36

622 19 0
                                    

Chapter 36

"He's my cousin" sabi ni Jasmin na ikinagulat namin, lalo na ni Meredith.

Nang makabawi si Meredith ay tumango sya at uminom sa juice nya.

"Bakit?" Tanong ni Jasmin habang nakataas ang kilay. Tumingin naman sakanya si Meredith at umiling.

"Ah okay, mommy nya si Tita Ruby, Zara" sabi nito na ikinatango ko.

After namin kumain ay bumalik kaagad kami sa classroom.

Pagpasok namin ay nandon na pala si Timothy. Siya kasi ang prof namin ngayon.

Pagkaupo namin, tumayo na si Timothy at bumati. "Good afternoon class" sabi nito habang walang emosyon ang mukha.

Hindi manlang ako tinignan na isinawalang bahala ko nalang. "Good afternoon, Sir!" Sabay sabay na bati namin.

"You may seat" sabi ni sir Timothy kaya umupo kami.

Habang nagtuturo sya ay nakatingin lang ako sakanya, hindi nya ako napapansin dahil seryoso siyang nagtuturo at nagsusulat sa whiteboard.

Kalalaking tao pero ang ganda ng sulat

Sabi ko sa isipan ko at ngumuso.

Napatingin naman sya sa gawi ko kaya napaupo ako ng maayos, nakita ko naman na ngumisi sya. Oh baka naman guni-guni ko lang yun.

"Okay class goodbye, remember you're graduating students so please act like one" sabi nito at lumabas na.

Nagkibit balikat nalang ako ng hindi nya man lang ako pinansin.

Nag-aayos na kami ng gamit dahil last subject na namin sya.

"Uy mauna nako ah, tawag kasi ako ni kuya sige......bye" paalam saamin ni Jasmin at lumabas na din.

"Ako din mauna nako, may dinner kasi kami" paalam naman ni Stacy, tumango nalang kami ni Meredith at sabay-sabay na lumabas ng room.

Naramdaman ko naman na nagvibrate ang phone ko kaya tinignan ko.

𝖡𝖺𝖻𝖾

𝘐'𝘮 𝘴𝘵𝘢𝘺𝘪𝘯𝘨 𝘩𝘦𝘳𝘦 𝘣𝘦𝘤𝘢𝘶𝘴𝘦 𝘐 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘴𝘰 𝘮𝘢𝘯𝘺 𝘸𝘰𝘳𝘬𝘴 𝘵𝘰 𝘥𝘰. 𝘎𝘰 𝘩𝘰𝘮𝘦 𝘴𝘢𝘧𝘦𝘭𝘺. 𝘐 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶.

Sabi nito na ikinangiti ko.

𝖠𝗄𝗈

𝘖𝘬𝘢𝘺. 𝘐 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘵𝘰𝘰.

Reply ko at umuwi na sa bahay.

Pagdating ko doon ay nandon pala sila Tita, Tito pati na din sila Lolo at Lola na masayang nagkkwentuhan kasama sila Mommy.

"Oh! Zara anak andito ka na pala!" Masayang bati ni Mommy saakin. Kaya naman napalingon ang lahat saakin pati ang mga pinsan ko na nakaupo sa sofa.

"Hello po goodevening! Aww I miss ya'll!!" Masayang sambit ko at tumakbo para makalapit kila Lolo at Lola.

Pagkalapit ko ay agad ko silang niyakap, minsan lang kasi sila umuwi dito dahil nakatira sila sa new york.

"Lola, I'm glad that you come here" sabi ko na ikinatawa nila.

"Of course, apo minsan na nga lang kami umuwi dito" sabi ni Lola.

"Tama ang Lola mo apo, namiss ka din kasi ng mga pinsan mo lalo na yang si Claire." Sabi ni Lolo kaya napalingon ako kay Claire. Magkasing edad lang kami kaya talagang magkavibes kami.

I Love You, Sir (Professor Series 1)Where stories live. Discover now