Chapter 5

644 19 3
                                    

Deceit

His message almost killed me. Muntik kong ikamatay sa kilig. I told him yesterday na mag-reply siya. Simula noong nag-reply kagabi at hanggang ngayon, pinagsisisihan ko na sinabi ko 'yon. Because of that one 'good night' chat from him, hindi ako nakatulog. Or maybe I did pero oras lang, palagi pa akong nagigising. Dahil din doon, itim na itim ang ilalim ng mga mata ko. Dinaig pa ang eyebags ko kapag puyat sa pag-rereview. 

Maaga akong nagising kahit hindi naman talaga ako nakatulog. Dahil sure akong hindi na rin naman ako makakatulog pa, nagpasya na lang ako na mag-almusal sa labas. Kahit paminsan-minsan lang, gusto kong makapag-almusal ng matinong pagkain. Nakakasawa na rin ang cup noodles at tinapay.

Bumangon ako at naghilamos. Pagkatapos ay lumabas ako dala ang wallet ko. Hindi ko na dinala ang cellphone ko para ma-enjoy ko naman ang paglalakad. Nagtungo ako sa mamihan sa tapat ng university. Masarap ang mami at kung maaga lang talaga akong nagigising araw-araw ay baka iyon ang almusal ko palagi. 

"Magandang Umaga!" bati sa akin ng server pagpasok ko.

"Good Morning po," I greeted back. "Isang order po ng mami."

"Dito mo ba kakainin?" she asked. 

Umiling ako. "Takeout po."

"O sige, ihahanda ko lang."

I nodded at her and looked away. Habang hinihintay, pinanood ko ang mga customers. Sunod ay ang mga dumadaang sasakyan sa labas. 

"Heto, hija." Pumihit ako paharap sa server saka inabot ang bayad ko. "Salamat."

"Thank you rin po," ngumiti ako at tinanggap 'yong supot ng binili ko. Hinintay kong ibigay ng server ang sukli ko bago lumabas ng mamihan. 

Paglabas ay sinalubong ako ng malakas na hangin. My hair danced with the breeze. Binaba ko muna ang supot at tinali ang buhok ko bago nagpatuloy sa paglalakad. 

I took my time sa paglalakad pauwi. Tuwing nasa ganitong sitwasyon, palaging napupuno ng katanungan ang utak ko. Sa ganitong sitwasyon din ako madalas dalawin ng mga kaisipan na pilit kong iniiwasan. But now, my mind is blank. I'm also, surprisingly, at peace.

Hindi ko alam kung dahil ba sa taimtim na kapaligiran o dahil nagsawa na lang talaga akong magisip-isip ng kung ano. Wala naman kasing nangyayari. Nalulungkot lang ako kapag iniisip ko lahat ng issues ko sa buhay. Hindi naman nagigiging maayos ang relasyon namin ni daddy kapag iniisip ko. Mas lalo ko lamang napapatunayan sa sarili ko na tama siya. 

Kapag inaalala ko lahat, I can't help but question my worth, too. I couldn't help but think na maybe the people I love don't find me worthy kaya ayaw nila sa akin. Nevertheless, I'm good with this. I prefer having a blank mind rather than drowning myself with negative thoughts and questions.

Pagdating sa dorm, wala na akong sinayang na oras at kinain na ang biniling almusal. Nabitin pa nga ako dahil masyado ko yatang na-miss 'yong mami nila at hindi sapat 'yong binili ko. After washing the bowl I used, I sent Vixen a message on Messenger.

Me:

Good Morning! 

Binaba ko sa kama ang cellphone at naglinis ng dorm. Minsan lang kasi kami makapaglinis ni Brielle dahil pareho kaming busy sa pag-aaral. 

Sinimulan ko ang paglilinis sa pagwawalis. Sunod ay nag-mop ako ng sahig at inayos ang study table ko. Tinapon ko 'yong mga hindi na kailangan. Karamihan sa mga tinapon ko ay mga walang laman na highlighters kaya I decided na umalis mamayang hapon para bumili ng bago. Hirap pa naman akong mag-review kapag hindi nag-hihighlight. Parang wala akong natututunan kapag wala akong nakikitang kulay sa reviewer ko. 

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now