Ikawalong Kagat - Ikalawang Sipsip

131 24 28
                                    

"Ang babaeng 'yon ay ang iyong Alma…"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Kapon pero bago pa ako makapagbigay ng tugon ay muli siyang nagsaad.

"Siya ang babaeng tumutol sa hatol na bitay para sa Omega… at ang iyong Alpha, Alibangbang at Alibaba ang tatlong nagtaas ng kamay na sumuporta sa pagtutol ng iyong Alma…"

"Ano? Dahil lang tumutol ang aking Alma ay ipinadakip na siya ng Omelet? Napakalupet naman ng Omelet!" kaagad kong pakli.

"Buti kung 'yon nga lang ang dahilan…" sambit ni Kapon at mas lalo akong naguluhan.

"Anong ibig mong sabihin, Kapon?"

"Ang iyong Alma…"

"Ano ang tungkol sa 'king Alma?"

"Ang iyong Alma ang kalaguyo ng Omega…"

Parang tumigil sa pagtibok ang puso at panandaliang namahinga ang utak ko sa pag-iral.

Napabalik lang ako sa ulirat nang iabot sa 'kin ni Kapon ang cellphone niya, "Silang dalawa ang laman ng photo scandal na 'yan, bro…"

Tinitigan ko iyon at nakita ko ang aking Alma na hinahalikan ng Omega.

"Kaya naman gano'n na lang ang galit ng Omelet sa iyong Alma at dinamay niya ang lahat ng mga bagsak dahil sa patakaran niyang 'KASALANAN NG ISA, KASALANAN NG LAHAT'."

Napatingin ako kay Kapon at hinayaan ko siyang ipabatid sa akin ang mga nangyari noong mga panahong wala ako rito.

"Pati ang aking Alpha ay hindi nakaligtas kahit na kabilang siya sa Husdgado at Kapitan siya, dinakip pa rin siya ng mga kawal ng Omelet… dahil kabilang siya sa 'ting mga Bagsak. Ibinilanggo nila kami sa malaking piitan sa ilalim ng Kastilyo, madilim, masikip, walang makain, walang mainom… doon na yata kami balak patayin ng Omelet."

"Kung nakalaya ka… ibig sabihin nakalaya na rin sila, 'di ba?" tanong ko sa kanya.

"Hindi, Bambu…" agarang pakli niya, "nando'n pa rin sila… nakabilanggo at hindi ko alam kung ano na'ng kalagayan nila sa mga oras na ito. Ibinigay sa akin ng aking Alpha ang kwintas na ito at nang magkaroon ng pagkakataon ay nakatakas ako nang hindi namamalayan ng mga kawal."

Tahimik akong naghihintay sa mga susunod niyang sasabihin.

"May mga ilang Bagsak kasi na hindi sumipot sa Kastilyo nang bibitayin na ang Omega kaya pinaghahanap sila ng mga kawal ng Omelet at ikinukulong sa piitan kasama namin. Nang dumating ang mga kawal sa piitan bitbit ang mga bago nilang nadakip na Bagsak ay sumibat ako kaagad nang bumukas ang pinto. Nasalisihan ko sila at madali akong nakatakas dahil naikubli ng mahiwagang kwintas na ito ang aking presensiya…"

Bumuntong siya pero hindi huminga.

"Nang makatakas ako ay naisip kitang sundan sa mundo ng mga tao pero naisip ko ring sobrang lawak no'n at hindi ko alam kung saan kita hahagilapin… pero nagbakasali pa rin ako. Sa aking pagtakbo't pagtakas ay sumabit ako sa mga siit ng kawayan at nagkanda-sugat-sugat ang katawan ko. Naghanap ako ng mga saluyot at malunggay para gamutin ang mga sugat ko pero iyon nga biglang may dumating na dalawang basura… hinahabol pala nila ako kanina pa no'ng tumakas ako. Pagkatapos ay 'yon, nakita sila ng Bantay ng Porshugality at ipinagtanggol niya ako ro'n sa dalawang 'yon, 'yong dalawang Ninja Bampira na pinugutan mo ng mga ulo… kaso pinagtulungan nila ang Bantay ng Porshugality, pinatay nila tapos ako naman ang tinugis nila. Akala ko nga mamamatay na ako no'n, e… thanks to saluyot and malunggay talaga, life saver! Kaya 'yon, nag-stay na ako rito sa hukay, nagtago ako saka naalala ko 'yong pangako mo… na babalik ka… kaya hinintay kita. Naghintay ako sa pagbabalik mo at nandito ka na ngayon. Feeling ko ang lakas ko na, hindi na 'ko natatakot kasi nand'yan ka na."

Kalmado na ang kanyang boses dahil kasama niya na ako pero ako ay nagsisimula pa lang ang kalbaryo.

"Hoy, Kapon… anong nangyari pagkatapos?" tanong ko agad sa kanya at gusto ko pa siyang magkwento nang magkwento.

"Wala na akong nakukuhang update sa Internet … nawalan nang connection sa Kastilyo. Siguro dahil sa bitter nating, Omelet? Ewan, wala nang signal. Naka-save lang 'yan sa Gallery ko, dinownload ko no'ng may connection pa dati," paliwanag niya at nawalan ako nang kibo.

"Pero ngayong nandito ka na Bambu, kailangan nating gumawa ng paraan… ililigtas natin sila…" sabi niya sa 'king puno nang pangungumbinsi.

"Oo… makikiusap ako sa Omelet na palayain na ang mga kasamahan natin," saad ko na sinalangsang niya agad.

"Hindi, Bambu… 'wag mong gawin 'yan."

"Bakit?" tanong ko. "Napakabuti ng Omelet, napakabait niya… marahil ay nababalot lang ng poot ang kanyang puso dahil sa pagtataksil ng Omega sa kanya. Alam kong maiintindihan niya ako at maaawa siya sa 'kin."

"Alam mo ba kung bakit ako pinatakas ng aking Alpha?" tanong niya na nagdulot na naman ng samut-saring katanungan sa isip ko.

"Para mabuhay ka?" sagot ko.

"Pangod!" Tinampal niya ang noo ko, "Pinatakas niya 'ko para mag-imbestiga!"

"Imbestiga para sa'n?" tugon ko.

"Sinabi ng iyong Alma sa 'king Alpha… na hindi siya hinalikan ng Omega kundi mayro'n itong ibinulong sa kanya…" sambit ni Kapon. "Mukhang hinalikan lang ng Omega sa anggulo kasi magaling 'yong nag-picture pero hindi raw halik 'yon sabi ng 'yong Alma…"

"Ano ang binulong ng Omega sa aking Alma?" tanong ko kay Kapon at sinenyasan niya 'kong lumapit sa kanya. Inilapit ko naman ang aking mukha at bumulong siya sa tainga ko,

"Resorts World Manila…"

"Ampucking Alma ka!" Tinampal ko ang bunganga niya.

"Charot lang," sabi niya tapos natawa. "Pinuntahan ng Omega ang iyong creampie dahil nakuha mo na ang loob ng Omega at mayroon na rin siyang tiwala sa iyong creampie. Sinabi niyang naninibago siya sa ikinikilos ng kanyang Omelet at binalaan niya ang iyong creampie na lumisan na sa Kastilyo dahil mukhang may binabalak na masama ang Omelet para sa mga Bagsak. Hindi naman nagawang lumisan ng iyong creampie nang wala ka . . . dahil hindi ka pa bumabalik kaya hindi sila nakaalis."

"Ibig mong sabihin…" sa paghinto ko'y sumingit siya.

"Maaaring may kinalaman ang Omelet sa mga nangyayari," aniya.

"At kaya ka pinatakas ng Kapitan, ng iyong Alpha, ay para mag-imbestiga tungkol sa mga pangyayaring ito?" sambit ko't unti-unti ko nang nakukuha.

"Mismo!" aniya.

"Mismo?"

"Oo, miss kita."

"Miss din kita."

"YIIIEEEE!" sabay naming sabi sabay kembot at pinagtama ang baywang,

"BACK . . . BACK . . . BACKLANG TOE!"

"Anyways, kumusta ang pag-iimbestiga? Siguro naman may napala ka d'yan sa kwintas na 'yan, ano?" sabi ko pagkatapos nang kautuan namin.

"Oo, nakapag-imbestiga ako sa tulong ng kwintas na 'to. Nakapasok at nakabalik ako sa Kastilyo nang hindi nararamdaman ng mga kawal ng Omelet," saad niya at mayroon siyang pinulot sa baba.

Pagkatayo niya, nang makuha niya iyon ay muli siyang nagsalita,

"At ito ang mga nahanap kong ebidensiya…"

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon