35

655 21 0
                                    

Chapter 35

Nagising ako sa pamilyar na kwarto. Pagkamulat ko palang ng mata ko ay napa-aray kaagad ako dahil sobrang sakit ng ulo ko.

"You're awake" napalingon naman ako sa nagsalita at nakitang si Timothy yun.

Napahawak nalang ako sa ulo ko dahil kumikirot pa din ito. "What happened?" Tanong ko sakanya.

Lumapit naman ito saakin at umupo sa tabi ko. "You're drunk with your friends" sabi nito na ikinatango ko.

Agad naman akong napabalikwas ng maalala si Stacy. Tumayo ako at palabas na sana ng kwarto ng may humawak sa kamay ko. "Where do you think your going?" Malamig na tanong ni Timothy.

"Si Stacy.....kasama nya si Steven baka anong gawin nya don" napatanga naman ako ng makitang umirap to saakin at hinila ako.

"Don't worry about her" sabi nito.

"Paano ako hindi mag-aalala eh kasama nya si Steven alam mo namang break na sila dahil sa manloloko mong kaibigan" sabi ko at kinalas ang hawak nya saakin.

"Magsshower lang ako." Sabi ko at pumasok na sa banyo.




"Are you okay Stacy?" Tanong ko kay Stacy na nakatulala lang sa harap.

We"re here at school.

"Ikaw ba Meredith okay kalang ba?" Nag-alala kong tanong sakanya. Nakaturtle neck din sya na ikinapagtataka ko dahil mainit ngayon.

Tinapik ko silang parehas na agad naman ikinalingon nila. "Bakit?" Tanong nilang dalawa.

"Nakatulala kasi kayong dalawa, may problema ba?" Tanong ko ulit.

Umiling naman sila at inayos na ang mga gamit nila. Uwian na din kasi.

Bago kami lumabas ay tinawag ko muna si Jasmin para sumama saamin sa cafe, dahil sya kasi ang makakasama ko sa mga training para sa modelling.

Pumayag din sila mom at dad, lalo na si mommy.

"Tara na Jas sa cafe tayo nila Stacy" sabi ko at hinila na sya. Ngumiti naman sya at sumama saamin.

"So, kailan ba magsisimula yung training?" Curious kung tanong.

"Well ibibigay ko muna yung calling card ni Tita sayo tapos ay tawagan mo nalang sya" sabi nito na ikinatango ko.

"Btw ano bang name ng agency nya?" Tanong ko ulit. Tumingin naman sya saakin habang umiinom ng frappe "Ruby's Angels" sabi nito na ikinatango ko ulit.

"Ito oh yung calling card ni Tita" sabay abot ng isang calling card.

"So, that's why Ruby. Ruby kasi name ng Tita mo" natatawa kong sabi na ikinatawa nya din.

"Zara, pwede ba ako makitulog sainyo?" Tanong ni Meredith na ikinakunot ko ng noo. "Why?" Nagtataka kong tanong.

Ngumiti naman ito "Wala lang namimiss kolang yung mga sleepover natin noong highschool" sabi nito na ikinangiti ko.

Tuwang tuwa naman na itinaas ni Stacy ang kamay nya sabay turo pa sa sarili nya. "Ako din! Ako din!" Sabi nito na ikinatawa namin.

"Okay fine, gusto mo din ba sumama Jas?" Tanong ko kay Jasmin. Ngumiti naman ito at tumango.

"Of course!" Sabi nito at nag apir apir pa silang tatlo.

"Okay, punta nalang kayo sa house ah! Kayo na ang bahala kung anong oras but 9pm para mas maganda" sabi ko at tumayo na.

"Sige mauna nako ah!" Sabi ko at lumabas na ng cafe.

I Love You, Sir (Professor Series 1)Where stories live. Discover now