Ang Unang Panlilinlang

241 3 3
                                    

Requested by: Bayang_1021

Ang Maharlika ay isang masaganang isla, walang araw na naghirap sa paghahanap ng pagkain at paghahanapbuhay ang mga naninirahan dito.

Ilang mga pinuno na ang sumubok na lusubin ang isla at talunin si Malyari ngunit lahat sila'y nabigo.

Si Malyari ang natatanging babaeng pinuno na kinikilala ng lahat dahil sa kanyang kagalingan sa pandirigma at pamumuno. Lagi niyang pinagtutuunan ng pansin ang kapayapaan at katahimikan ng kanyang sinasakupan na siyang dahilan upang makuha niya ang puri ng mga diwata.

"Pinuno, mas mainam na ika'y maghanap na ng mapapangasawa upang masiguro ang pagkakaroon ng susunod na mamumuno ng Maharlika," saad ng matandang tagapayo ni Malyari.

Napaisip ang dalaga kaya natahimik siya ng ilang sandali at nag-isip ng mainam na paraan para makapili siya ng karapat-dapat na lalaking uupo sa kanyang tabi upang pamunuan ang Maharlika.

"Ang iyong nasambit ay siyang tunay," saad ni Malyari at siya'y napatayo at hinarap niya ang kanyang tagapayo.

"Iyong ipagsabi sa bayan ang mensahe ko. Kahit sinong binata ay maaaring sumali sa paligsahan na kung sino man ang manalo ay siyang aking mapapangasawa," dagdag ng dalaga.

"Iyo ring sabihin na magaganap ito makalipas ang tatlong araw mula sa araw na ito."

Agad namang sumunod sa kanyang kautusan ang kanyang tagapayo kaya't nakipagkita ito sa ibang miyembro ng kanilang konsehal.

Agad kumalat ang balita tungkol sa paligsahan na si Malyari mismo ang magsasaad kung ano ang gagawin ng mga dadalo. Hindi lang sa buong Maharlika umabot ang balita kundi pati na rin sa mga karatig na isla na siyang dahilan upang mabigyang-sigla ang mga pinuno na nais sumakop sa Maharlika.

Nang dumating ang araw ng nasabing paligsahan, maraming kalalakihan ang naghintay sa labas ng tahanan ni Malyari upang marinig ang kanyang unang patimpalak.

Nang lumabas si Malyari, lahat ay nakatitig sa kanyang taglay na kagandahan. Kumikinang na mga ginto ang kanyang suot na alahas na siyang nagpatingkad lalo sa ganda nito.

Nagsitayuan ang mga binatang dumalo bilang pagpapakita ng kagalangan sa pinuno ng Maharlika.

"Kinagagalak ko ang inyong pagdalo sa patimpalak na ito. Ako ngayo'y naghahanap ng aking kabiyak upang pamunuan ang Maharlika," saad nito nang may ngiti sa kanyang mga labi.

"Ngunit hindi magiging madali ang tatahakin niyo sapagkat nais kong mahanap ang binatang karapat-dapat sa posisyon. At sa unang paligsahan ay ipapaliwanag ng aking tagalahad," dagdag ng dalaga bago maupo at isang binata ang tumayo sa harap ng mga nagnanais maging kabiyak si Malyari.

Sa kanyang pagtingin sa mga dumalo sa kanyang isla, dalawang binata ang namataan ni Malyari; sina Lapu-lapu at Badang.

Ayon sa kaalaman na kanyang naririnig, si Lapu-lapu ay namumuno sa isla na kung saan ginaganap ang palitan ng mga produkto. Samantalang si Badang naman ay kilala bilang isang mandirigmang marami nang nasasakop.

"Upang mapagtagumpayan ang unang paligsahan, kailangan niyong kunin ang sampung alahas na nasa karatig-isla na walang gamit na bangka sa pagtawid. Tig-isang alahas sa bawat kalahok at kailangang maibigay ito kay Pinunong Malyari bago lumubog ang araw!" Paliwanag ng tagalahad.

May isang binata ang pumunta sa unahan upang mailahad ang kanyang katanungan.

"Nais niyo bang ipahiwatig na bago lumubog ang araw ay tanging sampu lang sa amin ang magtatagumpay?" tanong nito habang inilalahad ang kanyang kamay sa halos isang daang binata.

Mobile Legends AnthologyWhere stories live. Discover now