Chapter 17

822 28 11
                                    

Like

I have no idea if I have ever been really in love. I had two ex-boyfriends, but I think what I felt for them wasn't love. It was too shallow for love. It was something that's not worth fighting for. It was brief, like a flash of thunder—sudden and rapid, as if it were in a hurry. It was temporary and limited in time. It was good initially that I had mistaken it for love, only to find out it wasn't. It was the same feeling you get when winning, when finally buying what you've been eyeing for a while, and when finally eating what you've been craving. 

Looking back, I finally know I was mistaken. I know what love feels like. Or maybe it was just what I thought?

The love I know is familial and of that kind felt for friends. Familial, it's deep and enduring, even though sometimes, it comes with pain. Siguro, ganoon din ang pagmamahal na nararamdaman para sa kasalungat na kasarian o sa kapareha. Malalim at mananatili kahit masakit na. Although for me, that's toxic. It shouldn't stay the same if it's already hurting you. Pero sino ba ako para sabihin 'yon? Hindi naman kayang diktahan ang nararamdaman. Hindi kayang kontrolin, patigilin, o patindihin.

Pagdating ko sa dorm, naligo ako at nagpatuyo ng buhok bago umidlip. Hindi muna ako tumawag kay Vixen dahil baka kasama pa rin niya ang mommy niya at kapatid. I want to give him time with them. I want him to spend it with them dahil mukhang hindi naman nila 'yon palaging nagagawa.

Alas sais na ng gabi noong gumising ako. Naabutan ko si Brielle na tulog sa kama niya. Bumangon ako at lumabas dala ang cellphone ko para hindi ko magising si Brielle. Then, I dialed Vixen's number.

Akala ko ay hindi niya sasagutin dahil matagal itong nagri-ring lang pero kalaunan ay tumigil ito sa pagri-ring, palatandaan na sa wakas ay sinagot niya na ang tawag. Ang kaso hindi naman siya nagsasalita. 

"Hi," panimula ko. 

Hindi siya sumagot. I even checked the phone screen if he's really on the other line. I saw that the call is ongoing and he's just not responding.

"Saan ka?" tanong ko.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga. Humigpit ang hawak ko sa cellphone. 

"Condo," sa wakas ay nagsalita na siya. 

Yumuko ako at tiningnan ang suot kong pambahay na tsinelas. 

Akala ko ay uuwi siya sa bahay nila kasama ang mama niya at kapatid. Sa condo niya pala siya dumiretso. 

"Hindi ka na busy ngayon?"

"Yeah."

Ang tipid na naman!

"Usap tayo?" I bit my lower lip afterward. Kinakabahan ako dahil baka tumanggi siya. 

"I'll pick you up," ang huling narinig ko bago naputol ang linya.

Natulala pa ako ng ilang sandali bago pumasok ulit. 

Balak kong sa cellphone na kami mag-usap pero mukhang mas gusto niya na sa personal. 

Nagpalit kaagad ako ng damit. Mula sa suot kong maluwag na t-shirt na may butas pa, nagsuot naman ako ng itim na sleeveless crop top. Dahil disente naman ang suot kong gray jogging pants, hindi ko na pinalitan pa.

Lumapit ako sa salamin at sinuklay ang buhok ko. Nag-spray na rin ako ng pabango at hinintay na dumating si Vixen.

Wallet at cellphone lang ang dala ko noong bumaba ako. Sigurado naman ako na hindi naman kami lalayo dahil mag-uusap lang naman.

Paglabas ko, naabutan ko siyang naghihintay sa tabi ng sasakyan niya. Iba na ang damit niya kumpara sa suot niya kanina. Simpleng itim na plain t-shirt ang suot niya at khaki shorts. Unlike me, he's wearing a pair of shoes. Ako kasi ay naka-slides lang.

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now