Chapter 27: I Quit!

2.4K 211 122
                                    

"Naloloko na ba kayo? Hindi n'yo basta tinatawag ang isang dimonyo hangga't wala kayong tamang spell

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Naloloko na ba kayo? Hindi n'yo basta tinatawag ang isang dimonyo hangga't wala kayong tamang spell. Hindi n'yo siya basta iniimbita sa bahay."

Ganoon na lang ang gulat ni Rommel nang malaman na nagtanghal sila ng séance.

Nasa sala sila na nag-uusap. Nilalagyan ng kahoy ng handyman ang fireplace, ang ilaw ng apoy nito'y gumapang sa loob ng bahay. Bukas ang TV bagama't mahina lang ang volume, naka-tune in si Aaron sa cartoons. Matapos ang hindi matagumpay na séance ay isang welcome sight lang si SpongeBob.

"Lalo n'yo lang pinalakas si Abaddon," sabi pa ni Rommel.

"Of course, first rule is not to invite," bulong ni Jules, frustrated sa sarili na nakaligtaan niya iyon. Rookie mistake. Katabi niya si Dave sa sofa.

"S-sorry..." sabi ni Dave, putla pa't parang naiiyak. Sa kabilang dulo ng sofa si Greg na mukhang naka recover naman na.

Pinakilala ni Sam sina Jules at Dave kay Rommel.

"Sila ang ghost hunters," turo ni Sam na nakatayo malapit sa fireplace. "Si Rommel ang handyman sa bahay at..."

Natigilan si Sam. Natutukso lang na sabihing "bf" niya. Unofficial, pero M.U. na. Napangiti siya. M.U. Tagal na niyang hindi narinig ang term na iyon. Nagkatinginan naman sina Jules at Sam. Handyman? Na-hot?

"...at sorcerer's apprentice," dugtong ni Aaron.

Kinuwento kina Jules at Dave ang tungkol sa angkan ni Rommel, na ang ama niya'y isang salamangkero, ang tiyahin niyang mga mangkukulam, ang tungkol sa banga, at iba pa.

"Si Jules ang parapsychologist na may photographic memory," patuloy ni Sam. "Si Dave ay may-third eye...and I guess, a psychic."

Nang mabanggit iyon ay umiwas ng tingin si Dave.

Psychic...pag-isip ni Aaron. Naaliw sa fact na ang current favorite artist niya ngayon ay nagkataong si Psy ng Gangnam Style fame.

Psi at Psy. Naaliw lang ang bata.

"Okay, so ano nang next nating gagawin?" tanong ni Greg.

Kay Dave nakadirekta ang tanong. Nguni't halatang walang plano ang tinaguriang psychic, bagay na hindi niya kinonfirm or dineny. Para ngang tulala pa siya.

"Dave?" baling ni Jules sa ka-partner.

"Wait," tingin ni Sam kay Rommel. "May sinabi kang tungkol sa tamang spell..."

Tumango ang handyman at sinabing maaaring ito'y tulad ng spell ng kanyang mga tiyahing witches, sina Agatha at Lucia, na kayang kontrolin si Abaddon. Sinabi rin niya na ang kapangyarihan ipagkakaloob ni Abaddon sa mga witches ay may kaukulang kabayaran.

Ang Banga sa SilongWhere stories live. Discover now