Ikaanim na Kagat - Ikalawang Sipsip

141 27 31
                                    

"Noong araw na binungal mo ako… hinahanap ko ang aking kaibigan no'n…" pag-uulit ko sa panimulang sinimulan ko.

"Napadpad ako sa labas ng Porshugality dahil sa paghahanap ko sa kanya at habang nalilibang sa paglalaro ng Pokémonggo."

Tahimik lamang siyang nakikinig sa mga sinasabi ko.

"And I guess that's the point where you came in the story, I saw you… climbing up the tree and then you fell… we fought, you punch me and then I got knocked out."

Napaismid siya, naalala niya rin siguro ang araw na 'yon.

"Paggising ko mataas na ang sinag ng araw . . . hindi na dapit-hapon . . . at pagtingin ko sa cellphone ko ay napasigaw ako… hindi lang dahil nalaman kong wala na ang pangil ko kundi dahil naalala ko ang sinabi ng aking bareback na si Kapon… noong araw na iyon… nang magising akong bungal ang pangil ay ang araw kung saan magaganap ang pinakamahalagang okasyon para sa akin…"

Nagpatuloy ako nang hindi man lang niya haranggahin.

"Tumakbo ako kaagad papasok sa Porshugality at matapos ang pakikipagbuno sa bantay ay kaagad akong nagtungo sa Kastilyo… hindi mo alam kung anong pakiramdam nang kasuklaman ka ng iyong mga kauri."

Naalala ko na naman at dapat niya lang talagang malaman.

"'Ahh, bungal! Bungal! Bungal!' sabi nilang gan'yan sa 'kin at pinagtabuyan nila ako palayo sa palasyo…" pagpapatuloy ko.

"At doon na ako nagpasya na hanapin ka para bawiin ang pangil ko…"

Seryoso lamang siya sa pakikinig at patuloy ako sa pagsasalita.

"No'ng araw na umalis ako sa 'ming palasyo ay ang araw ng kasal namin ng Omelon…"

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig at tila hindi siya makahinga, nagpipigil ng emosyon.

"Na hindi natuloy dahil sa pangil kong nawawala sapagkat batas sa amin, hindi dapat mabungal ang pangil," dagdag ko pa at walang balak tumigil hangga't hindi nasasabi ang lahat ng sasabihin.

"Kung hindi mo kinuha 'yan sa 'kin…" sambit ko at itinuro ang pangil ko na ikinuwintas niya sa leeg, "kung hindi mo 'yan kinuha sa 'kin… sana masaya na ako sa piling ng babaeng mahal ko, sa piling ng aking asawa… sa piling ng aking Omelon. Kung hindi mo ninakaw ang pangil ko, edi sana nararanasan na ngayon ng mga mahal ko sa buhay, ng aking Alpha at Alma, ng aking Alibaba at Alibangbang, ng aking creampie ang magandang buhay. Ang matiwasay at marangyang pamumuhay…"

Nag-iwas siya ng tingin.

"Pero anong ginawa mo? Pinagkait mo sa 'kin lahat 'yon…"

Hindi siya makatingin sa 'kin.

"Lahat ng ito… lahat ng paghihirap ko ay ginagawa ko para sa babaeng mapapangasawa ko . . . para sa Omelon."

Kaagad ko iyong sinundan,

"At para sa 'king pamilya… para sa 'king creampie."

"Ngayon sabihin mo sa 'kin, Ivana… sapat na ba ang mga sinabi kong rason para ibalik mo sa 'kin ang pangil ko?"

Ibinalik niya ang mga mata niya sa 'kin.

"Sapat na ba ang mga sinabi ko para makabalik na ako sa aming kaharian kung saan nasa akin na muli ang aking pangil nang sa gayon ay hindi na nila ako muling itakwil?" tanong kong muli.

Muli ko iyong sinundan ng isa pang salita at ang huli kong sasabihin:

"Kung mayro'n kang puso at hindi lang puro suso, alam mo na ang sagot ay dapat 'oo'."

Sasagot na sana siya nang biglang…

"Mga anakshie! Nand'yan na pala kayo! Come here, nakahanda na ang hapunan!" Tinawag kami ng kanyang Alma.

Nag-walkout si Ivana at iniwanan ako. Sinundan ko naman siya kaagad papasok sa bahay nila. Hindi pwedeng gano'n-gano'n na lang. Hindi ako papayag na lilipas na naman ang gabi na hindi ko mababawi ang pangil ko.

Nakarating na kami sa loob ng makipot na bahay at sa maliit na lamesang kamoy kami ay inimbitahan ni Alma Kalma niya.

"Halina, halina! Maupo na! Maupo na! Kain na! Kain na!" sabing gan'yan ni Kalma.

Binulyawan naman siya kaagad ni Ivana, "Nay naman 'wag ka ngang paulit-ulit! Boomerang ka gorl?" Inirapan niya ang kanyang Alma.

"Ay, ang init, ang init! Ng ulo, ng ulo! Ng anak ko, anak ko!" sabi pa ng Alma niya habang nagsasandok ng mga kanin sa mga plato namin.

Sumagot na naman si Ivana: "Nay, wala ako sa mood makipagbiruan."

"Edi 'wag!" sabing gan'yan ni Kalma at naupo na siya. Iniabot niya sa 'min ang kubyertos at mga mangkok na mula sa platera doon sa banggerahan.

"Ikaw na lang Bambu bibi ko!" sabi pang gan'yan ni Kalma at nagsisimula na kaming maghapunan.

Sumalok si Kalma sa plato niya at isusubo sa akin, "Say, 'aah' dali! Susubuan ka ng Mommy!"

"Aah…" sabi ko namang gan'yan at hindi ko siya magawang matanggihan.

"Masarap?" tanong niya sa 'kin habang ngumunguya ako.

"Umm! Ang sarap-sarap!" sagot kong gan'yan nang malunok ko.

Muli siyang kumutsara sa plato niya at isusubo na naman sa 'kin, "Say, 'aah' again, Mommy will feed you…"

Wala akong nagawa kundi sakyan ang trip niya: "Aah! I'm hungry mommy! I want some more!"

"Aww! My baby is so hungry! Can you feed mommy too?" sabing gan'yan ni Kalma at tumatawa na parang tyanak.

Nang biglang tumayo si Ivana at umuga ang lamesa pati ang Daedelus niya…

"Nak! Sa'n ka pupunta?" tanong ni Kalma sa kanya nang maglakad ito palayo sa lamesa.

"Nawalan na 'ko ng gana," sagot ni Ivana habang nakatalikod na sa amin.

"Sa'n ka 'ka ko pupunta, gaga! 'Di ko tinatanong kung bakit ka tumayo!" sabing gan'yan ni Kalma.

"Sa labas! Magpapahangin!" pabalang na ani Ivana at padabog na naglakad palabas sa pintuan ng kanilang bahay.

Sabi ng Alma niya,

"K."

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilKde žijí příběhy. Začni objevovat