Ikaanim na Kagat - Ikatlong Sipsip

161 25 51
                                    

"Bambu, nag-away ba kayo ng anak ko?"

Nabigla ako sa tanong ni Kalma at nalunok ko agad ang kanin na hindi ko pa nangunguya.

"M-Medyo po…" sagot kong gan'yan, hindi na tumanggi pa.

"Umm… sige 'wag na lang nating pag-usapan, pikon talaga 'yong bata na 'yon, e… anyway, anong masasabi mo sa inihanda kong hapunan?" tanong niya.

Hapunan?

Pumasok sa aking isip ang isang alaala tungkol sa salitang hapunan.

Napakasaya ko noong umuwi sa aming tahanan matapos akong maimbitahan ng mahal na Omega at Omelet sa Kastilyo upang saluhan sila sa hapunan kinabukasan.

"Bakit puro dugo ka?" 'ika pang gan'yan sa 'kin ng Alibaba na nadatnan kong naggagantsilyo habang nakaupo sa tumba-tumba.

Tinanong ko rin siya, "Bakit naggagantsilyo ka po, Alibaba? Hindi ba't nagluluto ka ng sopas?"

"Sagutin mo ang tanong ko, lapastangan ka sa iyong Alibaba!" sabi niyang gan'yan at nahinto sa pagsusuot ng karayom sa tinatahing hibla.

Sumagot ako: "Ay, paumanhin po . . . nakuha ko ang mga dugong ito sa Basurang aking nakasagupaan sa Marketity ngunit huwag kang mag-alala Alibaba, napaslang ko siya bago niya pa ako masaktan."

"Nasa'n ang hotdog?" sambit niyang gan'yan matapos mawala ang pangamba sa kanyang mukha.

"Ha?" sabi ko.

"HOTDOG!" sabi niya.

Naalala kong pinabili niya nga pala ako.

"A, 'yong hotdog po…" Kinuha ko ang hotdog na nakasuksok sa aking puwetan, "ito po, baba… nasaan po pala ang bangbang?" tanong ko pa nang makalapit na ako sa Alibaba at nang hindi makita ang Alibangbang na kasama niya.

Sumagot ang aking Alibaba pagkatayo niya sa tumba-tumba: "Nasa kanyang silid, nanonood sa Pornhub 'wag mong abalahin kung ayaw mong maputukan."

Na-imagine ko ang aking Alibangbang while cockroaching his cockroach kaya napasabi na lang ako ng, "Eww. Gross."

"Eww gross ka pa riyan! Eww ka rin naman! Tingnan mo nga 'yang sarili mo!" Tiningnan ko naman ang sarili ko gaya ng aniya, "Maligo ka na't ang lansa ng dugo ng Basura! Sige na't maghilod kang mabuti! Maglibag kang hinayupak ka! Nanggigitata ka na!"

"Sige po baba, galingan mo magluto po…" sabi kong gan'yan at nauna akong pumasok ng bahay. Inambaan niya pa ako ng kutos pero hindi niya ako naabot.

Habang naliligo ako ay nakangiti pa rin ako. Nakangiti habang nagbibihis. Nakangiti habang kumakain. Hapunan na pala namin.

"Kumusta ang aking sopas?" tanong ng Alibaba sa amin. Katabi ko ang aking Alpha sa kanan at sa kaliwa ang aking Alma.

"Masarap…!" sambit naming lahat at ngayon lang naging totoo ang salitang iyon.

Dati kasi ay kahit hindi masarap ang luto ng Alibaba ay sinasabi naming masarap.

"Hotdog lang pala ang kulang!" sabi pang gan'yan ng Alibaba at masaya niyang pinagmamasdan kami habang kumakain.

"'Yong hotdog ko try mo mamaya, mas masarap… mamula-mula din…" sabi ng aking malibog na Alibangbang.

"Heh! Bastos ka talagang Alibangbang ka! Kaya manang-mana sa 'yo 'tong apo mo, e!" hiyaw ng Alibaba't sa 'kin napatingin.

"Luh, ba't nadamay na naman ako? Nananahimik ako rito, e!" angal ko, tumulis ang nguso.

Bigla namang sumingit ang aking Alma, "Kumain na lang kayo… lubusin niyo na ang pagkain at matagal-tagal itong maninirahan sa mga tiyan natin."

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilWhere stories live. Discover now