Ikalimang Kagat - Ikatlong Sipsip

169 26 41
                                    

Nagkukwentuhan lang kami ni Ivana Marawi pero nang mainip na siya ay pinag-initan niya na naman si kuyang tindero pautay-utay.

"Kuya, matagal pa ba 'yan?" Galit agad ang bungad niya, “Natuyuan na 'ko ng laway dito kadadaldal hindi ka pa rin tapos maglagay ng sago!" Binulyaw-bulyawan niya ang tinderong mabagal na naglalagay no'ng mga bilog-bilog na kulay itim, "Potaena, binibilang mo pa kasi, e! Tipid na tipid, ho?" Inagaw niya ang kutsara at siya ang nagtakal, "Itaktak mo kasing gan'yan!" Pinagsasalok niya lahat ng sahog at pinaglalagay sa baso, "Um--mm, 'yan… gan'yan… edi natapos?" sabi niya nang mailagay ang takip ng baso, "O, ito bayad!" aniya pa sabay abot ng pera. Walang nagawa ang tindero, nawalan ng kibo at natulala na lang.

Ngumiti si Ivana Marawi nang humarap sa 'kin habang hawak ang dalawang milk tea.

"Bakit, mas malaki sa 'kin?" tanong kong gan'yan nang ibigay niya sa 'kin ang malaking baso.

"S'yempre, malaki, e…" sagot niyang gan'yan.

Na-curious ako kaya tinanong ko siya, "Ang alin?" 'ika kong gan'yan.

"Alam mo na 'yon!" sabi niya tapos napaisip ako at nang ma-gets ko na Cockroach ko 'yon ay siya naman ang tinanong ko.

"Umm, bakit 'yong baso mo maliit? E, ang laki-laki din naman ng iyo…" 'eka kong gan'yan.

"Ang alin ba?" tanong niya tapos tinawanan ko lang siya.

"Alam mo na 'yon!" sabi kong gan'yan sabay tuhog ng straw sa takip na plastic ng baso.

"GAGO! Dede ko na naman napagdiskitahan mo," sabi niyang gan'yan tapos ginaya niya ako. Tinuhog niya na rin ang takip na plastic ng baso ng milk tea niya.

"Ang sarap kasi…" sabi kong gan'yan Dare Diary habang humihigop sa straw.

"Ng dede ko?" 'ikang gan'yan ni Ivana at halos maibuga ko ang milk tea na nasa bibig ko.

"…nitong Milktea!" sabi kong gan'yan sa kanya.

"Ay, pota! 'Yong milk tea pala! Akala ko ako…" sabing gan'yan ni Ivana at tuluyan na 'kong naubo.

Ampucking Alma, nasamhid ako! Lumabas sa ilong ko 'yong bilog na bagay na makunat.

'Yong isa naman bumara sa kaliwang ilong ko. Ang ginawa ko Dare Diary, sininghot ko nang ubod ng lakas 'yong bilog na makunat na iyon… iyon! Bumalik naman sa bibig ko… tapos nginuya ko.

Naiba nga lang ng kaunti 'yong lasa. Naging medyo maalat-alat, ampucking Alma may kulangot na yatang kasama 'to.

"Ano itong bagay na mahirap nguyain?" tanong kong gan'yan.

"Sago 'yan," sagot naman ni Ivana na inabala na ulit ang sarili sa paghigop sa straw.

"A… sago…" Nginuya-nguya ko pa iyon hanggang sa malunok ko na ang makunat na bagay na tinawag niyang sago.

Nang matahimik siya ng ilang segundo ay naisipan kong basagin ang katahimikan, tinanong ko siya.

"Anong ginagawa ng lalaki na 'yon?" tanong kong gan'yan habang nakatitig sa lalaking nakasuot ng damit na may mahabang manggas, maraming kuwintas na bato at bracelet sa kamay. May nakatali pang panyo sa noo niya at may mga tinitinda siyang dahon-dahon at mga kung ano-anong kwintas at bracelets.

"A, 'yon ba?" sabing gan'yan ni Ivana na nakita na rin ang lalaking pinagmamasdan ko.

"Oo," sagot kong gan'yan at hinintay siyang umimik dahil ngumunguya pa siya at humihigop.

"Manghuhula 'yan…" sabi niyang gan'yan matapos malunok ang kinakain, "may nagsasabi na fake raw ang mga gan'yan, mema lang gano'n, pinapaniwala lang ang mga tao at pinapaasa."

"Bakit?" tanong ko sa tinuran niya.

Napaawang ang kanyang bibig at napabuga ng hangin, "Anong bakit? Edi, syempre para dito."

Nag-okay sign siya Dare Diary at isinuot ko sa butas ang middle finger ko.

Inilabas-masok ko ang MIDDLE FINGER ko sa 'OKAY SIGN' na ginawa ng kamay niya.

"Gago!" sabing gan'yan ni Ivana at inilayo ang kamay niyang naka-okay sign.

"Ano 'yon?" tanong kong gan'yan. "Para… 'okay'?"

"Bobo!" Tinampal niya ang noo ko, "Para sa pera!"

"A, para sa pera pala…" tatango-tango kong sabi, "akala ko nag-o-okay sign ka, e… pero malay mo naman totoo, 'di ba?"

"'Di ka sure… hmm, gusto mo bang magpahula?" tanong niya sa 'kin at kaagad akong tumugon.

"Hindi, ayoko… ikaw na lang…" sabi kong gan'yan.

Napatitig muna siya nang ilang saglit hanggang sa tumango-tango, "Sige, sige, papahula ako. Hintayin lang nating umalis 'yong babaeng hinuhulaan niya," sabi pang gan'yan ni Ivana.

Inabala niya ang sarili sa pag-inom sa milk tea niya at ako naman ay walang kakurap-kurap na nakatitig sa kinaroroonan ng lalaking manghuhula hanggang sa nakita kong umalis na ang babaeng nagpapahula.

"Ayun! Umalis na!" sabi kong gan'yan at kinalabit-kalabit ko si Ivana.

"O! O! O! Dede ko na 'yang sinusundot mo!" sabing gan'yan ni Ivana na ikinalaki ng mga mata ko.

"Ay!" sambit ko at kinagat ko ang hintuturong daliri ko. Kaya pala malambot… "SORRY!" saad ko at napayuko.

"Pinapatawad na kita agad, Bambu. Halika na…" Hinatak niya ako papunta sa pwesto ng manghuhula.

"Kuya! Manghuhula ka, 'di ba?" tanong ni Ivana nang makalapit kami roon.

"Oo," sagot ng lalaki na ang lamesa ay napupuno ng mga baraha at iba-ibang cards. Mayroon ding bolang kristal na malaki sa ibabaw ng table niya.

"Hulaan mo ang aking hinaharap!" sabing gan'yan ni Ivana at naupo na siya kaagad sa upuang para sa customer.

"Sige, akin na ang iyong palad…" sambit ng manghuhula.

Iniabot naman ni Ivana ang kanyang isang kamay at hinimas-himas ng lalaki ang palad ni Ivana. Habang ginagawa ng manghuhula iyon ay hindi ko siya maiwasang hindi tingnan. Mayroon na siyang katandaan at sa tingin ko ay nalalapit siya sa edad ng aking mga Anal.

Mayroon siyang marka ng ahas sa batok, nakikita ko iyon dahil pumuwesto ako sa gawing gilid niya pero hindi ko naman na inabala pa ang aking sarili na pagmasdan pa iyon nang matagal dahil mas pinagtuunan ko ng pansin si Ivana na hinuhulaan niya.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilWhere stories live. Discover now