Chapter 28: Auras

2.3K 199 58
                                    

            "Hannah?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hannah?"

Bumaba si Sam ng front porch para salubungin ang psychic.

"Hi, ako si Sam."

"Hello, Sam," bati ni Hannah sabay apak sa kanyang yosi.

Nang makamayan ni Hannah si Sam ay saglit siyang napatitig dito. Tapos ay tinuro niyang Hi-ace na pinarada niya sa tabi ng Revo sa garahe. Okay lang sabi ni Sam at wala naman ng ibang kotse ang paparada roon.

Maya-maya'y lumapit ang mag-asawang Jane at Jim.

"Ate Jane ko..." pakilala ni Sam.

"Hello!" bati ni Jane.

At bago pa maipakilala ni Sam si Jim ay naunahan na siya nito.

"Jim," pagabot ng lalaki ng kanyang kamay na may kasamang ngiti. Hindi niya akalain na ang psychic pala'y isang "chick," na bagama't tomboyin ang porma ay may hitsura. In fact, maganda si Hannah kung babawasan mo ang Goth-look at aayusan mo ng pambabae. Nabura ang ngiti ni Jim nang kurutin siya ni Jane sa tagiliran.

"Halika, pasok tayo sa loob," aya ni Sam.

Sa loob, ipinakilala nila si Greg na nasa sala at si Rommel na naglilinis ng firebox.

"Oh, shit," napatakip ng bibig si Hannah at bumaling kay Sam. "Hindi mo sinabing nandito pala silang dalawa."

Namula si Sam. "Ah...eh..."

Agad niyang hinatak si Hannah sa kusina para ipakilala sina Aaron at Jules na naroon at nire-review ang video ng séance. Sa video, kita nila na nagwawala sa takot si Dave.

"Si Aaron, anak ni Ate Jane," turo ni Sam.

"Hello!" kaway ni Aaron habang in-adjust ang salamin sa mata.

"At si Jules..." turo pa ni Sam. "Si Jules ay isang parapsychologist."

"Jules!" turo ni Hannah. "Ikaw 'yung sa telepono."

"Yes, ako nga."

"Sino naman 'yung matangkad na lalaking nakatayo sa may hagdan?" tanong ni Hannah. "'Yung naka-itim?"

Nagulat lahat at sabay-sabay na nagtinginan sa hagdan na paakyat ng second floor. Pati na sina Greg at Rommel na nasa sala.

Pagka't wala namang tao sa may hagdan.

Tumawa si Hannah.

"Joke lang!" aniya.

Sumabog sa tawa si Jim. Napailing naman ang iba.

"Soooo, sinong demon ba ang pinag-uusapan natin?" tanong ng psychic.

Inikot ni Jules ang laptop para ipakita ang litrato ni Abaddon at kanyang sigil.

Ang Banga sa SilongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon