Ikapitong Kagat - Unang Sipsip

136 29 27
                                    

Nilakbay ko ang makitid na espasyo palabas ng bahay at hindi ko na pinansin pa si Kalma na naghuhugas ng mga pinagkainan. Kumakanta-kanta pa siya habang inuurungan ang mga pinggan.

Maangas at kompiyansa akong naglalakad palabas nang biglang…

"Aray!"

Nauntog ako sa taas ng hamba ng pinto.

Damn! Bakit ba lagi kong nakakalimutan na mababa itong pintuan nila? Lagi kong nakalilimutang yumuko kaya ako laging nauuntog, e!

Hinimas-himas ko ang aking noong swerte at hindi masyadong umalsa. Nasa labas na ako ng bahay nang makarinig ako nang mahihinang hikbi at mayroong humuni…

"Mee ehh mee ehh ehh mee ehh!"

Kambing 'yon, a! Mukhang galing sa gilid ng bahay nina Ivana sa kulungan ng mga hayop.

Kumubli ako sa haligi ng bahay at tumanaw ako sa ingay na narinig…

Nandoon si Ivana sa harapan ng kulungan ng mga alagang hayop nila, umiiyak habang kinakausap ang alagang kambing niya.

"Kambingot…" sabi niyang gan'yan, humihikbi.

"Mee ehh mee ehh…" 'eka naman no'ng kambing na bingot. Kaya pala, ngongo kung humuni.

"Ikakasal na pala siya, e . . ." Pinunasan niya ang mga mata niya, “Oo, mayro'n na siyang ibang babaeng gusto . . . at mahal niya 'yon . . ."

Hindi ko alam ang dahilan kung bakit mas pinili kong manatili at pakinggan ang mga susunod niyang sasabihin.

"Hindi ko naman kasi ninakaw ang pangil niya dahil gusto ko lang… o dahil galit ako sa mga bampira. Ninakaw ko 'yon dahil gusto ko na siyang makasama…"

Humikbi siya at dinugtungan ang sinabi,

"Ulit."

Nagtaka ako't tinanong ang sarili. Gusto niya akong makasama ulit? Sinubukan kong mag-isip ng sagot ngunit walang sumagi sa isip ko ni kahit ano.

Hinimas-himas niya ang ilong ng bingot na kambing saka nagpatuloy.

"Na-mi-miss ko na kasi siya, Kambingot… miss na miss ko na siya… alam mo naman na 'yon, 'di ba? Lagi kong nakukwento sa 'yo 'yon… yung tuwing hinahagad ako ng hanger ni Nay Kalma kapag papaluin niya 'ko… magtatatakbo ako at magtatago roon sa gubat para hindi niya ako mapalo…"

"..."

"Doon ko siya unang nakilala… at bata pa kami noon… naalala kong nanghuhuli siya ng tutubi no'n, Kambingot… pinigilan ko pa tawa ko no'n kasi hindi siya makahuli tapos kumanta ako: 'Tutubi, tutubi… 'wag kang magpahuli… sa batang mapanghi… hihihi…' tapos napatingin siya sa 'kin no'n. Natakot pa ako nang biglang mamula ang mga mata niya pero kalaunan ay nilapitan namin ang isa't isa… tinanong niya ang pangalan ko… at nagpakilala ako sa kanya… nagkuwentuhan kami, nagtawanan at naglaro."

"..."

"Mula noon ay palihim na akong pumupunta sa gubat, sinasabi ko sa inay Kalma na maglalaro lang ako. Akala niya naman sa mga bata ako nakikipaglaro pero ang hindi niya alam ay hindi talaga sa mga bata… kundi sa isang bampira… isang bampira ang aking kaibigan. Siya lang ang gusto kong makasama at makalaro noon kaya naman palagi akong pumupunta sa gubat, hinihintay ko siya…"

"..."

"Hindi niya naman ako binibigo na puntahan dahil tumatakas siya at sabi niya ay kaibigan niya raw ang bantay sa portal kaya nakakalabas siya nang hindi nalalaman sa kanila."

Patuloy siya sa pagkukwento sa alaga niyang kambing at patuloy ako sa pakikinig.

"May pagkakataon naman na hindi ako nakakapunta dahil inuutusan ako ng inay, pinaglalaba ng mga damit, pinagtitinda ng manok, pinaglalako ng balot, kinukutuhan o 'di kaya'y binubunutan ko siya ng uban o kaya naman buhok sa kili-kili… palautos kasi ang inay… edi 'yon kapag 'di ako nakapupunta, nalulungkot siya…"

"..."

"Kapag siya naman ang hindi nakapupunta dahil sa sobrang busy niya sa pagtatrabaho sa bukid saka sa mga hayop nila ay ako naman ang nalulungkot… ay hindi lang pala lungkot kundi iyak. Oo, Kambingot, umiiyak ako no'n kapag hindi siya nakakalabas…"

"..."

"Pero kapag umayon naman sa amin ang tadhana at pagkakataon ay nagkakasama kami. Talagang sinusulit namin ang bawat sandali na magkapiling kami saka Kambingot, alam mo ba? Hindi raw kasi sila pwedeng mag-aral dahil mga Bagsak sila… so, ako no'n, siya ang ginawa kong inspirasyon sa pag-aaral at ang lahat ng natutunan ko sa school mula grade one hanggang highschool ay tinuturo ko sa kanya…"

"..."

"Kaya naging mahusay siya sa mga lengguwahe ng mga tao, medyo na-ge-gets niya agad tapos nakasasabay siya sa usapan kasi nga tinuturuan ko siya dati. Mula bata kami hanggang magdalaga't magbinata, magkaibigan na kami. Doon kami palaging nagkikita sa punong yakal…"

"..."

"Pagkatapos ko siyang turuan sa English, sa Math, sa Science, Filipino, etcetera etcetera… tinuturuan niya akong mamilatok… magaling siyang tumira gamit ang tirador, Kambingot… saka tinuturuan niya rin ako ng mga self-defense, mga suntok-suntok, sipa-sipa gano'n dahil hindi niya raw ako mababantayan sa school ko. Kailangan ko raw iyon para maipagtanggol ko ang sarili ko… napakamaalaga niya Kambingot, ano?"

"..."

"Ako naman, pinapakinggan ko ang lahat ng mga sinasabi niya. Sinusunod ko siya dahil alam kong lahat ng mga sinasabi niya ay para sa 'kin, para sa ikabubuti ko… gano'n siya kabait…"

"..."

"Alam mo ba pagdating ko sa gubat, may mga prutas na agad siyang dala… may mga gulay din gano'n… pinapauwi niya sa 'kin 'yon… tapos namimilatok siya ng ibon, tuwang-tuwa ako kapag natatamaan niya."

"Ang gagawin namin do'n, iihaw namin tapos kakainin namin… masaya na kami sa gano'n. Masaya na raw siya na makasama ako. Gano'n din naman ako…"

"Mula noon… hanggang ngayon, hindi nagbago 'yon… siya pa rin ang hanap-hanap ko… siya pa rin ang kaligayahan ko pero iba na ang kaligayahan niya…"

"Alam mo, Kambingot… grade six ako noon nang ma-confirm kong crush ko siya… ang saya-saya ko no'n, Kambingot dahil sa wakas ay may crush na rin ako. 'Yong mga kaklase ko no'n kasing babae nagpapayabangan sila kesyo ang crush daw nila ay EXO, One Direction, BTS gan'yan gan'yan tapos sabi ko sa kanila may crush ako, vampire… tapos ang akala nila, e, 'yong bampira sa Twilight ang crush ko… ang hindi nila alam si Bambu 'yon…"

"Ang tagal kong inilihim sa kanya 'yon Kambingot pero kalaunan ay nalaman niya rin nang mabasa niya ang FLAMES ng mga pangalan namin sa likod ng notebook ko noong time na tinuturuan ko siya… noong una ay wala siyang alam doon pero matalino siya, Kambingot, e… nalaman niya kay Google… edi ayun buking na ako… ilang na ilang ako sa kanya after no'n… 'di ako makatingin sa kanya pero alam mo ba ang nakakakilig? Isang araw matapos niya malaman 'yon… as in mula hapon hanggang mag-agaw-dilim ay wala kaming kibo tapos no'ng pauwi na kami…"

"Nando'n na siya sa lagusan no'n papasok na siya, ako naman naglalakad… pauwi na tapos bigla niyang tinawag ang pangalan ko. 'Ivana!' sabi niyang gano'n tapos napalingon ako, 'Crush din kita' sabi niyang gan'yan tapos bigla na siyang lumusot at tumagos sa lagusan… grabe 'yong kilig ko no'n, Kambingot! Hanggang sa bahay dala-dala ko 'yon. Nasampal pa nga ako ni Nay Kalma kasi hindi niya ako makausap nang matino. Nakatulala lang ako at nakangiti. Akala niya raw namatanda na ako o na-engkanto… tapos sabi ko lang sa kanya no'n, iniisip ko 'yong crush ko. Wala, hindi naman na siya nagalit kasi normal lang naman daw magka-crush."

Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya at hindi na ako nag-isip pa nang magsalita siyang muli.

"Grade 9 noong na-develop 'yong crush na nararamdaman namin at naging love. Grade 9 noong naranasan ko ang first kiss… ang first kiss namin… yes, Kambingot… nag-kiss na kami… and after that kiss wala nang paligoy-ligoy… kami na agad."

Shookt akis.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilKde žijí příběhy. Začni objevovat