Huling Kagat - Huling Sipsip

267 29 56
                                    

IVANA MARAWI SUPER SHORT POV

"So, ikaw pala ang Omelon?" sambit ko sa bruhildang babaeng kaharap ko ngayon.

"Ako nga…" aniya at nagmamayabang.

"Ang chaka mo naman pala! Buti na lang hindi ka pinakasalan ni Bambu!" pang-iinis ko sa kanya kaya naman inilabas niya ang pangil niyang may tartar para takutin ako.

"Hindi natuloy kasi, binungal mo siya! Ampucking Alma ka!" sambit niya pa at nanggigigil.

"S'yempre ako lang naman si Ivana Marawi… ang endgame ni Bambu!" pagmamayabang ko rin. S'yempre, hindi ako magpapatalo. "E, ikaw sino ka?"

"Ako si Mona!" sigaw niya.

"Alawi?" tanong ko.

"Mona Mi . . . Fasolatido!" aniya at tinakot niya ako gamit ang kuko niyang matutulis na puro lupa naman unlike sa nails ko na kaka-manicure lang.

"Whatever, Mona! Etong sa 'yo!" sabi kong gan'yan at sinugod siya.

"Ha!" Pinagkakalmot ko siya.

"Ha!" sabi niya naman at gumanti sa 'kin.

"Ang liit ng suso mo!" sabi kong gan'yan at na-offend siya.

"Ha!" Kaya sinugod ko siya ulit at pinagkakalmot.

"Yah!" sabi niya tapos sinipa niya ako sa mukha kaya tumilapon ako sa lupa.

Nagpatay-patayan mode ako ulit kagaya ng ginawa ko kanina sa Omelet. Nang maramdaman kong papalapit na siya at dadambahin ako ay bigla akong gumulong para makaalis sa hinihigaan kong lupa kaya naman imbis na ako ang mabagsakan niya ay lupa ang sumalo sa kanya.

"Omelon ka lang ha! Opakwan ako!" sigaw ko at kinabayo ko siya.

Habang nakadapa siya at nakaupo ako sa likod niya ay tinipak-tipak ko ng kutsilyong pang-chop-chop ng karne ang leeg niya hanggang sa mapugot ko iyon.

KAPON SUPER SHORT POV

"So, ikaw pala ang Omegatron?" sabi ko sa lalaking kaharap ko. Malalim ang mata at kulay itim ang mga labi. Nakahikaw pa ng itim at maging ang ilong ay mayroon din.

"Yes, and my name is Bond…" sagot niya.

"Oh my gosh! James Bond?" sabi ko naman.

"COUPON BOND! Watah! Heeyah!" Nagsisipa-sipa siya at nangarate parang si Bruce Lee.

"A, gano'n ha!" sabi ko naman at inihanda ang mga kamao, "Alam mo, si Ivana sana ang gusto kong makalaban kaya lang kailangan niyang paslangin ang Omelon… kaya pagtitiyagaan na lang kita!"

Pero bigla niya akong sinugod at . . .

"UGH!" ungol ko, "Bakit mo dinakma ang Cockroach ko?"

Ngumisi lang siya.

"AHA! Bakla ka, ha! Bet mo 'ko?" sabi kong gan'yan at hinabol ko siya.

"Halika, ibo-bottom kita! Hayah! Hiyah! Yah!" sabi kong gan'yan tapos nagsipa-sipaan kami.

"Anong feeling ng mapailalim?" Pinagtatawanan ko siya ngayon at hindi siya makapaniwala na nasa ibabaw niya na ako ngayon.

"Ang ganda ng view, shet…" kinikilig niyang sabi at mukhang nagugustuhan pa niyang nasa ibabaw ako.

"Kaso mas maganda kung wala kang ulo!" sabi niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang kamay niya na gumagalaw at may hawak na patalim.

"Aha! Traydor ka, ha!" Kaagad akong lumundag palayo sa kanya.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon