Protective Brother

742 12 7
                                    

Protective Brother

"Gusto kitang ipakilala sa kapatid ko," sabi ni Lesley na may ngiti sa kanyang mga labi.

"Di ba si Harley yung kapatid mo?" tanong ni Granger.

"Oo, nakateam mo na siya nung isang araw. Magaling siya diba?" sabi ni Lesley.

Tumango lang si Granger sabay bulong, "Siya yung batang hambog na nang-aagaw ng buff sabay sabing siya pinakagwapo."

"May sinabi ka ba? Di ko narinig eh," saad ni Lesley.

"Wala,wala," sabi niya.

Nang makarating sila sa tambayan ni Harley, pinakilala ni Lesley si Granger.

"Harley," tawag niya. "Ito pala si Granger. Gusto ko siyang ipakilala sayo kasi kapatid kita. Siya yung jowa ko na nabanggit ko sau nung isang araw."

Agad kumulo ang dugo ni Harley sabay kuha ng wand niya at tinutok ito sa jowa kuno ng ate niya.

"Pinalaki ko si ate tapos sinadya kong hindi magjowa tapos makikita ko lang siya na magkakajowa ng isang emo na tulad mo?" giit niya nang may sama na tingin sa lalaki. "Unacceptable."

"Harley, tama na," saway ni Lesley. "Granger, pasensiya ka na."

"Harley, mukha man akong emo, kaya kong protektahan si Lesley," saad ni Granger.

"Wag ako lokohin mo, panget. Sinabi na rin yan ni Gusion noon, pero ano ginawa niya? Pinagpalit niya ang ate ko sa isang babaeng malaki lang ang dibdib. Tingin mo maniniwala ako sayo?" sabi ni Harley.

"Si Gusion lang yun, feeling pogi kasi yun. Magkaiba kami nun, trust me," giit naman ni Granger.

"Harley, tama na," sabi ni Lesley kaya kumalma ang kapatid niya.

"Kapag iniwan mo ate ko, ikaw na ang iihawin ko at ipapakain sa alaga nina Lylia at Hanzo. Tandaan mo yan," sabi ni Harley bago umalis.

"Pasensya ka na," muling sabi ni Lesley.

"Okay lang, inexpect ko na yun na gawin ni Harley," sabi naman ni Granger.

Mobile Legends AnthologyWhere stories live. Discover now