Chapter 17: Isang Natataong Aksidente

2.4K 206 16
                                    

"Cheers!"

¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.

"Cheers!"

Hawak nina Sam at Rommel ang baso at sila'y nag-toast. Tunog ng yelo sa baso. Vodka sprite on the rocks. With a hint of lemon. Sabay silang uminom at naramdaman ang daloy ng alak sa kanilang mga lalamunan.

Sa front porch, nag-set up sila ng maliit na mesa at dalawang upuang kahoy na galing sa kusina. Dalawa, para siguradong hindi tumambay doon si Aaron na panay pa rin ang labas ng pinto at pumunta sa kanila para dumampot ng snacks—iyong mga chips na binili ni Sam sa supermarket at para talaga sa kanyang pagbabasa sa sofa na may cocoa habang bukas ang fireplace, na ngayon ay siyang pulutan na nila ni Rommel. Si Misty ay nakahiga ng nakatihaya malapit sa hagdan pababa, hinayaan nila ang aso na samahan sila.

Alas-7:40 PM ng gabi at maliwanag ang sinag ng buwan. Hindi naman ganoon kaginaw kaya't may lusot ang suot ni Sam na spaghetti-strap one-piece dress. Kung giginawin man daw siya ay sana sa kilig. Hinihintay pa rin niyang i-complement siya ni Rommel sa suot.

Sa mesa, naroon ang laptop ni Sam at kanyang binuksan ang i-tunes para may music sila. Bossanova para chill. Hindi malakas, tama lang na volume para makapag-usap sila. Tama rin lang para hindi sila marinig sa loob. Naisip niya ang lahat. Gusto pa nga niyang hanapin iyong mga kandila na gamit ng kanyang lolo at lola sa pagsasayaw sa hardin para may candlelight sila, pero naisip niyang baka over na iyon.

"Thank you nga pala sa mga bulaklak ha," sabi ni Sam, trying not to sound too feminine, at nagbiro pa, "Ikaw naman, namitas ka pa sa tabi-tabi."

Natawa si Rommel at ipinamalas ang mga dimples.

"Binili ko 'yon," aniya.

"Ah, really?" ngiti ni Sam. Katono ng una niyang pagkasabi nito. "'Di nga? Baka naman tira-tira noong Panagbenga Festival ha!"

Hindi maiwasang magbiro ni Sam. Ganyan siya kapag kabado. Isang defense mechanism. Ang tutoo'y mamatay-matay siya sa tuwa nang makita ang mga bulaklak, dahil weakness niya ito. Binibilhan siya ni Greg noon ng roses kahit walang okasyon. Wait, Greg, who? Itong dala ni Rommel ay hindi roses, hindi niya masabi kung ano, pero sure siyang hindi ito Sunflower o Orchid. Hindi rin Dahlia. Wow, alam ko ang Dahlia, no! Kulay violet or blue or both. Lavender! Lavender siya. Matanong na nga lang. I'm sure hindi rin niya alam.

"Milflores Hydrangea," sabi ni Rommel. Ganon na lang gulat ni Sam.

"Alam mo?"

"Nagsusupply ako ng mga bulaklak dati," amin ni Rommel.

"Ahh, wow," ngiti ni Sam, at napainom ng vodka. Milflores Hydrangea. Nakadisplay na ang mga bulaklak sa kuwarto, nakababad sa pitsel na may tubig.

Tunog ng windchimes. Lumabas si Aaron para dumampot ng chips hawak ang PSP at mukhang nasa kalagitnaan ng paglalaro.

"Dalhin mo na nga 'yang isang bag," turo ni Sam sa malaking bag ng Lays.

"Okay lang, Tita?" lumaking mata ni Aaron sa kanyang suot na salamin.

Ang Banga sa SilongDonde viven las historias. Descúbrelo ahora