Chapter 33: The Spellcaster

2.1K 202 41
                                    

YESTERDAY

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

YESTERDAY. 2:18 PM.

"Rommel!"

Masayang bati ni Lola Edna nang pumasok ang handyman sa kuwarto ng ospital. Dala-dala ni Rommel ang malaking gym bag. Kasalukuyang nanonood ng TV si Lolo Charlie. Nakatuon ang palabas sa History Channel. Episode na ukol sa Crusades, ang religious war noong Middle Ages.

"Kumusta na?" tanong ni Lolo Charlie.

"Minarkahan na ni Abaddon si Greg," sabi ni Rommel.

Nagkatinginan ang dalawang matanda. Sumiryosong mga mukha nila, at pinatay muna ni Lolo Charlie ang TV.

"Huli na tayo," sabi ni Lolo Charlie. "Nakalabas na ang dimonyo. May katawan na siya."

"Kung ganon, wala na tayong choice," sabi ni Lola Edna.

Nagtanguan sila. Binuksan ni Rommel ang gym bag at mula roon ay kinuha niya ang isang kahon. Gawa ito sa kahoy, mukhang antique na at kasinglaki lamang ng kahon ng sapatos bagama't mas manipis. Inabot niya ito sa dalawang matanda.

"Naritong lahat ng binilin ko?" tanong ni Lola Edna habang sinilip nila ni Lolo Charlie ang loob ng kahon.

"Nand'yan lahat sa loob," sabi ni Rommel.

Tumango ang dalawang matanda at sinara ang kahon.

"May mga darating," ulat ni Rommel. "Mga ghosthunters daw. Baka makatulong..."

"Marahil," interrupt ni Lola Edna as if alam na niya ang bagay na iyon.

"May psychic sila," patuloy ni Rommel.

"Sa iba manggagaling ang psychic," sabi ni Lolo Charlie.

Medyo nagulat si Rommel sa mga pahayag ng dalawang matanda.

"Nasilip na namin ang bagay na 'yan," dagdag ni Lolo Charlie. "Ang hindi namin makita ay si Sam."

"Si Sam, Rommel," ulit ni Lola Edna. "Siya ang susi ng lahat."

Tumango si Rommel.

"Kung ganon, kailangang sabihin ko na sa kanya..."

Agad na itinaas ni Lola Edna ang kanyang kamay.

"Hindi, Rommel. Kailangang siya ang makadiskubre sa sarili niya. Sa ganoon lang paraan iyon mabubuksan."

Natigilan sila nang madinig ang boses sa labas ng kuwarto. Boses ni Jane.

Agad na tinago ni Lola Edna ang kahon sa loob ng kanyang bag. Binuksang muli ni Lolo Charlie ang TV.

"Lola!!!" malakas a bati ni Jane habang papasok ng kuwarto, may pasalubong na ngiti. Kasunod niya si Jim. May dala rin silang mga pasalubong na pagkain at mga bulaklak.

"Pumunta ka sa kumbento," bulong ni Lola Edna kay Rommel habang papalapit sina Jane at Jim. "Humingi ka ng padasal sa mga madre."

Tumango ang handyman.

Ang Banga sa SilongWhere stories live. Discover now