Chapter 16: Evil Spirit

2.5K 194 32
                                    

Ang anyo ng lalaki ay isang malaking hugis na kulay itim

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang anyo ng lalaki ay isang malaking hugis na kulay itim. Nakababang mga kamay na mahahaba, tulad ng kanyang mga daliri. Hindi siya namumukaan pagka't ang mukha niya'y itim lamang. Isang malaking anino.

Kinikilabutan sina Sam at Aaron na tinitignan ang selfie na ngayon ay naka-flash sa screen ng laptop. Ang selfie nila kasama sina Lola Edna, Lolo Charlie at Rommel sa kusina na kung saan sa likuran ng mga ito'y may lumabas na aparisyon ng isang nilalang. Kung si Rommel ay tinataya nilang nasa 5'9" o 5'10" ang itim na lalaki'y mas mataas pa ng isang talampakan pagka't halos abot na ng ulo nito ang kisame.

"Evil spirit..." bulong ni Aaron.

Napatingin sila sa sahig at lalo pang natakot na maisip na nasa ilalim lang ng kuwarto nila ang banga kung saan namamahay ang masamang espiritu.

"Tita, lumipat na lang kaya tayo sa itaas..." mungkahi ni Aaron.

Naisip na rin ni Sam iyon, na doon na lang sila sa itaas na kuwarto matulog. Pero, ang ibig sabihin naman noo'y mapapalapit sila sa kuwarto ng kanyang 'Lo at 'La. Ngayong malinaw na may kababalaghan sa silong, ay nakasisiguro sila na may kinalaman ang dalawang matanda.

Maya-maya'y narinig nila si Lola Edna na tinatawag sila.

Sinara ni Sam ang laptop sakto sa pagpasok ng matanda.

"Kanina pa kayo dito sa kuwarto a," tingin ni Lola Edna. "Halina't may meryenda sa kusina. Nagtimpla ako ng cocoa."

"Opo, 'La," sabi ni Sam.

Magkasunod na lumabas sina Sam at Aaron.

"'Yung laruan mo, nakalimutan mo," turo ni Lola Edna sa kama. Tinutukoy niya'y ang PSP ni Aaron.

"Ay, oo nga pala," sabi ni Aaron at bumalik para kunin ang PSP.

Halata ang kaba sa mukha ni Aaron kaya't tinignan siya ni Lola Edna ng may pagtataka. Nang lumingon naman siya kay Sam ay umiwas ito ng tingin. Lalo tuloy nakaramdam ang matanda na para bang may sikreto ang dalawa. Nang makalabas ng kuwarto sina Sam at Aaron ay nanatili pa siya sa kuwarto at inikutan ng tingin ang loob. Ang kama, mesa, laptop, at sahig. Matagal niyang tinitigan ang sahig. Pumikit si Lola Edna at parang aso na inamoy-amoy ang hangin, at nilabas niyang kanyang dila at ginalaw-galaw na para bang may nilalasahan.

Pagkatapos ay may binulong si Lola Edna, mga salita na hindi maintindihan.

***

Sa kusina, nagmemeryenda sina Sam at Aaron, may kanya-kanyang mug ng cocoa. Sa mesa, may toasted bread, peanut butter at strawberry jam.

"Kumain lang kayo," sabi ni Lola Edna, at kay Aaron: "Lalo na ikaw, para tumaba-taba ka."

"Opo," sabi ni Aaron, hawak ang PSP at naglalaro kasabay ng pagkain.

Dala ni Lola Edna ang mug ng cocoa para kay Lolo Charlie at lumabas ng bahay tungo ng hardin para ihatid ito. Nang wala na siya'y agad na binaba ni Aaron ang PSP at kinuhang cellphone niya't binuksan ang internet.

Ang Banga sa SilongWhere stories live. Discover now