03

1.6K 36 0
                                    

Chapter 3

Nang makauwi ay nakita ko sila Mom at Dad sa sofa na nanonood sa tv. Agad naman akong lumapit sakanila at hinalikan sa pisnge.

"Good Evening Mom,Dad" bati ko at tumabi sakanila "Good evening baby" sagot ni Mommy at pinisil ang pisnge ko.

"How's school?" Daddy asked.

"It's fine Dad, sige na po aakyat na po ako" sabi ko at umakyat na, narinig ko naman ang sigaw ni mom "Don't forget to eat dinner okay?" Sigaw nito.

"Yes mom!" Sigaw ko naman pabalik.

Agad naman akong sumalampak sa kama ko at kinuha ko ang cellphone ko, after scrolling to my phone I take a shower and change clothes, pagkatapos kong magbihis at gawin ang dapat kong gawin sa kwarto ko bumaba na ako at nakita ko ang mga magulang ko na nasa hapag na.

Umupo naman ako sa katapat ng mommy ko. "Let's eat!" Sabi ko at nagdasal muna kami bago kumain. After kumain ay tumaas na ako at ginawa ang night routine ko. Of course I have a skincare.

Pagkahiga ko sa bed ko ay naisip kong ichat ang groupchat namin.

𝘡𝘢𝘳𝘢

𝖬𝖺𝗅𝗅 𝗍𝖺𝗒𝗈 𝖺𝖿𝗍𝖾𝗋 𝖼𝗅𝖺𝗌𝗌, 𝗅𝖾𝗍'𝗌 𝗐𝖺𝗍𝖼𝗁 𝗌𝗈𝗆𝖾 𝗆𝗈𝗏𝗂𝖾!

Agad naman nagreply ang dalawa.

𝘔𝘦𝘳𝘦𝘥𝘪𝘵𝘩

𝖲𝗂𝗀𝖾 𝗅𝖺𝗇𝗀

𝘚𝘵𝘢𝘤𝘺

𝖦𝗈 𝗀𝗂𝗋𝗅 𝗉𝖺𝗋𝖺 𝗇𝖺𝗆𝖺𝗇 𝗁𝗂𝗇𝖽𝗂 𝗍𝖺𝗒𝗈 𝗆𝖺𝖻𝖺𝗀𝗈𝗍 𝗌𝖺 𝗁𝗈𝗎𝗌𝖾!

Nang makaramdam ng antok ay natulog na ako.

-Kinabukasan-

After eating breakfast I decided to go to my school already. "Hays tumatawag nanaman si Stacy" sabi ko at sinagot ang tawag.

"Oh Stacy, bakit?" Tanong ko.

[Gaga ka asan kana ba? Hanap kana ni Meredith.]

"Stacy, wag masyadong oa okay? anong oras palang tsaka hindi pa naman ako late." Mahinahong sabi ko. Narinig ko naman na nagbuntong hininga si Stacy kaya napakunot noo ako.

[Pero PO kase may naghahanap po sainyo] at diniinan pa talaga ang salitang "Po" na ikinairap ko.

"And who is it?" Tanong ko naman.

[Si Matthew] agad ko namang naihinto ang sasakyan ko sa gulat.

"What?!! Bakit nya ako hinahanap?" Gulat na tanong ko at ipinaandar ulit ang sasakyan. Baka mamaya ay magulat nalang ako ng may bumusina sa likod ko.

[Aba malay ko, basta bilisan mo nalang babush!] At pinatay na nya ang tawag.

Agad ko namang binilisan ang pagmamaneho.

Why is he looking for me huh? Ano kaya kailangan non?

Tanong ko sa sarili.

Nang makarating na ako sa hallway namin ay nakita ko ngang nandon si Matthew at kasama pa ang dalawa nitong kaibigan.

Agad namang naramdaman ni Matthew ang presensya ko at agad akong ningitian.

"Good Morning, Zara" saad ni Matthew.

"Good Morning too, Matt" ngingitian ko na sana ito ng biglang may nahagilap ang aking mga mata.

Si Sir Tim!!!

Papunta na sya sa classroom nya which is katabi lang ng classroom namin. Agad ko namang iniwasan sya at binaling nalang ulit kay Matthew ang aking tingin. "So, do you mind if we want to join you later?" Tanong saakin ni Matthew, agad ko namang nagustuhan ang tinanong ni Matthew.

"Sure!" Masayang sabi ko at ningitian siya.

Nang makita kong papalapit na saamin si Sir Tim ay kasabay din ng pagpapaalam saaakin ni Matthew, tinanguan ko lang ito at ningitian.

Nang nasa harapan na ako si Sir Tim ay ningitian ko ito.

"Good morning, Sir Tim" nakangiting sabi ko.

"Good morning" malamig na sagot nito saakin na ikinataka ko.

Bakit kaya ang lamig non? Tanong ko sa sarili.

Inalis ko nalang saaking isipan yon at pumasok na sa classroom namin dahil magti-time na din.


~~~

Thank You For Reading ILYS!!💖💖💖💖💖

Enjoy Reading!!!✨

ᴋᴀsᴜᴍɪ ᴡʀɪᴛᴇs

I Love You, Sir (Professor Series 1)Where stories live. Discover now