Unang Kagat - Ikalimang Sipsip

392 55 38
                                    

I followed her track and it was just then that we were arguing about my fang but now we're both running towards their house, I guess for her to see that someone she called 'Nay'; she's leading the way and I am just trailing behind her footsteps.

Aray ko! Nauntog ako sa pinto.

Nakakabuset! Napakababa naman ng pintuan na 'to! Sinuntok ko 'yon kaso nasaktan din ako. Naalala ko na hindi nga pala kumpleto ang lakas ko kapag wala ang pangil ko.

Nakarating kami sa isang silid na maliit, ang matandang babae lamang na iyon ang laman ng papag at mukhang iyon ang kanyang silid-tulugan.

"UBO! UBO! UBO!" ika ng matanda habang takip-takip ang bibig.

"Nay? MAY UBO KA!" sabi ni Ivana at tinulungan niyang makabangon ang matanda. Mukhang ang matandang ito ang kanyang Alma.

"Oo, anak, walong taon na . . ." alma ng Alma niya.

"Ay, oo nga pala," sambit pa ni Ivana at napakamot sa ulo-- ng Daedelus niya? Ay, ba't doon siya napakamot?

OMAY GHAD! Nandoon pala ang pangil ko sa pagitan ng Daedelus niya. Wala na . . . natikman na nila si Ivana.

IGIGIGIGIG--IG *gan'yan tawa ng bampira 'pag kinikilig*

Teka, ba't naman ako kikiligin? Dare Diary, hindi ako 'yon, a…! 'Yong pangil ko 'yon, siya 'yong kinikilig, 'di ako.

Muling umubo ang kanyang Alma na ikinabahala ko.

"UBO! UBO! UBO!" ika ng matanda na halos maisuka na ang baga sa sobrang hirap sa pag-ubo.

"OH MY GHAD! Baka may COVID-19 ang Alma mo!" Napadistanya ako ng isang metro.

Social distancing rule!

"Gaga! Wala pang COVID-19 noong nagkaubo siya!" Inirapan ako ni Ivana at umalis siya. Sinundan ko siya sa banggerahan nila at doon sumasalok siya sa banga ng tubig.

"Nagpa-check up na ba si Alma mo?" tanong ko sa kanya pero 'di ako kinibo..

Nang mapuno niya ang sarten na inuminan ay naglakad siya at nilampasan lang ako.

"Huy! Babaeng Daedelusan! Nagpa-check up na ba 'ka ko si Alma mo?" Kakalabitin ko pa lang sana siya nang bigla na siyang humarap.

"Ba't ba Alma ka nang Alma? Hindi Alma ang pangalan niya... Kalma!" Tinalikuran niya ako at dinala niya ang tubig sa kanyang Alma.

"Alma kasi ang tawag sa mga… what do you call this… mother! Yeah, Alma is mother… sa kaharian namin." Patuloy lang ako sa pagsasalita habang pinapainom niya ng tubig ang Alma niya.

"P'wes wala tayo sa kaharian ninyo, Bampirang Bungal! Kaya hindi Alma ang itatawag mo sa kanya kundi Kalma." Walang palya sa pagratsada ang bibig niya, nakaupo siya sa gilid ng kama: ang isang kamay ay nakahawak sa baso, pinapainom ang mama niya habang nasa akin nakabaling ang mukha niyang nanggagalaiti.

"Wow, parang may naiba?" sabi ko, sarkastiko.

"Mayro'n, tanga. Nadagdagan ng K." At nakipagmaramihan pa talaga siya.

"Oops!" sabi ko nang mapansin ang nangyari sa matandang pinapainom niya ng tubig.

"HAAAANGLAMEG!" ika ng Alma niya. Hindi niya na pala sa bibig naitututok ang baso kundi sa mukha at ngayon ay basa na rin ang katawan ng Alma niya.

"Ay, malamig!" gulat na ani Ivana, "Ay, ano ba 'yan? Sorry, nay! Kasalanan mo 'to, Bambu!"

Aba't sa akin pa isinisi kung bakit napaliguan niya ang kanyang Alma? Myghad Alma!

"'Di na nga gumaling-galing sa ubo, pupulmonyahin pa…" ika nang matanda, husky pa ang boses, halatang puno ng plema at kalaghara ang lalamunan.

"Pfft!" Nagpigil ako nang tawa.

"'Wag kang tumawa-tawa riyan, ha! Kung gusto mo pang mabawi pangil mo!" Nilingon niya ulit ang matanda pagkaismid sa 'kin.

"Nay, bangon riyan! Bibihisan kita ng damit!" Aba, sinisigawan niya ang Alma niya. Napaawang ang bibig ko sa pagkalapastangan ng bunganga niya.

"Hoy, Bungal! Hindi ka ba tatalikod? Pati matanda bobosohan mo? Hay, nako! Pati nanay ko…" It was a moment then when I realized that she's undressing the old woman and I'm still looking at them.

"Tatalikod s'yempre! Grabe ka naman!" I turned around, coming face to face to the opposite direction. My badness, ba't ba ang dalas kong matulala?

"Talaga kayong mga bampira, oo!" Narinig ko ang pagdabog ng mga paa niya, "Kaya dapat sa inyo, mabungal lahat, e!" Mukhang kumukuha siya ng damit. "Nakagigigil kayo!" Padabog isinara ang pinto ng aparador. "Hindi ko alam pero isinilang yata ako para manggalaiti lang sa inyo!" Mukhang binibihisan na niya ang Alma niya dahil naririnig ko ang ungol nito, "Baby pa lang ako dama ko na 'yong anger within my nerves! Hmm! Ayan, nay… nakabihis ka na…"

Pagkasabi niyang 'yon ay napasinghap muna ako bago humarap muli sa kanila.

"Pasensiya ka na, 'Nay, ha? Iyan munang metallic high slit mini dress ko ang outfit mo for today… na-i-online sell ko na kasi halos lahat ng mga damit natin sa online ukay-ukay…"

"Pfft! OG--OG!" Pinilit kong pigilan ang tawa ko, ang itsura ni Alma Kalma! Jusko mahabaging langit!

"Masyadong revealing naman 'ata 'to nak… nakikita na ang kuyukot at singit ko, nakakahiya sa binatang iyon…" Itinuro pa ako habang ibinababa niya ang laylayan ng damit niya matakpan lamang ang nag-uslian niyang mga ugat sa alak-alakan.

"Hindi Nay, hindi revealing 'yan promise…" Umiling-iling si Ivana Marawi, “saka mainam nga 'yan, makita niya ang piliges at kulubot sa katawan mo nang hindi ka niya pagnasaan," aniya't napasulyap pa sa 'kin.

"UBO! UBO! UBO!" Naubo na naman ang Alma; ang dibdib ko ang nasasaktan kapag umuubo siya--- napakahigpit.

"Hoy, grabe ka! 'Di ako pumapatol sa Alibaba!" sabi kong gan'yan Dare Diary, e, nakakaasar na kasi.

"Ano? Tinawag mong Alibaba ang nanay ko?" angal niya at iniwanan ang nanay niya.

"I mean, sa babaeng matanda…" sabi ko habang papalapit siya sa 'kin.

"Dapat lang, ano! Kasi kung pumapatol ka sa matandang babae, para ka na ring pumasok sa kweba na maluwag ang lagusan," sabi ni Ivana.

"Bakit ayaw mong ipagamot si Kalma?" tanong ko sa kanya at sinisilip ko kung ano ang ginagawa niya.

Mukhang naghahanap na naman siya ng maibebenta online.

"Halos lahat ng ospital Bambu, napuntahan na namin hanggang sa tuluyan na kaming maging kasing hirap ng daga. Wala, hindi nila matukoy ang sakit ni Nay Kalma. Sinasabi lang nila, may ubo pero 'di nila magamot tingnan mo pahina nang pahina na ang Nay Kalma ko," mahabang aniya habang nagkakalkal ng kung ano-anong gamit at pinipicturean.

"Awww… nabibiyak ang puso ko! UGUGUGUGUG!" sabi kong gan'yan tapos napakalungkot ng boses ko, Dare Diary.

"Anong ug-ug? Siraulo ka ba?" Napalingon siya sa 'kin habang hawak niya ang DVD player na nakalkal niya sa lumang etagere.

"Hindi ka bampira kaya hindi mo alam, we utter 'UGUGUG' if we're showing our empathy and sympathy on someone's misfortune." I explained in a usual low-pitched voice.

Maya-maya ay umungol ang Alibaba, este ang matanda!

"HOMAY! OMAY! TUMITIRIK ANG MATA NIYA!" paghuhurumentado ni Ivana. Nabitiwan niya ang DVD player at may tumalsik pang CD na bold.

Ampucking Alma, no it's not the time to laugh, but I can laugh mentally right? So, OGOGOGOGOG--OG!

"BAKIT? MAY TUMITIRA BA SA KANYA? WALA NAMAN, A!" tanong ko kay Ivana dahil nagtataka ako kung bakit tumitirik ang mata ng Alma niya.

"TARANTADO! KINUKUMBULSYON ANG AKING INAY KALMA!"

Dare Diary,
Kitakits sa susunod na kagat.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilWhere stories live. Discover now