Ikapitong Kagat - Ikalawang Sipsip

134 27 37
                                    

"Ang tagal na naming magkaibigan, mula grade one hanggang grade nine… kami lang ang magkasama… bukod kila Haponita, Pipoy at Bai na minsan-minsan ko lang din naman makasama… kami ni Bambu ang madalas magkasama… ang tagal na namin kaya naman kilala na namin ang isa't isa at bakit ko pa siya pahihirapang manligaw kung kilala ko naman na siya? Saka considered ng ligaw 'yong mga efforts niya at mga naituro't naitulong niya sa 'kin…"

Nakikinig pa rin ako sa mga kinukwento niya at alam kong pinipigilan niya lang maiyak kaya nanginginig-nginig ang boses niya.

"Pero hindi kami nag-sex, Kambingot… ayoko pa kahit kami na… parang hindi ko kaya, 'di ko siya kaya… feeling ko kasi Daks siya, e… well, na-confirmed ko naman 'yon kaninang umaga…"

Narinig kong sininghot niya ang sipon niyang naipon sa ilong.

"Hmm… kung may saya s'yempre mayro'n ding lungkot…"

Bumuntong hininga siya saka nagpatuloy.

"Isang araw nagkita kami sa gubat, tinuturuan niya pa ako ng mga martial arts no'n, edi ayon, pasuntok-suntok ako, sipa-sipa gan'yan… tapos bigla niyang sinabi… 'Ivana, gusto kitang ipakilala sa Anal ko…' tinanong ko pa siya no'n kung ano 'yong Anal, sabi niya parents, so na-shookt ako. Sabi ko, 'paano?'. Ang sagot niya ay gagawa raw siya ng paraan."

"Tapos after no'n, umakyat kami sa puno ng yakal… that time, hindi ko alam kung bakit biglang ang lambing-lambing niya… kapag umaalis ako sa yakap niya ay ayaw niya akong payagan at mas lalo niyang hinihigpitan. Lahat na yata ng lengguwahe ng 'I love you' ay nasabi niya na sa 'kin no'n. Ang sabi niya sa 'kin, Kambingot… ako lang ang babaeng mahal niya. Sabi niya wala na raw siyang ibang hahangarin kundi ako lang. Sabi niya ayaw niyang magkahiwalay pa kami kaya gagawa siya ng paraan para palagi na kaming magkasama."

At hindi niya na napigilan pa ang kanyang mga luha, rinig na rinig ko ang paghagulgol niya at ang nahihirapan niyang paghinga dahil sa paghikbi.

"Ang dami naming mga pangarap no'n, ang sabi ko sa kanya… dito na lang siya sa mundo namin tumira… ililibot ko siya sa mga magagandang lugar… sabi niya, gusto niya raw pero iniisip niya rin ang pamilya niya… pero kung hindi raw kami pwede sa kaharian nila, handa raw siyang magsakripisyo… pipiliin niyang manirahan sa mundo ko kasama ako… pipiliin niya ako."

Patuloy sa pagbuhos ang emosyon niya at naninikip na rin ang dibdib ko, parang nararamdaman ko ang nararamdaman niyang lungkot.

"Napakalambing niya noong araw na 'yon, Kambingot… halos sa mukha ko lang siya nakatitig buong oras na magkasama kami, hinahaplos niya ang buhok ko at kinakagat-kagat niya pa 'yong tainga ko…"

"Sabi niya, pakakasalan niya ako…"

"Noong sinabi niyang pakakasalan niya ako, tumulo ang mga luha ko… kasi feeling ko, hindi ako nagkamali sa taong pinili kong mahalin… pinunasan niya pa nga ang luha ko no'n, e… ayaw niya raw akong nakikitang umiyak…"

"Sabi niya pa, magiging mabuting ama siya sa mga magiging anak namin…"

"Sabi niya, aalagaan niya ako araw-araw… sabi niya hindi siya magsasawang mahalin ako araw-araw… sabi niya araw-araw niya akong yayakapin at tatadtarin ng mga halik…"

"Sabi niya, hindi niya ako iiwan…"

"Pero…"

"Iniwan niya ako…"

"Noong gabi na umuwi kami… napakasaya ko no'n… pero… 'yon na pala ang huling pagkakataon na makikita ko siya…"

"Kinabukasan, sobrang excited ako no'n… maaga pa lang ay nasa gubat na ako… hinihintay ko siya… nagbihis ako nang maganda dahil sabi niya ay ipakikilala niya ako sa parents niya… if hindi ako pwedeng makapasok… sabi niya, dadalhin niya raw ang parents niya rito sa labas para makilala nila ako… pero alam mo ba, Kambingot? Inabot ako ng gabi sa gubat na iyon na aming tagpuan at ni anino niya ay hindi ko nakita… hindi siya sumipot…"

"Umiiyak ako no'n… iyak lang ako nang iyak habang umuuwi sa amin… kung ano-anong bagay ang tumatakbo sa isipan ko. Inisip kong baka nagalit ang mga magulang niya dahil nalaman nilang nakipagrelasyon siya sa isang mortal… sa isang taong tulad ko… o 'di kaya naman ay nagising na siya sa katotohanang hindi kami pwede at maghahanap na lang siya ng kagaya niyang immortal na mamahalin…"

"Pero hindi ko kaagad isinuko ang pagmamahalan namin, araw-araw akong pumunta sa gubat…"

"Araw-araw din akong umiiyak kapag uuwi na ako dahil bigo pa rin ako na makita siya."

"Tatlong taon ko 'yong ginawa, Kambingot… hanggang sa maging apat na taon na ang nakalilipas ay napagdesisyunan kong huwag na akong pumunta ro'n. Ipinagpalagay ko na lang na baka nga hindi niya na ako mahal… baka may mahal na siyang iba… at tama nga ako… mayro'n nang ibang nagmamay-ari ng puso niya…"

"Yung lalaking minahal ko… yung nag-iisang lalaking minahal ko nang sobra pa sa pagmamahal na binigay ko sa sarili ko ay may mahal nang iba…"

"Panglimang taon na ngayon mula nang nagkahiwalay kami pero wala akong naging boyfriend dahil kahit hindi ko man siya pinupuntahan sa gubat… sa tagpuan namin… siya pa rin…"

"Siya pa rin talaga… siya lang ang mahal ko…"

"Isang araw, hindi ko alam kung bakit basta na lang akong dinala ng mga paa sa lugar na 'yon… monthsary kasi namin no'n, e… tingnan mo, tandang-tanda ko pa, 'di ba?"

"Naalala ko kasi no'ng first monthsary namin noong kami pa… sabi niya sa 'kin, dapat daw mauna ako ro'n sa punong Yakal dahil may surprise daw siya sa 'kin. Ang surprise niya sa 'kin no'n, Kambingot… alam mo kung, ano? CAKE… oo, cake. Natawa pa ako kasi paling-paling 'yong layer tapos sabog-sabog 'yong icing… gano'n. Tinawanan ko pa siya no'n. Sabi niya, nagpatulong pa siya sa lola niyang gumawa no'n pero 'yon lang daw ang nakayanan nila."

"Tapos 'yon nga… ako si tanga, after five years, nagbakasakali… at gusto ko lang din mag-emote-emote… so bumalik ako ro'n and 'yong feels gano'n pa rin ang sakit pa rin…"

"Ang sakit maiwan… doble ang sakit kapag walang dahilan. Bigla na lang nawala, parang bula."

"And then, do'n na siya umeksena. Umaakyat ako no'n sa puno nang mapansin niya ako… naglalaro siya sa cellphone ng games, Pokemonggo… and imbis na tuwa ang mangibabaw sa 'kin ay galit ang naramdaman ko…"

"'Yon… ginamit ko sa kanya ang mga itinuro niya sa 'kin. Ginamit ko sa kanya 'yong tinuro niya sa 'kin na suntok na kayang magpatulog ng ilang oras. 'Yon… sinuntok ko siya, knocked out siya. Nakatulog siya and habang tulog siya doon ko naisip na kuhanin ang pangil niya."

"Para kapag nagising siya… magkakaroon siya ng rason para hanapin ako at hinanap niya nga ako… at… nahanap niya 'ko. Ang nakalulungkot lang ay tinanong niya ang pangalan ko… so nagpakilala ako sa kanya. Ang sakit, Kambingot… bumalik siya pero hindi niya na ako naaalala…"

"Inisip ko no'n na baka pinili niyang ipabura ang kanyang mga alaala… baka nakakalimot talaga ang mga bampira o baka sadyang kinalimutan niya lang talaga ako…"

"Tinitingnan ko siya sa mga mata niya pero hindi na iyon katulad ng dati… iba na kung paano niya ako tingnan ngayon. 'Yong mga mata niyang tumitingin sa akin dati ay mga mata na nagmamahal sa 'kin pero ngayon ay… wala… wala akong mabasa… hindi ko na alam…"

"'Yon pala, hindi niya na ako maalala dahil mayro'n nang ibang laman ang puso at alaala niya… wala na akong lugar do'n… wala na…"

Natahimik siya nang ilang minuto at pinatigil ang sarili sa pag-iyak.

"Hay, Kambingot… kahit masakit kailangan kong tanggapin…"

"Alam mo… sobrang sakit talaga… sinasabi ko sa 'yo, sobrang sakit talaga…"

Muli na naman siyang umiyak, hindi niya mapigilan.

"Sobrang sakit palayain ng taong mahal mo… kahit na iyon ang dapat gawin… hindi ko alam ang mangyayari sa 'kin after nito pero kailangan ko 'to at kailangan niya… kailangan namin…"

"Kaya magmula sa gabing ito ay hahayaan ko na siyang tuluyang mawala at lagi kong ipagdarasal na sana palagi siyang masaya sa piling ng minamahal niya…"

Muli siyang tumahimik at sinilip ko siya. Nakita kong pinupunasan niya ang mga luha niya. Muli akong kumubli sa kanto ng bahay nila malapit sa bintana para hindi niya ako makita.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilWhere stories live. Discover now