Ikalimang Kagat - Ikalimang Sipsip

136 29 39
                                    

(Sorry na-late mga kabungal, nakalimutan ko i-post kagabi itong 5th bite! Please VOTE xoxo)

•••

Pagkatapos kong paslangin ang Basura ay kinuha ko sa kanyang kamay ang kuwintas na tinangka niyang nakawin sa Omelon.

Binilisan ko ang pagtakbo hanggang sa makabalik ako sa Omelon at habang tumatakbo ako ay natanaw ko na may lalaki at babae siyang kasama.

Habang papalapit nang papalapit ang distansiya namin ay natukoy ko kung sino ang kasama niya--- ang Omega at Omelet.

"'Yon siya, Alpha, Alma!" rinig kong sigaw ng Omelon.

"Nabawi ko na ang iyong kuwintas, Omelon." Iniabot ko ang kuwintas niya nang makalapit ako at umatras ako, ilang hakbang palayo sa kanila.

Yumukod ako at nagbigay-pugay sa mahal na Omega at Omelet.

"Magandang araw, ho… Omega, Omelet…" Nakayuko ako at hindi ko itinataas ang aking ulo hangga't wala ang kanilang permiso.

Ganito kami kapag nakikipag-usap sa aming mga pinuno.

"Iniligtas niya ang buhay ko, Alpha… Alma…" rinig kong sabi ng Omelon at kakaibang tuwa ang naramdaman ko sa aking loob.

"Salamat, bampirang Bagsak. Ano ang iyong ngalan?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang boses ng Omega. Totoo bang tinanong niya ang ngalan ko?

Iniangat ko ang aking ulo at tiningnan ang Omega. "Ah… B-Bambu, ho ang aking pangalan…" saad ko sa pinakamagalang na tono ng boses.

"Bakit puro dugo ka?" Mabilis pa sa alas-kwatrong tanong ng Omega.

"Pinaslang ko ho ang Basurang nagtangka sa mahal na Omelon," sambit ko at walang alinlangan na tiningnan sa mata ang Omega at inilipat iyon sa katabi niya--- ang Omelon.

"Salamat sa iyong katapatan sa amin," saad ng Omega at napatingin siya sa katabi ng kanyang Omelon, "anong masasabi mo, aking Omelet?"

Tumingin ang Omelet sa Omega at magkasabay nilang ibinaling ang mga mata sa akin, "Gantimpalaan natin siya, aking Omega."

Napatango ang Omega pero napatingin ulit siya sa Omelet, "Wala akong maisip na gantimpala, aking Omelet, kung kaya't ikaw na lamang ang magpabatid sa kanya ng iyong handog pasasalamat."

Noon ay natukoy ko agad kung ano ang ibig sabihin ng pag-uusap kaya naman kaagad akong sumingit sa usapan nila, "Naku… mahal na Omega… mahal na Omelet… hindi n'yo na po ako kailangan pang pagkalooban ng gantimpala," sabi kong gan'yan tapos yumuko ako ulit.

"Apat na bareta ng ginto, sapat na ba iyon?" sambit ng mahal na Omelet kaya't ako'y napataas ng tingin.

Ang sagot ko ay: "Naku, mahal na Omelet… hindi ko po matatanggap ang inyong alok. Sobra-sobra na po iyan, paumanhin po kung madismaya ka sa aking pagtanggi."

Napatingin naman ako sa Omega nang siya ang nagsalita, "Isang baul ng mamahaling hiyas mula sa mga Mejo at Pasado, sapat na ba iyong kabayaran?"

Sumagot akong muli: "Naku, mahal na Omega… paumanhing muli. Hindi ko po matatanggap ang inyong gantimpala. Ang aking pagtulong sa mahal na Omelon ay walang hinihinging anumang kapalit. Iyon po ay mula sa aking puso."

Nagkatinginan ang Omega at Omelet, nagngitian silang dalawa at nagtanguan.

"Labis mo kaming pinahanga, Bambu… tama kami ng hinala sa iyo. Hindi ikaw ang tipo ng Bagsak na mapaghangad sa yaman, ikaw ay Kastilang may busilak na puso…" sambit ng Omega at sumilay sa kanyang labi ang isang ngiting mas maaliwalas pa sa hindi nakapundong ulap.

"Nagagalak ako sa iyong katapatan, Bambu kung kaya maghanda ka bukas ng gabi…" sambit naman ng Omelet at napatingin ako sa kanya.

Sinegundahan pa iyon ng Omega kaya napatingin din ako sa kanya, "Tama, bukas ng gabi ay ihanda mo ang iyong sarili…"

"Bakit po? Ano pong mayro'n?" tanong kong gan'yan, nagugulumihanan.

"Ikaw ay inaanyayahan namin para sa isang salu-salo sa Kastilyo," ngiting sambit ng Omelet at napatingin din siya sa Omega, napangiti na rin sa kanya.

Ibinaling ng Omega ang tingin niya sa 'kin at saka nagwika: "Hindi mo naman na siguro tatanggihan pa ang alok namin sa iyo ng aking mahal na Omelet?"

Tumugon ako, bukal sa puso at gayundin, puno ng pananabik: "S-Sige po, dadalo po ako sa hapunan!"

"Aasahan namin 'yan…" patango-tangong ani Omelet.

Tiningnan ko ang Omega at Omelet at ipinabatid ang pasasalamat, "Maraming maraming salamat po, mahal na Omega at Omelet…" saka ko tiningnan ang babaeng nasa gitna nila, "at sa 'yo rin Omelon."

"Kami dapat ang magpasalamat sa 'yo…" singit ng Omelet, "iniligtas mo ang Alibata namin, marapat lamang na makatanggap ka ng gantimpala."

"Sapat na ho sa 'kin ang makasalo kayo sa hapunan. Labis na kagalakan na po ang maidudulot niyon sa 'kin," sagot ko sa napakaganda at napakabusilak ang puso na Omelet. Napakasuwerte ng Omega sa kanyang Omelet--- maganda na, mabuti pa.

"Sige, mauuna na kami at pagsasabihan ko pa ang pasaway na Omelon…" sambit naman ng Omega na kahit alam kong pabiro ay nanghimasok pa rin ako.

Kaagad akong nagwika, nag-aalala sa maaaring gawin niya sa Omelon: "Naku, 'wag n'yo na po sanang paluin ang Omelon, nais niya lamang maglibot . . . paumanhin po sa aking panghihimasok, alam kong wala akong karapatang sabihin iyon."

"Kung iyan ang iyong hiling, sige't pagsasabihan ko na lamang siya…" sambit ng Omega na napangiti sa akin. Napakabuti talaga ng lalaking ito. Bagay na bagay sila ng Omelet.

"Paano? Mauuna na kami? Salamat ulit, sumipot ka bukas, Bambu… alas-syete ng gabi sa Kastilyo," sambit pa ng Omelet na nagpaalam pa. Napakabuti niya talaga.

"Opo, mahal na Omelet." Nginitian ko siya pabalik.

"Maghugas ka na agad ng katawan, ang dugo ng mga Basura'y nakasusuklam," sabi pa niya at natawa nang bahagya.

"Opo, mahal na Omelet." Napangisi ako't kalaunan ay naging isang malawak na ngiti na rin.

Naglakad na sila palayo at tumalikod sa akin ngunit lumingon muli ang Omega, "Paalam, mabuting Bagsak."

Tumugon naman ako sa kanya sa pinakamagalang na pananalita, "Paalam, mahal na Omega."

"Paalam!" sambit ng Omelet na lumingon din at masayang kumakaway-kaway. Napakabait niya talaga.

"Paalam, Omelon!" sigaw kong gan'yan nang medyo malayo na sila.

Laking tuwa ko nang marinig niya ako at lumingon para tugunin,

"Paalam, Bambu!"

"PUKINGINA MU, BAMBU!"

Luh? Ano 'yon?

"HUHUHU!"

Napabalik ako sa ulirat nang may malakas na pwersang tumama sa mukha ko.

Sinampal ako ni Ivana.

Nagising ako sa katotohanan.

Nawala na ang alaala ng nakaraan.

Ang nakaraan kung saan ang Omelon ay aking nakilala't namataan.

"Anong ginawa mo? Bakit hindi mo hinabol 'yong magnanakaw?" sabing gan'yan ni Ivana, umiiyak.

"Sorry, may naalala lang ako," sabi kong gan'yan at . . .

ISANG MALAKAS NA SAMPAL MULI ANG NATANGGAP NG KABILANG PISNGI KO.

Dare Diary,
Kitakits sa susunod na kagat.

Diary ng Bampirang Bungal ang PangilWhere stories live. Discover now