Chapter 30: The Portal

2.3K 189 24
                                    

"Si Greg?"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Si Greg?"

Hawak ni Sam ang flashlight.

Nagulat sila nang biglang nagtatahol si Misty sa direksyon ng kusina.

"Misty, bakit?" paglapit ni Aaron at hinimas ang labrador sa ulo.

"Sam, dito ka lang..." sabi ni Rommel nang makita si Sam na naglalakad tungo ng kusina. Humina na ang apoy sa fireplace kaya't dinadagdagan ng kahoy ng handyman. Madilim ang kabuuan ng bahay maliban sa sala.

Sa bintana sa harapan, nakasilip naman ang iba, binabantayan ang mga mangkukulam na nakaabang sa labas.

"Hoy Sam, saan ka pupunta?" lingon ni Jane.

"S-si Greg..." sabi ni Sam na papuntang kusina—kung saan dinig ang malalim na ungol.

"Greg? Nasaan ka?" tawag ni Sam.

Madilim sa kusina. Bagama't may ilaw mula sa bintana gawa ng buwan, ay may kakaibang dilim dito. At ang hangin. Nangangamoy sunog.

Napatakip ng ilong si Sam. Tinawag niyang muli ang pangalan ni Greg.

Dinig niyang ungol. Baka napapano na si Greg.

"Greg...nasaan ka? Hindi kita makita..."

Sa sulok ng kusina, naaninag ni Sam ang silhouette ni Greg. Parang itim na aninong estatwa. Marahan siyang lumapit tungo roon. Nagtataka siya na kahit anong tutok niya ng flashlight sa kinaroroonan ni Greg ay tila hindi niya mailawan ang lalaki. Na para bang nilalamon lang ng kakaibang dilim ang ilaw ng flashlight. 

"Greg, halika dito," madiin na tawag ni Sam.

Gumalaw ang anino.

"Pinagpalit mo ko, Sam..."

Nagulat si Sam. Kakaiba ang boses ni Greg. Garalgal. Boses na para bang nagmumula sa malalim na balon.

"Greg?"

"Mahal pa rin kita, Sam..."

Hindi alam ni Sam ang sasabihin.

"Greg, halika. Doon tayo sa liwanag."

Lumingon si Sam sa sala at nakita niyang abala ang mga kasama.

Paglingon niyang muli ay nanlaking mga mata niya.

Nailawan niyang mukha ni Greg na nakatayo sa harapan niya.

At gumapang ang takot sa kanyang buong katawan.

Sa nakakakilabot na hitsura ni Greg.

Nakatingin sa kanya ng mga matang wala ng puti at itim na itim.

At nang ibuka ni Greg ang naglalaway niyang bibig ay lumitaw ang naninilaw niyang mga ngipin at kulay alikabok na dila. Hinawakan niya si Sam sa magkabilang balikat at sinabi:

Ang Banga sa SilongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon