24

743 17 0
                                    

Chapter 24

"Oh tara na!" Sabi ni Stacy at hinila kami.

Nasa cafeteria kami ngayon at bumibili ng drinks.

"Anong gusto mong flavor ng milktea mo Zara?" Tanong saakin ni Stacy.

"Uhmm.....I love matcha" sabi ko dito.

"Okay" sabi ni Stacy at umalis na.

Lumingon naman ako sa tabi ko.

"Meredith, okay kalang?" Nag-aalala kong tanong dahil ang tahimik nito.

"Yeah" maikling sagot nito.

"Narinig ko kanina yung usapan nyo....masaya kaba sa marriage nyo?" napalingon naman ito at hindi makasagot.

Magsasalita na sana ito ng dumating si Stacy.

"Hey guys!...here's the food and drinks!" Excited na sabi nito at nilapag na ang mga order namin.

"Ohh thanks, Stacy" ngumiti lang si Stacy saakin at inabala na nito ang sarili sa cellphone.

"Ah btw, Zara na tanong mo na ba kay sir Tim kung sino yung kasama nya na babae?" Tanong ni Stacy saakin. Nangunot naman ang noo ko at naalala nga ang nangyari kahapon.

"We didn't talk yesterday so.....no" sabi ko at kumain ng fries.

"Ah, eh ikaw naman Meredith musta kayo ni sir Montero?" Pang-uusisa pa ni Stacy.

"Okay naman kami" sabi nito at kumain nalang.

Ako naman ang nagtanong sakanya. "Eh kayo?" Tanong ko.

"Okay naman kami hehehe" habang nagtitipa sa cellphone nito. Halatang maganda ang relationship nila ni Steven at masaya sila.

Nagkibit balikat nalang ako at kumain nalang.

Pagkatapos naming kumain ay sabay naming narinig ang speaker.

"Good morning everyone! This is your Sir Timothy Sanchez to say that all of culinary students, need to go to the court about the cooking contest.....thank you!" Umirap nalang ako at tumayo na. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang babaeng kasama nito kahapon.

"Tara na?" Tanong ko.

"Tara" malamig na sabi ni Meredith.

Pagpunta namin sa court ay agad kaming pumila sa section namin.

Agad ko namang namataan si Timothy na kausap ang mga professor namin.

"Uy, Zara tingin ka sa gilid mo oh" sabay siko saakin ni Stacy.

Lumingon naman ako at nagulat nang makita si Stanley, nakangiti ito saakin at kumaway. Kumaway nalang din ako at ibinalik ang tingin sa harap para makinig.

"So, good morning everyone! We are here for the cooking contest and of course this is for pair, so what you gonna do is you will write your name in here" sabay turo sa papel na hawak nito. "at ihuhulog nyo dito sa box, but of course this is for Section A and Section B" sabay turo din sa dalawang box.

"At pagka-nakasulat na ang lahat ay maglalakad kayo ulit dito sa harap para bumunot, depende na kung sino ang mabubunot, is either boy or a girl so magiging swerte kayo kung crush nyo ang makakapartner nyo right?" Sabay tawa nito. Natawa naman ang iba at narinig ang mga tuksuhan.

"Okay, that's enough....let's start!" Agad naman kaming nagsitayuan at hinintay ang turn namin.

"Sino kaya makakapartner ko sana naman mabait or maresponsable para naman maayos ang teamwork noh." Sasagot na sana ako nang marinig na magsalita ulit si ma'am "Btw siguro ay nagtataka kayo kung bakit wala ang lower year dito?...It's because sila ang susunod after nyo, kase pagpinag-sabay sabay namin kayo ay sigurong magkakagulo, okay? Let's continue" napatango naman ako.

Nang malapit na ako ay nakita ko si Timothy na nakatingin saakin, umiwas nalang ako ng tingin at kinausap sila Stacy.

"Stacy ikaw na!" Sabi ng ka-block namin.

"Oo na eto na" sabay yuko para magsulat, natawa naman ako nang makitang nilagyan nya pa ng heart sa gilid.

Parang baliw talaga.

"Ikaw na Meredith"  sabay tapik  ko kay Meredith.

Yumuko naman ito at nagsulat na ng pangalan, pagkatapos nito ay pumunta na ito sa likod at sya naman ang sunod.

Nilagay ko lang ang buong pangalan ko at pumunta na sa likod, na hindi manlang tinignan pabalik ang kasintahan ko na nakatitig saakin. Manigas siya diyan!

After naming matapos lahat ay nagsalita ulit si ma'am. "Students, pagkabunot nyo ay sasabihin namin ang mga names para magkita kayo at mapagusapan ang lulutuin nyo" nag-opo naman ang iba at nagsihiyawan pa ang mga ito.

Ng ako na ang bubunot ay nilingon ko ang gilid ko, nakita ko naman si Timothy na nakangiti saakin. Umiwas ako ng tingin at bumunot. Napakunot naman ang noo ko nang makita kung sino ang nabunot ko.

𝘑𝘰𝘳𝘥𝘢𝘯 𝘚𝘵𝘢𝘯𝘭𝘦𝘺 𝘚𝘢𝘯𝘵𝘪𝘢𝘨𝘰

Nakita ko naman na kinuha ni ma'am ang papel at sinabi ang pangalan nito.

Nakita ko naman na napalingon si Stanley at lumapit sa direksyon ko.

"Stanley, ito ang partner mo hah" sabi ni maam, tumango naman si Stanley at lumapit saakin.

Nagsalita naman si ma'am.

"Pagkanabanggit na ang name ay hindi na pwedeng bumunot huh!....okay continue!" Sabi ulit ni ma'am.

Lumingon naman ako kay Stanley ng tapikin ako nito. "Hi" maikling sabi nito.

"Tara don tayo" sabay turo ko sa bench sa may ilalim ng puno.

"Okay" maikling sabi nito at nauna na. Maglalakad na sana ako ng may humawak sa braso ko.

Lumingon naman ako at nakitang si Timothy iyon. 

"What's wrong?" Bulong nito saakin. Dahil baka marinig kami ng iba. Umiling naman ako at tinanggal ang hawak nito saakin.

"I'm fine" sabi ko at pumunta na kay Stanley.

Pagkaupo ko ay hindi ko muna ito kinausap at nagisip-isip muna ako.

Am I ready to talk to him?.....what if he will not tell me?...I don't want to talk about that girl.....what if he will think that I'm a type of a jealous girlfriend and he will break up with m-

napatigil naman ako sa pakikipagtalo sa sarili  ko ng magsalita ang katabi ko.

"So, what's our plan?" Agad ko namang nilingin ito. "What kind of food that we will cook?" tanong ko dito.

"Well, ma'am said we will have a 3 rounds and each of that round, that is Appetizer, Main Course and of course the dessert." Sabi nito saakin. Napatango naman ako.

Magsasalita na sana ako nang magsalita ulit ito.

"Btw....your place or mine?"




~~~

❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎❤︎

Thank you for reading I Love You, Sir!

Kindly vote and comment!


ᴋᴀsᴜᴍɪ ᴡʀɪᴛᴇs

I Love You, Sir (Professor Series 1)Where stories live. Discover now