Ikawalong Kagat - Ikaapat na Sipsip

129 25 30
                                    

"Ano na'ng gagawin natin?" nag-aalalang tanong ni Kapon.

"Kailangan natin silang iligtas…" Iyan lamang ang namutawi sa 'king bibig.

"Paano?" agap niya. "Napakalakas ng Omelet… hindi natin kaya ng tayo lang dalawa…"

Bumuntong ako pero hindi huminga.

Panandalian akong nagsawalang-kibo dahil bukod sa mga nalaman ko ay may isang bagay pa akong pinoproblema. Naguguluhan na ako at para akong masisiraan ng bait sa sobrang daming bumabagabag sa isipan ko. Napakaraming tanong na hindi pa rin nabibigyan ng kasagutan.

"Bukod riyan ay may isa akong ikinababahala pa…" hayag ko nang mahanap ko na muli ang aking dila at makapagsalita.

"Ano?" pakli niyang hindi na inabot pa nang katagalan.

"May itatanong ako sa 'yo, Kapon…" Natahimik siya sa sinabi ko at hinintay ang sunod kong sasabihin, "May naaalala ka ba?"

"Bakit?" tanong niya.

"Sagutin mo…!" Nilakihan ko siya ng mata.

"Ay, akala ko pick up line." Tatawa-tawa pa siyang tumingin sa 'kin.

Puro kalokohan talaga siya, sumamhid ako't nabawi ko naman agad ang atensyon niya, "Okay, tatanungin kita ulit… may alaala ka ba noong bata ka? May natatandaan ka bang alaala ng pagkabata mo?"

"Ay, wala, wala, wala. Wala akong naalala." Sigurado ang mga salita niya't walang bakas ng alinlangan.

"Wala?" kunot-noong tugon ko.

"Oo, wala… bakit ikaw ba?" balik niyang tanong sa 'kin.

"Wala rin." Napailing ako at mas lalong nalubog sa malalim na pag-iisip.

"Wala rin. O, 'di ba? Kahit sino tanungin mong Bagsak, walang alaala ng pagkabata nila…" sambit ni Kapon at kaagad akong bumaling ng tingin sa kanya.

"Ha?" sabi ko't humakbang pa ng isa palapit sa kanya, "Pa'no mo nasabi?"

"Sabi ng Alpha ko…" sagot niya't mas lalo akong naguluhan.

"Ha?" Wala na sa kaayusan ang reaksyon ng mukha ko.

"Oo, pati siya walang alaala ng pagkabata niya…" sambit niya't tinutukoy ay ang kaniyang Alpha.

"Kailan mo pa alam?" tanong ko sa kanya.

Ang sabi niya, "Noong nabilanggo kami't ipinakulong ng Omelet sa piitan."

"Paano?" tanong ko na naman at kailangan mabigyan ng sagot ang bawat tanong ko.

Nag-ipon siya nang maraming hangin saka sinimulan ang mahabang turan, "Nagkukwentuhan ang creampie mo no'n tungkol sa 'yo hanggang sa mapunta ang usapan tungkol sa mga Alibata. Nagkwentuhan ang mga Anal tungkol sa mga Alibata nilang pasaway hanggang sa pumasok na ang usapan tungkol sa pagkabata… mayro'ng isang Anal, nagkukwento siyang gan'yan hanggang sa mabanggit niyang 'Ako, noong bata ako . . .' tapos napahinto siya at hindi na naituloy ang sasabihin."

Iniintindi ko ang mga sinasabi niya't binayaan ko siyang magpatuloy.

"Doon na namin nadiskubre na lahat kami ay walang naalala tungkol sa pagkabata pero ako matagal ko nang alam," aniya at parang ayos lang sa kanya. Walang pangambang nagsasalaysay na para bang normal lang na malaman ang gano'ng bagay

"Hindi ba parang ang weird?" sambit ko pagkatapos niyang magkwento.

"Weird . . ." Napatango siya. "Oo, weird." Napatingin sa ibang direksyon subalit kaagad ibinalik sa 'kin, "OO, WEIRD NGA! HALA, BAKIT GANO'N?"

"Hindi ko rin alam, Kapon." Pinagmamasdan ko ang aking bareback na akala mong ginusot ang mukha sa kaguluhan.

"HALA, SHET! PAKSHET! AMPUCKING PUCKING PUCKING ALMA!" mariin niyang bigkas.

"Shh…! Bunganga mo, kaingay mo…" sabi ko't tinakpan ko ang bibig niya.

"Ngayon ko lang na-realize na ang weird nga…" sambit niya nang tanggalin niya ang kamay ko roon.

"Kailan mo pa alam?" tanong ko sa kanya.

"Na wala akong naaalala?" naninigurong aniya.

"Oo," tangong sagot ko.

"Last year yata 'yon?" panimulang aniya. "No'ng may nausong ten-year challenge. Na-realize ko na wala akong maalala sa pagkabata ko. Nanahimik ako no'n kasi akala ko normal lang 'yon pala ang mga kasamahan natin ay gano'n din… basta bareback, ang naaalala ko lang ay ang mga nangyari 4 years ago…"

"Exactly!" sabat ko. "Gan'yan din ang akin… wala na akong ibang naaalala kundi ang mga nangyari sa 'kin, four years ago!"

"Talagang weird na talaga 'to, bareback…" aniya at ngayon ay hindi na rin normal ang pananaw niya ukol sa bagay na ito.

"Ito ang ikinababahala ko, Kapon…" sambit ko at marahang napailing.

"Pa'no mo naman nalaman na wala kang maalala?" Hindi ko alam kung bakit naisipan niya itong itanong pero mabuti na lang at nabanggit niya.

"'Yong tinulungan kong tao… may alaala siya no'ng bata pa siya at noong tinanong niya ako ng tungkol sa pagkabata ko… wala akong naisagot pero aware naman ako na nagdaan ako sa pagkabata…"

"Exactly!" singit niya.

"Gaya-gaya amp!" sabi ko kasi kuhang-kuha niya 'yong way kung paano ko sinabi 'yon kanina.

"Oo, bareback… same tayo!" nangungumbinsing aniya. "Aware din ako na naging bata ako pero wala akong maalala na memories."

"Bakit kaya gano'n?" tanong ko sa kanya pero tanong lang din ang natanggap ko sa kanya at hindi sagot.

"Sadyang gano'n lang kaya talaga o hindi?" aniya at natahimik sa loob ng ilang segundo, "A, ewan! Siya nga pala, mayro'n akong mahalagang bagay na nakuha sa silid ng Omelet…"

Sinenyasan niya ako ng 'teka lang' at naupo siya. Tinanglawan niya ang ilalim gamit ang ilaw ng cellphone niya at nakita kong may dinampot siyang kwadradong bagay.

Tumayo siya habang hawak iyon at iniaabot niya sa 'kin.

"Ampucking Alma ka! Ninakaw mo ang mga alahas ng Omelet?" takhang banggit ko nang mapagtanto kong magarang baul ang hawak niya.

"'Di ka sure," sagot niya.

Kinuha ko iyon nang muli niyang ialok sa 'kin at nang bubuksan ko na ay…

"Naka-lock…" sabi ko.

"Kaya nga . . . hindi ko mabuksan 'yang baul . . . buksan mo nga!" sabi niyang gan'yan at ipinagkatiwala na sa mga kamay ko ang baul na ito.

"Sana mabuksan ko 'to…" sambit ko at nang hatakin ko ang kandado ay bigla na lamang iyong nasira.

"Wow! Ang galing nabuksan mo!" maligayang sambit ni Kapon at tuluyan ko na ngang natanggal ang pagkasara ng baul.

"Kapag nag-sa-sana ka nangyayari, 'no? Ang galing…" sabi pa ni Kapon. "Blis, bilis buksan mo na! Tingnan natin kung ano'ng laman!"

"Okay, bilang tayo…" sabi kong gan'yan at sumang-ayon naman siya.

Sabay kaming nagbilang,

“Hana-Dalawa, Sam-Four, Cinco-Muttsu!”

At nang mabuksan namin ang baul ay nagulat kami sa aming nakita . . .

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilWhere stories live. Discover now