Chapter 13: Full Moon

2.5K 214 24
                                    

"Kapag nasa conference naman si Jim pupunta ako dito," sabi ni Jane

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kapag nasa conference naman si Jim pupunta ako dito," sabi ni Jane.

2:50 PM. Nakadungaw mula sa bintana ng Toyota Revo si Jane at kausap sina Sam at Aaron, si Jim nasa manibela at umaandar na'ng makina ng sasakyan. Papunta sila ng hotel kung saan sila naka-check-in courtesy ng kumpanya ni Jim. Alas-sais ng gabi ang unang conference ni Jim. Sinabi ni Sam na maaga pa at mamaya na sila umalis, pero ayon kay Jim ay may mga briefing pa raw at kung anu-ano pa. Dismayado si Sam na maaga silang aalis.

"Saka nandyan naman si "handyman," ngiti ni Jane na may pag-quotation mark pa ng daliri. Si Jim ay nakangiting tinaas-baba ang mga kilay niya.

Sa may gate naroon kasi si Rommel na siyang nagbukas nito at inaantay na lumabas ang Revo.

"Basta i-tetext kita," sabi ni Sam, inignore lang ang kantiyaw nila.

"Okay," inabot ni Jane ang braso ng kapatid at binigyan ito ng tingin na may assurance, sabay baling sa anak. "Hoy, Aaron, 'wag ka pasaway ha, makinig ka dito sa Tita Sam mo kundi ibebenta ko 'yang PSP mo..."

"Opo," nakasimangot na sabi ni Aaron, humigpit ang hawak sa kanyang PSP.

Kumaway sina Jane at Jim kina Lola Edna at Lolo Charlie na nasa taas ng front porch.

"Bye, 'La! Bye, 'Lo!"

Kumaway din ang mga matatanda.

Lumabas ang Revo ng gate pababa ng matarik na driveway tungo ng main road. Isinara ni Rommel ang gate habang nagmamadaling tumakbo ng harap bakuran si Aaron at siya'y hinabol ni Misty. Kanina'y nakita niya si Rommel na naglalaro ng fetch sa aso, natuwa siya't ngayon ay gusto niyang siya naman.

"Careful, Aaron!" sigaw ni Sam.

Pagbaling ni Sam sa front porch ay nakita niyang nakatingin sa kanya sina Lola Edna at Lolo Charlie. Siryosong mga mukha nila. Halintulad ng sa masungit na titser na minamanmanan ang mga estudyante.

"Nasa likod lang muna ako..."

Napalingon si Sam sa paglapit ni Rommel.

"Magsisibak lang ako ng kahoy," paalam ng handyman.

"Ah, ok," sabi ni Sam. Naamoy niya ang body spray sa kanya. Musk. Kahapon ay wala nito. Sa porch, narinig niyang windchimes at nakitang pumasok sa loob ng bahay ang kanyang lolo at lola.

"May pagagawa ka ba?"

"Wala naman."

"Sabihin mo lang sa akin kung may kailangan ka," sabi ni Rommel at nilabas kanyang dimples. "Huwag mo lang akong pakantahin ha. Pangit boses ko."

"Ha ha," mahinang tawa ni Sam. Me ganon?

Nako-cornihan man ay hindi maalis ni Sam ang tingin sa lalaki. Pinagmasdan niya ito na naglakad paalis habang nagtanggal ng jacket. Kita niyang magandang hugis ng katawan nito sa manipis na undershirt, ang contour ng muscles ay naging prominente sa tama ng araw, ang biceps, triceps at deltoids. Sumilip ang external oblique nang hanginin ang t-shirt. Fit naman si Greg, naisip ni Sam, pero hindi ganito. Itong si Rommel ay pupuwedeng modelo ng YC Bikini Brief.

Ang Banga sa SilongWhere stories live. Discover now