Ikapitong Kagat - Ikalimang Sipsip

148 30 17
                                    

Hindi ko namalayang sa paglipad ng isip ko papunta sa mga alaala ng nakaraan ay natunton ko na pala ang lugar na dapat kong puntahan.

Nandito na ako ngayon sa labas ng lagusan. Huminga ako nang malalim. Ipinikit ang mga mata kasabay nang pagsinghap ng hangin.

Sa wakas! Ito na 'yon! Makababalik na ako sa aking tunay na tahanan!

Nang idilat ko ang aking mga mata ay mabilis akong lumundag papasok sa lagusang talahib ngunit pagkarating ko sa loob ay iba na ang simoy ng hangin na nalanghap ko, iba na ang nakikita ko. Ibang hitsura nang lugar ang sumalubong sa aking mga mata.

Hindi ito ganito dati.

Inilibot ko ang aking mga mata at habang tumatagal ay pabigat nang pabigat ang nararamdaman ko. Bakit parang ang hirap huminga?

Amoy dugo… amoy pighati… amoy paghihirap…

Simoy ng hangin na nagpapabatid na mayroong pangyayaring hindi dapat mangyari ang nangyari.

Ito ba ay kutob ko lamang o hindi?

"YAHH!"

Nagulat ako sa boses na aking narinig at saka ko lang napagtanto na mayroong dalawang bantay na nakabalot ang buong katawan ng kulay itim na kasuotan at mata lang ang nakikita.

Ninja ba 'to? Shocks, kaya pala hindi ko sila napansin kaagad dahil humahalo sa dilim ang suot nilang kulay itim at kung hindi ako iiwas ay maaari nila akong mapatay dahil mayroon silang armas na dalawang matatalim na katana.

Pasugod silang papunta sa 'kin, walang alinlangan at tanging ako ang puntirya kaya naman walang alinlangan din akong umiwas.

Hindi nila ako natamaan…

Sa pagkakataong makaiwas ako at makapunta sa espasyong hindi nila napuntahan ay roon ko naramdaman ang sudden jolt.

Oh my packing packer jaw! Mayroong pain na nag-i-interrupt. No! This is not the time for pangingilo!

"UGH!" sigaw ko nang masaktan because of the sudden pangingilo and then I feel the nerves on my gums.

Parang nag-connect ang fangs ko sa roots ng gums ko and I can feel na they are stronger even than before.

This means, bumalik na sa normal ang mga pangil ko. Hindi na siya matatanggal. Wa epek na rin ang shoe glue or mighty bond dahil naka-konek na ang mga ugat ng gilagid ko sa mga pangil ko. Wow!

Yeah! I can feel my strength… the power within that once was lost but now had found! The dauntlessness in me is now awaken… again!

"RORR! RORR!" sabi kong gan'yan sa dalawang Ninja Vampire na ngayon ay sinusugod na naman ako.

Patayan pala ang gusto nila, ha? Okay, pagbigyan.

Sisiw na sisiw lang ang dalawang ito sa 'kin.

Tumakbo ako nang mabilis paikot sa kanila at dinoble ko pa ang bilis habang pinaiikutan pa rin sila para lituhin. Napahinto silang dalawa at hindi na nila alam kung paano nila ako huhulihin sa sobrang bilis ko.

Paikot-ikot.

Ikot-ikot lang.

Tinriple ko pa ang bilis ko hanggang sa hindi nila namalayang naagaw ko na ang mga sandata nila at sariling espada nila ang pumugot mismo sa mga ulo nila.

Sa isang iglap lang ay bumagsak sila kasabay ng paghiwalay ng kanilang mga ulo. Nang makatapak ako sa lupa ay nanginginig kong binitiwan ang aking hawak na mga espada--- dalawang katana sa kanang kamay at dalawang katana sa kaliwang kamay. Bumagsak ang mga iyon sa lupa.

Wala man akong pormal na pagsasanay sa akademya sa mga ganitong bagay, malakas naman ang aking isipan at nakapag-iisip itong lampas pa sa inaasahang kapasidad kapag nalalagay ako sa alanganing sitwasyon.

Halos masuka naman ako sa amoy na nasisinghot ng aking ilong. Ang amoy ng dugo na ito… ito ang dugong kinasusuklaman naming mga Kastila… ang makasalanang dugo… ang dugo ng kaaway.

Hindi ako maaaring magkamali.

DUGO ITO NG MGA BASURA.

Ngunit paano nangyaring napalitan ang dating Bantay ng Porshugality ng mga Basurang Bampira?

Bago pa man masagot ang aking katanungan ay panibagong kalbaryo ang nanuot sa aking sistema.

May nararamdaman akong presensiya… ngunit kaagad niya 'yong ikinubli… hindi ko na siya maramdaman.

Ngunit… naririnig ko ang kaluskos ng mga tuyong dahon na kanyang natatapakan at palakas nang palakas ang tunog ng mga tuyong dahon. Isa lang ang ibig sabihin no'n naglalakad siya palapit sa 'kin at malapit na siya.

Isa lang ang pumasok sa 'king isipan.

Bagong kalaban!

Kaagad kong dinampot ang isa sa mga katanang nakalapag sa lupa at kung saan ko narinig ang kaluskos ng huling tuyong dahon na natapakan niya ay doon ko itinutok ang katana.

Hindi ko inaasahan… nagulat ako sa nakita ng aking mga mata, isang pamilyar na bulto ng katawan ang tumambad sa aking harapan.

"Kapon?"

Nanlaki ang aking mga mata at unti-unti ay ibinaba ko ang aking hawak na sandata habang palapit siya nang palapit sa 'kin.

"Kapon! Ikaw nga!" sambit ko nang makasiguro.

"BAMBU!" sigaw niya.

Tumakbo siya't mahigpit na yakap ang isinalubong niya sa 'kin…

Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang mainit na patak ng mga luha sa aking balikat na nagmumula sa kanyang mga mata.

"Bambu… salamat dumating ka… akala ko hindi ka na darating… takot na takot ako, Bambu…" sambit niya, patuloy sa pagtagas ang mga mata, umiiyak.

Tinampal ko ang ulo niya, "Shh… huy, ba't ka ba umiiyak? Para kang bakla, huy… tumahan ka nga… susungalngalin kita riyan…" Inilayo ko siya sa akin.

"Ano bang nangyari?" tanong ko sa kanya nang iharap ko ang mukha niya sa 'kin at punasan ko ang kanyang mga luha sa mukha.

Ngunit bago pa siya makasagot ay may narinig kaming boses mula sa hindi kalayuan.

"Pinaslang ang mga Bantay!" Iyan ang boses na gumulantang sa amin at narinig namin ang dagundong ng mga paang papalapit sa aming kinaroroonan.

Hinawakan ako ni Kapon sa magkabilang balikat at niliglig dahilan para mapatingin ako sa kanya, "Mga kalaban! Magtago tayo…" sabi niya sa 'kin, takot na takot.

"Ha?" sabi ko't walang maunawaan sa mga nangyayari at sinasabi niya.

Tiningnan ko ang mga paparating na nakatuon ang paningin sa dalawang patay na mga Basura at hindi pa nila kami napapansin ni Bambu.

Ibiniling ni Kapon ang mukha ko pabalik sa kanya at muling nagwika,

"BAMBU, HALIKA NA! MAGTAGO TAYO KUNG GUSTO MO PANG MABUHAY!"

Bago pa ako makasagot ay kinuha niya ang aking isang kamay at hinawakan. Hinatak niya ako palayo at isinama sa kanyang pag-alis.

Dare Diary,
Kitakits sa susunod na kagat.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilWhere stories live. Discover now