Chapter 1

1.1K 25 2
                                    

Orange and Black

"Just make bawi sa next quiz."

I turned to Niah when I heard her. Pinangunutan ko siya ng noo. I don't know what she's talking about. 

"Ha?" pagtataka ko. She suddenly said na bumawi ako sa susunod na quiz. 

"Kanina ka pa kasi tulala," paglilinaw niya. 

Namilog ang bibig ko bago ako tumango-tangong sinarado iyon. "Hindi naman 'yong bagsak kong quiz ang iniisip ko," I replied.

After ng duty namin ay nagkaroon kami ng quiz. Sa sobrang lutang ko kanina ay bumagsak ako. Hindi ako nakapag-isip ng maayos! Paano ay panay singit sa utak ko 'yong gwapo kanina. Argh!

Ayan, Tali! Harot pa! Kaya ka bumabagsak! Bwisit. 

She frowned.  "Are you thinking about the guy a while ago?" tanong niya. 

I pouted before nodding at her. Hindi ko na tinago pa sa kaniya ang totoo. 

"Hindi ko lang matanggap kung bakit kanina ko lang siya nakita!" himaktol ko. 

"Is he really gwapo? Baka kamukha lang ng mga exes mo ah..." she arched a brow.

Hindi ko alam kung ma-ooffend ako sa sinabi niya o ano. Is she saying na pangit ang taste ko sa mga lalaki?

Sumimangot ako. "Gwapo nga! Sobra."

She smirked. "Mukha nga. You're crazy over him already."

Inirapan ko siya. "Crazy agad?"

"Crazy's your personality, babe," she winked at me. Natawa ako dahil totoo naman. Aminado naman ako!

Tumayo kami mula sa inuupuan namin noong nagsitayuan ang mga groupmates namin. Bumaba kami ng bus at nagpaalam sa isa't-isa. Naiwan si Niah kasama ko. 

"Hindi ka pa uuwi?" tanong ko sa kaniya.

"I don't want to go home yet. Can I stay in your dorm?" tanong niya. 

"Sige," pagpayag ko. Ngumiti siya at isinukbit ang kamay sa braso ko. Naglakad kami patungo sa dorm ko at nadatnan doon si Brielle.

"Hi, Brie!" bati ni Niah sa kaniya. Nilapitan niya ito at bumeso.

They became friends, too, dahil madalas mag-stay si Niah sa dorm namin. 

"You're here..." si Brielle.

"Obviously," umirap si Niah bago umupo sa lapag. She knows na ayaw kong may humihiga sa kama ko nang hindi pa nakakaligo at nagpapalit ng damit, maski ako pa. Hindi ako humihiga o umuupo sa kama ko kapag hindi pa nakakaligo lalo na kapag galing sa duty. I could imagine all the microorganisms on my clothes and skin. Kasalanan 'to ng Micro Para! 

"Kayo muna diyan, ligo muna ako," I said. 

Dinala ko ang tuwalya ko sa loob ng banyo at nagsimulang maligo. Pagkatapos ay binalot ko ng tuwalya ang katawan ko. Paglabas ko ay nadatnan ko silang nagkukwentuhan. Niah was telling Brie about her brother. 

"Parang hindi mo naman kilala ang kuya mo. He's so protective of you. Bakit kasi hindi ka nag-iingat? Galingan mo kayang magtago," payo ni Brielle.

Napailing na lang ako habang humahanap ng komportableng damit sa cabinet. Noong makahanap ay nagbihis ako bago umupo sa kama ko.

"I don't know how he found out! Nag-iingat naman ako pero damn! Feeling ko tuloy he hired a stalker to know my whereabouts!"

"That's not impossible," komento ko. Parang kaya talagang gawin ng kuya niya 'yon. They're rich pa kaya may pera ang kuya niya para mag-hire. 

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now