Ikalawang Kagat - Ikatlong Sipsip

321 47 18
                                    

Nandito kami ngayon sa labas ng Porshugality, sa dating lugar kung saan ako nabungal.

Binungal… rather.

Kapag tumingala ay hindi na ganoong kaputi ang liwanag na makikita dulot ng mga dahon ng puno na nagtagpo-tagpo na sa itaas dahilan para maharangan ang malakas na sinag ng araw. Ang presko at hindi mainit, well, kahit mainitan naman ako okay lang dahil gumamit ako ng sunblock ni Haponita.

Manilaw-nilaw na ang sinag na lumulusot sa dahon ng mga puno, kulay ng sinag ng araw kapag dapit-hapon na at palatandaang paparating na ang takipsilim.

Nagpatuloy kami sa paglalakad at si Ivana Marawi ay kasama ko pa rin. Iniwanan ulit namin ang kanyang Alma na kumalma na kanina. Nagpunta kami rito dahil bahagi ito ng aming napagkasunduan kanina.

"Akala ko talaga no'n, Pokémong Malaki ka. Noong nagising lang ako saka ko lang na-realize na tao ka, kaya pala hindi ka magkasya sa Pokémong Ball…"

Tumingin ako sa kanya habang naglalakad pa rin kami, may mga natitisod pa akong tuyong dahon at tuyong tae.

"Ang tanga ko sa part na 'yon…"

Sinalangsang niya naman ako agad,

"NO!" Ang taas, papunta na sa whistle ni Ariana, "ANG MANYAK MO SA PART NA 'YON!"

Napataas ang kilay ko't napatabingi ng kaunti ang mukha,

"Bakit mo ba kasi ginawa 'yon, Ivana Marawi, ha?" Humarap ako sa kanya dahilan para matigilan siya sa paglalakad sa gubat na may kasukalan.

"Dahil ako si Ivana Marawi, ang Hunter ng mga Bampira na sanay sa gyera." Nakapamaywang pa siya, feeling Darna ampucking Alma… bahag na lang kulang.

"Wow. Ilang bampira na ba nahuli mo?"

Nag-isip pa siya, nag-count sa fingers ay wow ulit napatingala pa siya, parang lampas sa fingers niya ang mga Bampirang nahuli, parang napaka pinaka ubod ng sobrang dami niya nang nahuli,

"Ikaw pa lang."

My jaw dropped like bomb below the ground.

"Ako pa lang. Wow." I sighed, shaking my head abruptly, "Hindi mo ako nahuli. Pangil ko lang ang hawak mo, hindi ako. Pangil ko lang ang nasa 'yo, hindi ang puso ko."

She sighed,

"Ang sakit mo naman magsalita. Bakit? May gusto ba 'ko sa 'yo? Ha? Bungal?" Nilapitan niya ako't pinaliit ang distansiya namin.

"Sana nga wala…" Pumikit ako at nag-concentrate, nag-ipon ng emosyon, “dahil pagkatapos nito talagang wala na.” Nilakihan ko ang boses ko at pasigaw na nagsalita sa nakasisindak na tono ng pananalita, "HINDI NA TAYO MAGKIKITA AT MAWAWALA NA 'KO. HINDI NA 'KO MAGPAPAKITA SA 'YONG PACKING PACKER KA!"

Nakalapit ang aking mukha sa kanya nang isigaw ko 'yon at halos mabingi siya…

At mukhang natatakot na rin…

"B-Basta pagalingin mo ang nanay ko… H-Huwag mo 'kong tingnan ng gan'yan… 'yong mga mata mo… parang nag-aapoy."

"Ano natatakot ka na sa 'kin ngayon?" tanong ko sa nakakatakot na boses at biglang nagbago ang hitsura ng mukha niya. Bakit nawala kaagad ang takot? Natakot nga ba talaga siya dahil nanlaki ang mga mata niya o namangha lang siya?

"Ang ganda ng mga mata mo kapag kumikinang sa pagkapula…" ani Ivana Marawi at marahang pinaraan ang palad sa 'king mukha, kaagad naman akong umiwas bawal ang kanyang ginagawa. Labag sa akin ang paghaplos niya. Hindi tama dahil…

"Ano?" sabi kong gan'yan, napalayo ako sa kanya at talagang hindi ko siya maintindihan.

Bakit hindi siya tinatalaban sa mga paninindak ko? Ang titig ko pa naman ang pinakalakas ko, iyon ang kapangyarihan, maatas ang antas ng kakayahan ng mata ko kumpara sa iba dahil kayang kumontrol ng emosyon ng isang tao ang mga mata ko pero bakit walang epekto sa kanya?

Ah! Dahil nasa kanya ang pangil ko! Ang isa sa mga pinagkukuhanan naming mga bampira ng lakas. Kailangan ko na talagang mabawi 'yon sa kanya.

Bukod sa lakas ko iyon ay iyon ang aking identidad, iyon ang pagkakakilanlan naming mga bampira sa aming kaharian.

"Akin na ang pangil ko," sabi ko sabay lahad ng palad ko.

"Ha? Bakit?" Lumayo siya, "Hindi mo pa natutupad ang kasunduan!"

I quirked my lips tightly, sniffing enough air to ease my losing patience,

"Hindi ako makaka-entering sa Porshugality without my fangs," sabi kong gan'yan sa kanya Dare Diary.

Naglakad-lakad pa kami at malapit na kami sa portal.

"Sure ka, ha? Baka niloloko mo lang ako?" paninigurado pa. Mga tao nga naman talaga, handang manloko pero hindi handang maloko.

"Tumupad ka sa pangako mo, Bambu…" Hinawakan niya ako sa bisig at nangungusap ang mga mata.

Binigyan ko siya nang mapangpawing titig,

"Kaming mga bampira ay tapat sa mga pangako nila. Ewan ko na lang sa inyong mga tao."

Ilang segundo siyang natahimik sa sinabi ko
Dinukot niya sa Daedelus niya ang pangil ko na ikinuwintas niya. Hinubad niya ang kuwintas sa leeg niya at iniabot sa 'kin. Ang tali ng kwintas ay kulay itim at nakatali iyon sa maliit na bote na transparent 'yong parang lalagyan ng glitters gano'n pero no'ng nahawakan ko hindi pala babasagin diary, ano siya, plastic.

Tinanggal ko ang kahoy na nakabara sa takip, tumunog pa nga, e… "Puk!" sabing gano'n ng tunog no'ng hinugot ko.

Tapos 'yon, itinaktak ko 'yong bote at lumabas na roon ang pangil ko. Na-excite ako Dare Diary, hindi na ako makapaghintay na maisuot ang pangil ko. Ikinabit ko siya sa ngipin ko sabay pero nagulat ako nang biglang nahulog sa lupa.

"Hala, nahulog!" sabi kong gan'yan. Pinulot ko naman ulit at isinuksok sa gilagid ko pero nahulog pa rin.

"Ayaw madikit!" sabi kong gan'yan tapos inuulit-ulit kong idikit pero ayaw talaga, kinakabahan na ako.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilWhere stories live. Discover now