Ikatlong Kagat - Ikalawang Sipsip

272 40 28
                                    

Uy, si Bambu 'to. Bugak, 'eto may tinta na ulit ang pakpak ng uwak.

Nang makauwi kami ni Ivana Marawi sa bahay nila ay naghugas muna ako sa poso hanggang sa mawala ang mga dugo sa braso ko at wala pa rin kaming kibo sa isa't isa.

Tahimik lang kami naglakad pauwi, pabalik sa bahay nila. Walang imik talaga. Bawal magsalita challenge yata 'to.

Patuloy siya sa pagtaas-baba sa hawakan ng poso at sinasahod naman ng kamay ko ang tumutulong tubig. After mawala ng mga bloodshed sa arms ko, hinubad ko ang damit ko na naduguan din. Napakalansa kasi.

And then nagulat ako nang tumigil sa pagtulo ang tubig sa bibig ng puso.

And then nakarinig ako ng sinok.

"SINOK! SINOK!" sabing gan'yan tapos napatingin ako kay Ivana Marawi na sinisinok habang namimilog ang mga mata na nakatitig sa katawan ko.

"Why are you looking at me like that?" I asked, eyes narrowed, reading her thoughts if there's any.

"Shet! Pink 'yong utong mo!" sabi niyang gan'yan tapos nanginig ang mga tuhod niya, "Iihihihiiihih" rinig kong huni niya tapos nanginginig na rin ang labi niya at naggi-giggle siya.

"Pink talaga utong naming mga bampira," sagot ko naman tapos nilamas-lamas ko ang Daedelus ko, "Ang cute, ano?"

"P'wede ko rin 'yan i-massage?" tanong ni Ivana Marawi, para siyang nakalunok ng asoge sa sobrang ipit ng boses niya.

"Bawal." Inismiran ko siya at nang titigan niya pa ako't nagkagat-labi ay sinamaan ko siya lalo ng tingin.

Naglakad ako palayo sa banyera at nilampasan ko siya pero nagulat ako nang bigla niyang...

"Umm...!" bigla niyang piniga ang pwet ko.

"MYGHAD ALMA! BAKIT MO GINAWA 'YON? BAWAL 'YON! NAGKAKASALA AKO SA AKING OMELON!" Inirapan ko siya at padabog na naglakad papasok sa bahay nila.

Kinuha ko ang saluyot at malunggay na nakakapag sa lamesa.

Pumunta ko sa kwarto.

Nandito na 'ko ngayon sa maliit at napakasikip nilang silid kung saan nakahimlay ang pagagalingin sa ibabaw ng papag.

"Ready ka na, Kalma?" tanong ko sa Alma ni Ivana na kagigising lang at saksakan ng laki ng muta sa mata. "Gagamutin po kita, ha?"

Matamlay siyang tumango.

"Huy!" Nandito na rin si Ivana, naramdaman ko ang tibok ng Daedelus niya sa likod ko.

"Gagamutin ko na siya," sabi ko kay Ivana.

Sinimulan kong himayin ang malunggay sa pinakamabilis na makakaya ko. Pagkatapos kong mahimay iyon ay inutusan ko siyang kumuha ng bandehado na paglalagyan ng hinimay na malunggay.

"O, ikaw maghimay sa saluyot..." sabi kong gan'yan tapos hinimay niya na.

After 10 minutes, okay na, nahimay na namin ang dalawang gulay.

"'Yan okay na..." sabi ni Ivana.

"Ngayon, kainin mo po ito Kalma..." sabi kong gan'yan habang hawak ang bowl na puno ng dahon ng malunggay at saluyot.

"Hoy, anong palagay mo sa nanay ko? Kambing?" reklamo ni Ivana, pinigilan pa ang kamay ko.

"Gusto mo ba siyang gumaling?" tanong ko tapos bumuntong hininga siya at hindi na kumibo pa. Binitiwan niya na ang kamay ko at hinayaan ako sa gagawin ko.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon