31

651 22 0
                                    

Chapter 31

"This is it!" Sabi ni Stacy, halata talagang excited sya para sa cooking contest na toh.

"Kinakabahan kaba Zara?" Tanong saakin ni Meredith.

Tumawa naman ako at tinignan sya ng mapang-asar na tingin.

"Baka ikaw pa ang kabahan dyan, Meredith" napatigil naman sya at napatingin kay Liam na kausap ang mga kaibigan nito.

Napatawa ulit ako at sinabunutan sya. "Hey, may asawa kana ah" bulong ko sakanya. Umirap naman ito saakin at hinampas ako.

"Yah, I know at tsaka move on naman na ako dyan kay Liam eh." Sabi nito.

"Okay, sabi mo eh" sabi naman ni Stacy.

"Good morning students and professor's we will start in 15 minutes, so please go to your partners, students" sabi ng host na si ma'am Lara.

Napalingon naman ako kay Stanley na tinapik sya.

"Let's go?" Walang emosyon na tanong nito. Tumango naman ako dito at nilingon ang mga kaibigan na kasama na din ang mga partners nito.

"Bye Stacy, Meredith!" Sabi ko sakanila at tumalikod na.

Lumakad na kami papunta sa pwesto namin at nagsuot ng apron at hairnet. Tumunog naman ang cellphone ko na hudyat na may nagtext saakin.

𝘔𝘳. 𝘔𝘢𝘴𝘶𝘯𝘨𝘪𝘵

𝘎𝘰𝘰𝘥𝘭𝘶𝘤𝘬 𝘵𝘰 𝘺𝘰𝘶𝘳 𝘤𝘰𝘯𝘵𝘦𝘴𝘵, 𝘐'𝘭𝘭 𝘣𝘦 𝘸𝘢𝘵𝘤𝘩𝘪𝘯𝘨 𝘺𝘰𝘶.

Napalingon naman ako sa paligid ko at hindi ko naman makita si Timothy.

"Hey, are you alright?" Napalingon naman ako kay Stanley ng tawagin sya nito. Umiling naman ako at ngumiti ng tipid.

"Yes, I'm fine"

Makalipas ang 15 minutes ay nakita ko naman umakyat ulit ang host sa stage.

"Good morning everyone! Welcome to the cooking contest. I'm your host for today Ma'am Clara. This contest is for charity, we will give the food for the street kids. So, I hope that you will cook some delicious 3course meals for them." Sabay-sabay naman kaming nag sabi ng 'Yes Ma'am' sakanya.

"For our 1st course, you and your partner will cook appetizers, of course we will have a time limit students. The time limit will be 30 minutes" nagulat naman ang ibang istudyante lalo na ang mga 1st year.

"Yeah you heard that right, after you cooked your 1st course, the judges will pick 6 pairs of student that they will judge, 3pairs from 1st year and 3pairs from the graduating students. So let's begin!"

Nagready naman ang mga students at hinihintay nalang ang bilang ng host na hudyat na magsisimula na. "In the count of 3.....2........1.....Go!"

Agad naman kaming kumilos ni Stanley, madali lang naman ang lulutuin namin for appetizer.

Si Stanley ang nagchop ng tomatoes ako naman sa basil. Pagkatapos ichop at idiced yung ibang ingredients ay kinuha ko naman ang sourdough bread at hiniwa iyon.

"Last 10 minutes!" Sabi ni ma'am Clara.

Si Stanley naman ang nagassemble ng bruschetta, habang ako ay seryosong inaayos ang mga magiging lalagyan non.

"Times up students! Hands on your head!" Sabi ni ma'am at tumawa.

Napatingin naman ako kay Stanley na nasa akin pala ang tingin. Napangiti naman ako at nagood job sakanya.

"Okay students, the judges will pick 6pairs of students. But before that I will introduced our judges first. The first one is our dean Mrs. Lyana Montenegro." Hinanap ko naman si Meredith dahil naalala ko nga pala na ang dean namin ay ang tita ni Sir Jake.

Nakita ko naman syang nakalingon sa harap at nakikinig. "For the second judged ay Si Sir Jake Montenegro from Architecture course professor!" Napalingon naman ako ulit kay Meredith.

Ang itsura naman nya ngayon ay gulat na gulat na nakatingin kay Sir jake. "For the third one is Ma'am Vierra Cortez from Mech. Engineering Course." Napakunot naman ako ng noo ng umupo ito sa tabi ni Sir Jake at ngumiti pa ito ng matamis sakanya.

Nanlaki naman ang mata ko sa sunod na sinabi ni ma'am clara. "And of course the last but not the least......Sir Timothy Sanchez our handsome culinary arts professor!" Nagsitili naman ang mga audience na hindi culinary students.

Gulat naman akong napatingin sa stage. Mas lalo pa akong nagulat ng makitang nakatitig saakin ito ng walang emosyon na itsura.

Siya naman ang unang umiwas at umupo sa kanan ni Ma'am Vierra. Napataas naman ako ng kilay doon at umiwas nalang ng tingin.

"So, students that's our judges for this contest!" Nagpalakpakan naman ang mga audience at nagsihiyawan lalo na ang mga boys. Napairap naman si Ma'am Clara at napatawa nalang.

"Okay judges! It's time for you to pick 3 pairs from the 1st year students!" Sabi ni ma'am Clara at umalis sa stage.

Nasa harap naman namin ang mga judges na nakaupo sa upuan at nasa harap nito ang pa-rectangle na lamesa.

Tumaas naman ulit si Ma'am Clara pagkatapos nyang kausapin ang judges.

"Okay students! The judges finished to pick 3pairs of students from the 1st year......Let's call the 1st pair.....Number 8 from the 1st year please bring your dish here on the front." Lumakad naman ang pair at pumunta sa harapan sa mga judges, nilapag naman nila ang dish nila.

Agad naman iyong tinikman ng ibang judges at ang dean at si ma'am Vierra ay napatango-tango, habang ang dalawa namang lalaki ay walang emosyon habang ngumunguya.

"Okay next pair! Number 12! Please bring your dish in the front!"

Hanggang sa matapos na ang 1st year ay ang sunod naman na tatawagin ang mga napiling 3pairs from us.

"The judges had finally decided for their 3pairs from the graduating students......Number 4 please bring your dish here!" Nagulat naman ako dahil sila Meredith iyon.

Nakita ko naman si Meredith at si Liam na walang emosyon na pumunta sa harap ng mga judges at nilapag ang dish nila. Hindi ko naman makita ang emosyon ngayon ni Meredith dahil nakatalikod ito. Ang nakita ko lamang ay ang mukha ni sir Jake na masama ang tingin kay Liam na nakatitig lamang kay Meredith.

"Okay for the 2nd pair.....Number 13 please bring your dish in the front." Nakita ko naman si Stacy at ang baklang classmate ni Stanley. Parehas silang nakangiti at tila nag-aasaran pa.

"And for the last pair.....number 11 please bring your dish in front!" Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Stanley at sabay na napangiti. Si Stanley ang nagdala ng dish namin, sabay naman kaming naglakad papunta sa harap.

Narinig ko pa ang mga tilian ng ibang studyante. Naglakad lang kami hanggang sa napunta sa harapan, kinakabahan naman akong napatingin sa mga judges lalo na kay Sir-este Timothy.

Sumubo si Timothy at pati na din ang tatlong judges. Pagkatapos nilang ngumuya ay nakita naming dalawa ni Stanley kung paanong nasarapan ang dean at si maam Vierra. Pero ganun pa din ang mukha ni sir Jake, wala pa ding emosyon.

Habang si sir Timothy naman ay napatingin saakin, kahit na ang mukha nya ay walang emosyon. Nagsalita naman ito ng walang boses.

"You did a good job babe" He mouthed and smiled a little.


~~~

A/N: So what are your thoughts about my story?

Don't forget to vote and comment!



ᴋᴀsᴜᴍɪ ᴡʀɪᴛᴇs

I Love You, Sir (Professor Series 1)Where stories live. Discover now