Ikatlong Kagat - Ikaapat na Sipsip

283 40 32
                                    

Dalawampung minuto na ako sa taas ng puno at parami nang parami ang nalulunok kong lamok.

Manghingi kaya ako ng off lotion kay Ivana?

Or katol?

Kulambo? Ay, pa'no ko naman ikakabit 'yon dito?

What if kung what kung . . . ?

AHA! Tama! Bakit ko pa patatagalin kung pwede ko namang ngayon na gawin?

Ang alin?

Ang ngipin niya'y tanggalin din?

Aba syimpri!

Ngayong gabi ay makagaganti na rin ang bampirang binungalan ng pangil.

Matitikman niya ngayon ang batas ng isang bampirang pinagkaitan ng karapatan sa kanyang pangil na matartar.

Bumaba ako sa puno sa pinakamabilis na kaya ko at nang makarating sa harapan ng pintong tagpi-tagpi sa kahoy ay bumuntong muna ako pero hindi huminga.

At nang kakatatok na ako ay biglang bumukas ang pinto.

"Sabi na, marupok din, e! Sige pasok!" sabing gan'yan ni Ivana Marawi at hinatak niya ako papasok sa bahay nila.

Ibig sabihin kanina pa siya naghihintay rito? Alam niya kayang bababa ako sa puno? Hindi ko na binagabag pa ang sarili na mag-isip at malunod sa mga bagay-bagay na naglalaro sa isip ko nang makarating kami sa kwarto ng kanyang Alma.

"Tara tulog na tayo," sabi sa 'king gan'yan ni Ivana.

"…"

"Huwag ka nang mahiya, ako lang 'to… I mean, kami lang 'to!" sabi niya pang gan'yan. As if namang nahihiya ako.

"Sa tingin mo kakasya tayo riyan sa papag?" tanong ko sa kanya, wala pa ring mababakas na pagkainteres sa salita ko.

"Oo naman, gaano ba 'yan kalaki para hindi magkasya?" sabi niya at naberde ako, "I mean, gaano ka kalaki para hindi magkasya?" bawi niya.

"Ba't ka gan'yan, bhi? Ang bastos mo, my virgin ear!" sabi kong gan'yan sabay takip sa tainga ko.

Ang ginawa niya ay tinanggal ang kamay na nakatakip sa tainga ko para marinig ko ang sasabihin niya, "Ay, wow! Nasa bokabularyo mo pala ang salitang virgin? E, kayo nga itong nanonood ng Pornhub one to sawa!"

"..."

Tapos 'yon Dare Diary, nahiga na kami sa maliit at masikip na papag. Tulog na ang Alma Kalma niya. Nasa kanan niya ang Alma niya at nasa kaliwa naman ako. Doon siya nakaharap sa Alma Kalma niya. Ako naman diretso lang ang tingin sa bubungang nangingitim at puro agiw.

Tumagilid ako at sinubukang matulog kahit na naririndi sa malakas na hilik ng dalawa. Napakabilis nilang matulog pala at nakaiirita ang mga bunganga nila. Kasarap pasakan ng busal ng mais! Kainis!

Tumihaya ako ulit nang ma-feel na hindi komportable sa posisyon kong patagilid. Ano ba 'yan ang kati? Kinagat pa ng surot ang itlog ko.

Mayamaya ay biglang bumiling si Ivana at dumantay sa 'kin.

"UGH!" sabi kong gan'yan.

Napakasakit, mahabaging langit! Nabagsakan ng hita niya ang cockroach ko kaya naman itinulak ko ang hita niya.

Mayamaya Dare Diary bigla na namang dumantay.

"UGH!" sabi kong gan'yan kasi nga nasaktan ako, e!

Tinamaan niya na naman ngayon ang aking nananahimik na Cockroach kaya naman ang ginawa ko ay kinurot ko ang kanyang hita. A 'yon, nagkokoromba siya at bumiling paharap sa Alma Kalma niya.

Gagawin pa 'kong dantayan!

Bumiling na rin ako at tinalikuran siya hanggang sa pumikit na ang isang mata ko. Ganito kami matulog; isang mata, nakapikit at isang mata, nakadilat.

Habang natutulog ay nanaginip ako . . .

Alam kasi naming mga bampira kapag nananaginip kami.

Nagsimula ang aking panaginip sa aming kaharian . . .

Napapanaginipan ko ngayon ang eksaktong  pangyayari noong nakaraang tatlong taon. Ito ang araw kung saan naging pinakamasaya ang kahariang Kastilyo at kaming mga Kastila.

"Nasa'n na ba ang inyong Alibata?" rinig kong tanong ng aking Alibaba dahil ako'y nasa aking silid pa at nagsusuklay pa ng aking buhok.

"Nasa kanyang silid pa, mukhang naubos na yata ang pomadang gawa sa langis ng gansa na ipinapahid sa buhok niya," sambit naman ng aking Alibangbang na kanina lang ay kasama ko sa silid na nagpapahid rin ng pomada pero kaunti lang ang inilagay niya't kakaunti saka manipis na lang din naman ang buhok niya.

Nauna siyang lumabas at ako'y naiwan sa silid na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nililisan.

E, nagli-liptint pa kasi ako.

Mayamaya ay boses na ng aking Anal ang narinig ko at doon na ako nag-apura sa pagkilos.

"Bambu! Apurahin mo! Magsisimula na ang pangkalahatang piging ng mga Kastila!" sigaw ng aking Alpha na talaga namang nakatataranta.

Sinundan naman iyon ng aking Alma na nagkukuda na naman nang nagkukuda, "Naroon na sa Kastilyo ang ibang mga Bagsak at ang Kapitan ay inoobliga na ang lahat na pumunta sa pagdiriwang. Maka-tatlong beses nang pinatunog ang Sagradong Batingaw---"

"Tapos na po!" sigaw kong gan'yan na natarantang lumabas ng kwarto dahil sa nakaaaligagang boses ng aking Alma.

"OGOGOGOGOG--OG!" Natawa silang apat na nakatingin sa 'kin. Sinuyod ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"Mas makinang pa sa buwan ang iyong buhok, ako'y nagtataka lamang, sino ba ang iyong popormahan?" tanong kaagad sa akin ng aking Alma.

"O, mahal! 'Wag mong tanungin ang ating Alibata ng gan'yan, tingnan mo ang kanyang mukhang namumula sa kahihiyan." Iyan ang sabi ng Alpha ngunit mukhang nagpipigil lang din tawa. Trip talaga nila akong asarin.

Sumabat naman ang aking Alibaba sa usapan, "Ano ba kayong dalawa? Ang inyong Alibata ay ganap ng binata."

"Sigurado akong may napupusuan na siyang bampira kung kaya gan'yan ang hitsura at kanyang postura," dugtong naman ng aking Alibangbang at mukhang silang apat ay nagkakaisa. Nagkakaintindihan para ako'y asarin na naman.

"Ano ba kayo? Nag-ayos lang ako ng ganito dahil ayaw kong mapag-iwanan tayo ng mga Mejo at Pasado," sabi kong gan'yan. Ayaw kong sabihin ang tunay na dahilan. Ayokong sabihin na tama sila.

"Naku, Bambu! Hindi mo kailangang makipagsabayan sa mga Mejo at Pasado," sabi naman ng aking Alma na mukhang pangangaralan na naman ako.

"Oo nga, ang mga Mejo at Pasado ay mayroong kaya at nakapag-aaral sa akademya," sabi pa ng Alpha ko na nahawa na ka-negahan ng aking Alma.

Sa inis ko, ito na lang ang nasabi ko, "Ano naman? Bampira lang din naman sila, a! Tara na nga!"

Nauna na akong lumabas ng bahay at iniwanan sila. Naramdaman ko namang sinusundan nila ang yapak ko.

Ang bawat Bagsak na nasisilayan ko sa daan ay nakabihis na. Ang iba ay nagtatalon sa bubungan dahil ayaw marumihan at maalikabok dito sa aming barangay. Ang iba naman ay sa puno nagtatalon-talon at sumasabit-sabit. May mga ilan na nag-iigib pa lang ng paligo nila, 'yong iba nag-aapura sa pagtulak ng kariton dahil hindi pa tapos sa ginagawa nilang trabaho na sinasaway naman ng Kapitan dahil ayon sa Omelet ay ang araw na ito ay pahinga ng lahat at araw para magsaya't magdiwang lamang.

"UBO! UBO! UBO!" Naubo ako nang makalanghap ng alikabok dahil sa dumaan na sasakyang pang-pasado. Napakabilis magmaneho kaya naman naalikabukan ang damit namin.

Pinagpag na lang namin ang kasuotan at nagtimpi kahit na alam naman naming sinadya nila iyon para marumihan kami.

Bakit ba kasi maalikabok rito? Mabuti pa sa mga Mejo at Pasado, maayos ang kalsada nila. Sementado at hindi nagpuputik kapag umuulan. Unfair.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilDonde viven las historias. Descúbrelo ahora