33

619 19 0
                                    

Chapter 33

"Hayss" sabi ko at bumuntong hininga.

"Nakakastress noh Zara? Finals nanaman hays" sabi din ni Stacy na ngayon ay pinoproblema na ang project nya sa isang subject.

"Buti pako tapos na" mahanging sabi ni Meredith at ngumisi saamin. Inirapan ko naman sya at hinampas.

"Pano naman kase may asawa syang prof" sabi ko naman na ikinawala ng ngisi nya.

"Hoy excuse me! Ginawa ko toh kagabi noh!" Singhal nya sabay turo sa project nya. Cooking book iyon na diy.

Hindi ko nalang sya pinansin at nagdikit nalang ng pictures sa cooking book ko.

Pagkatapos ng ilang oras ay nagring ang bell hudyat na lunch time na.

Napatakip nalang ako ng tenga ko ng biglang nagsigawan ang mga classmate ko. 

"Finally tapos na!" Sigaw nila sabay taas ng mga cooking book nila.

Napailing nalang ako at pinasok sa bag ang cooking book ko. "Tara na Stacy, Zara" yaya saamin ni Meredith.

Inayos naman kaagad ni Stacy ang cooking book nya at nilagay sa bag nya sabay bitbit non. "Let's go Girls!" Sabi ko naman at ngumisi.

Papalabas na sana ako ng may tumawag saakin, nilingon ko ito at nakitang si Jasmin toh habang nakangiti saakin. Tumingin naman ako kay Stacy at Meredith, tumango lang sila.

"Sige na mauna na kami" sabi ni Stacy kaya tumango nalang ako at lumabas na din.

Paglabas namin ay hinarap ko sya at ningitian.

"Bakit Jasmin?" Tanong ko sakanya.

Nahihiya naman itong ngumiti saakin.

"Uhmm, sabi kasi ng tita ko kung napagisipan mo naba daw ang pagpasok sa modelling?" Nanlaki naman ang mata ko at napatampal sa noo.

"Oh shit sorry I almost forgot" sabi ko at nag aalangang ngumiti sakanya. Ngumiti naman sya at tumango.

"Okay lang yun, naging busy din naman kasi tayo sa cooking contest at finals na din"

Napatango naman ako at nagisip "Okay, after finals itrtry ko" sabi ko at ngumiti sakanya. Nanlaki naman ang mata nya.  "Are you sure?!!" Tuwang tuwang sabi nito.

"Of course!" Sabi ko at tumawa.

"Okay sasabihin ko kaagad kay tita toh, for sure she will be happy to see you there" sabi nito at tumalikod na.

Napangiti naman ako at pumunta sa cafeteria.

Pagpasok ko doon ay nakita ko ang mga estudyante na nagkukungpulan sa gilid. Napataas naman ako ng kilay at pumunta doon, lalo naman akong napataas ng kilay nang makita na si Timothy pala at si ma'am Vierra ang pinagkukumpulan nila doon.

"Ma'am kayo na po ba?" Pang-uusisa ng isa, ngumiti naman si ma'am ng matamis dito at lumingkis kay Timothy na ikinataas ng kilay ko.

"Hmmm I don't know you should ask Tim" sabi ni ma'am Vierra at isinandal ang ulo sa balikat ni Timothy. Nandidiring inalis naman iyon ni Tumothy pagkatapos ay tumayo ito kaya naman napasinghap si ma'am at ngumuso.

Aalis na sana ito ng makita nya ako, halatang natigilan ito at nakita ko sa mga nito na natatakot ito.

"W-why are you here, Ms. S-santos?" Napataas naman ako ng kilay dito dahil nauutal pa toh.

Umirap nalang ako at pumunta kila Stacy, narinig ko pa itong tinawag ako pero umirap nalang ako.

"Eto talagang si ma'am Vierra, hays ewan ko ba" sabi ni Stacy habang nakatingin sa likod ko.

Hindi ko nalang ito pinansin at kumagat sa pizza ni Meredith.

"Hoy saakin yan!" Sabi nito at inagaw ang pizza nya na hawak ko.

"May jowa na nga, lumalandi pa" bulong ko at umirap sa hangin.

"Ano sabi mo, Zara?" Nakakunoot noo na tanong ni Stacy, umiling nalang ako at umayos ng upo.

"Btw may sasabihin pala ako" sabi ko sa dalawa. Tumingin naman sila saakin.

"I will try modelling" sabi ko na ikinalaki ng mga mata nila.

"Oh gosh, totoo ba yan!!" Tili ni Stacy kaya napalingon ang ibang estudyante saamin.

"Hoy ang ingay mo Stacy" saway sakanya ni Meredith.

"Of course, muntikan ko pa ngang makalimutan eh" sabi ko at sumipsip sa juice ni Stacy.

"Kailan ka magsisimula?" Tanong naman ni Meredith. "After finals" sabi ko at kumagat sa burger ni Stacy.

"Ano ba Zara! Pagkain ko yan eh" saway saakin ni Stacy at kinuha ang pagkain nya.

Umirap nalang ako at ngumuso, nagulat naman ako ng may biglang tray na inilagay sa tapat ko. May laman itong burger at lemon juice.

Napalingon naman ako sa lalaking nasa gilid ko. Ganun nalang ang panlalaki ng mata ko ng makitang si Timothy ito habang walang emosyong nakatingin saakin.

Umirap nalang ako at hindi sya pinansin at iniwas ang tray. Inayos uli ito ni Timothy na ikinasinghap ko.

"Eat that or I'll feed you" sabi nito na ikinatawa ng dalawa kong kaibigan.

"Buti nalang dumating ka SIR! Si Zara kasi inaagaw ang pagkain namin" sabi ni Stacy na talaga idiniin ang 'sir'

Umirap nalang ako at kumagat sa burger.

"After you eat, go to my office" mahinang ani nito at umalis na.

~~~

2/22/22💖

Kindly vote and comment!



ᴋᴀsᴜᴍɪ ᴡʀɪᴛᴇs

I Love You, Sir (Professor Series 1)Where stories live. Discover now