Chapter 24: Possession Obsession

2.3K 198 56
                                    

Day 8

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

Day 8. 7:40 AM.

Nagising si Aaron sa boses ni Sam na nagmumula sa kusina. Nakahiga ang 12-year old sa mas maliit na sofa kung saan ang ulo at binti niya'y nasa magkabilang armrest. Inalis niyang taklob na kumot na nahulog sa sahig para damahin ang sarap ng lamig ng umaga.

Dinig niyang nagluluto ang kanyang tita. Putok ng mantika. Malamang na nagpiprito ng SPAM at itlog. Dinig din niyang may kausap ito.

Bigla na lang siyang dumating kagabi. Anong gagawin ko, friend?

Alam din naman niya ang nangyayari. Ang nagaganap na love triangle pagka't sa school ay may ka-love triangle rin siya. Karibal niya sa kanyang school crush na si Wendy ang class president nilang si Michael Angelo Ong or "Mao" for short dahil anila ng kanyang mga kaklase, ay hawig nito si Mao Tse Tung, bukod sa may katabaan pa. Tawag nga nila'y "Chairman" imbes na president. Kinaiinisan niya si Mao dahil mayaman itong Chinese at laging binibigyan si Wendy ng mga pagkain tulad ng Oreos, Hershey's Kisses, Snickers at Ferrero Rocher. Wala siyang pambili ng mga ito, ang maibibigay lang daw niya kay Wendy ay true love.

I don't know. Nagseselos siguro. O sige na, friend. Tawagan kita mamaya.

Dinig ni Aaron na pinatay ni Sam ang kalan. Gusto pa niyang matulog pero nang tumunog ang message tone ng kanyang cellphone ay napabangon siya. Inabot niyang salamin sa mata't sinuot, at binasa ang message. Top priority lang niya ito. Kagabi, hanggang sa siya'y makatulog ay busy siya sa facebook kaka-chat. Pinost niya sa group chat ang mga litrato ng putol na daliri ng witch, selfie na naroon si shadow man, pati na rin litrato ng mga tipaklong. Sikat lang siya sa kanyang tropa, lalo na sa kanyang gamers league.

Duuuddde, that's sick!
100,000 XP Points!
U da man!
Kill the witch bro!
Send more pics!

At lalo na'y mukhang na-impress niya si Wendy dahil nagko-comment din ito. You're so cool! Post ng kanyang crush. Hindi niya napigilang mag-blush. Kinuhanan pa niya ng screen cap ang message at tinitignan gabi-gabi. Samantalang si Mao nama'y panay ang sabi na peke ang pictures or kesyo mas may matindi pa raw siyang alam. Wala namang pumapansin sa posts ng chairman.

"Aaron! Gising ka na ba?!" tawag ni Sam mula sa kusina, obviously narinig ang message tone, "Bangon na! May breakfast na!"

"Opo, Tita!"

Hawak ang cellphone na kinaladkad ni Aaron ang sarili tungo sa kusina. Nakatayo pang mga buhok niya't may muta pa sa mga mata.

Sa mesa, tamang hula ni Aaron, nakahanda ang pritong itlog at SPAM. Maya-maya'y pumasok si Rommel na dala ang supot ng pandesal na binili niya sa bakery mga limang kanto ang layo sa kanila. Sinalubong siya ng ngiti ni Sam.

"Thaaanks!!"

Na binawian naman ng ngiti ng handyman. Of course, with the dimples. Naupo si Rommel para kumain din.

Ang Banga sa SilongDonde viven las historias. Descúbrelo ahora