38

564 20 0
                                    

Chapter 38

𝘐'𝘮 𝘱𝘳𝘦𝘨𝘯𝘢𝘯𝘵 𝘢𝘵 𝘴𝘪 𝘛𝘪𝘮𝘰𝘵𝘩𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘢

𝘐'𝘮 𝘱𝘳𝘦𝘨𝘯𝘢𝘯𝘵 𝘢𝘵 𝘴𝘪 𝘛𝘪𝘮𝘰𝘵𝘩𝘺 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘢

𝘐'𝘮 𝘱𝘳𝘦𝘨𝘯𝘢𝘯𝘵 𝘢𝘵 𝘴𝘪 𝘛𝘪𝘮𝘰𝘵𝘩 𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘮𝘢

"Fuck stop it!" Napahilamos nalang ako sa mukha ko at tinuloy ang pag-iyak ko. Nandito ako sa likod ng school at umiiyak.

Pagkalabas na pagkalabas ko sa office ni ma'am Vierra ay dito ako pumunta. Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako pupunta at hinayaan nalang ang mga paa ko ang magdala dito saakin.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako kay ma'am Vierra o hindi, pero isang linggo na daw syang buntis at dalawang linggo na ang nakakalipas nang mangyari iyon.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko at gagawin kaya umiyak nalang ako nang umiyak.

"Zara?" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Stacy. Ningitian ako nito ng tipid at lumapit saakin.

Umiwas ako ng tingin sakanya at yumuko.

"I know that you're not okay.....just cry and let it out" sabi nito. Hindi ko sya nilingon at umiyak nalang doon.

Naramdaman ko namang niyakap nya ako kaya lalo akong napahagulgol.

"Fuck! Why......just why?!....am I not enough?" Umiiyak kong tanong.

Nakita ko naman sa gilid ko na umiling si Stacy ngumit hindi sumagot.

She knows how I feel right now, because she have been through this.

"No, you're enough okay? Let it out" sabi nito habang hinihimas ang likod ko.

"Kanina ko pa kayo hinahanap-" napatigil sa paghihimas ng likod ko si Stacy ng marinig namin na nagsalita si Meredith.

"Zara" nag-aalalang tawag nito saakin at tumakbo papunta saakin.

She can be cold, serious sometimes but she's the one who is willing to sacrifice her life for her love ones.

"I'm fine" mahinang sabi ko at tumigil na sa pag-iyak.

"What happened?" Tanong ni Stacy. Nilingon ko naman ito at ningitian.

"Ma'am Vierra i-is p-pregnant" I said and starting to cry again.

Nanlalaking mata naman na tumingin saakin si Stacy at Meredith.

"Omyghad why.....shit I can't believe her!" Singhal ni Stacy at tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko.

Nilingon naman ako dito at nagulat ako sa talim ng mga mata nito. "Pupuntahan ko yung si sir Timothy at sasapakin ko. Gago sya!" Sabi nito kaya naman napatayo ako at pinigilan sya.

"Stop that, it will get worse if you do that" malamig kong sabi.

Sa aming tatlo ay sya ang pinakamaingay at masayahin pero pagnagalit ito ay nanununtok talaga sya.

Kaya nga nasuntok din nya si steven non nung nakita nyang niloloko sya nito.

Tumayo na din si Meredith at pinigilan si Stacy. "Tama si Zara Stacy, kumalma ka muna"

hindi naman makapaniwalang tinignan ni Stacy si Meredith.

"Paano ako kakalma Meredith?! Sinaktan nya ang kaibigan natin at bumuntis pa!" Galit na sabi nito at inalis ang mga hawak namin.

I Love You, Sir (Professor Series 1)Where stories live. Discover now