ng pandemic, sana ay patuloy n'yo ring suportahan ang aking mga akda—after all, para sa inyo ito.

Salamat,

Inyong author.

4/18/20

Ang Banga sa SilongWhere stories live. Discover now