Chapter 11: Surprise! Surprise!

2.4K 212 31
                                    

"Kakaiba? Anong kakaiba?"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kakaiba? Anong kakaiba?"

Itong reaksyon ni Jane mula sa video call. Ang mukha niya'y close up sa camera.

"Si 'Lo at 'La ang weird nila," sabi ni Sam sa phone. "They're acting strange."

"Paanong strange?"

Kinuwento ni Sam ang tungkol sa kakaibang asal nina Lola Edna at Lolo Charlie. Ang bigla na lang nilang paghagikhik na parang bata, ang asal nila noong nasa may kabinet sila sa ilalim ng hagdan at iyong time na nagalit si Lola Edna habang sila'y kumakain.

"Si 'La nagalit?" gulat na reaksyon ni Jane, as if kataka-takang bagay iyon at na si Sam agad ang may sala. "Ano bang ginawa mo?"

"Wala," pagdahilan ni Sam. "Sinabi ko lang na ako na ang maglalagay ng pamatay daga sa silong, nagalit na."

"Ano naman ang meron sa silong?"

Kinuwento naman ni Sam ang tungkol sa kaluskos sa ilalim ng silong, ang parang may kumukutkot sa kahoy. Ang ginawa niyang paghampas sa sahig at na may humampas pabalik.

"Wait," pagtataka ni Jane. "You mean, may humampas pabalik?"

"P-parang..."

Napaisip si Jane.

"Imposible namang daga 'yan. Baka aso o pusa..."

"Ewan ko lang," sabi ni Sam. "Ang nakakataka pa eh nagsisimula lang ang ingay kapag hatinggabi."

Lumaki ang mata si Jane.

"Sis, baka multo 'yan!" aniya at natawa.

Napa-roll ng eyes si Sam sa naging reaksyon ng kapatid. Tumingin siya sa paligid at nakitang nag-iisa lang siya na nakatayo sa gilid ng kalsada ng kanilang subdivision. Ini-expect niyang may mga nagjojogging na't nagbibisikleta. Siguro'y dahilan ng hamog kaya't walang tao.

"Wait. Nasaan ka ba, ate?" tanong ni Sam pagka't napansin niyang parang hindi bahay ang background ni Jane.

Binaling ni Jane ang camera at bumulaga si Jim na nagmamaneho ng kotse.

"Hi, Sam!" bati ni Jim.

"H-hi, kuya Jim," balik ni Sam.

Medyo may pagka-chubby si Jim. May hitsura naman. Maputi, malinis ang gupit. May expresyon sa mukha na nagsasabing siya'y palabiro, which is true. Pero, nagsasabi rin na siya'y loyal sa asawa. Hindi tulad ni Greg.

"Nasa kotse kayo?" gulat na bigkas ni Sam.

"Yeeessss," ngiti ni Jane at binaling naman ang camera sa likod na upuan.

"Hi! Tita!" bati ni Aaron na nakaupo sa likuran.

Nagulat muli si Sam.

"H-hi Aaron!"

Medyo hawig ni Jim ang 12-year old na anak na lalaki nila ni Jane. Sa mata, ilong at pisngi na medyo bilugin. Mukhang nerd si Aaron dahil sa suot na salamin na mataas ang grado. Ani ng bata, legally-blind nga raw siya. Isang bookworm, paboritong mga subject niya ang science and history. Hawak niyang PSP na kanyang nilalaro.

Ang Banga sa SilongWhere stories live. Discover now