Chapter 19

808 24 1
                                    

Elated

"Isa lang ba?" tukoy ko sa hawak kong plastic ng cupcake liners.

From the shelf of different brands of sugar, her attention shifted to me. She took a glance at the cupcake liners I was holding.

"Yes, that's enough."

Nilagay ko sa cart ang cupcake liners bago iyon tinulak. Tiningnan ko ang mga dinadaanan naming mga baking ingredients.

"Does Kuya Vixen knows you'll sleep in our house?" Niah asked.

I nodded. "I told him yesterday pero hindi ko sinabi ang rason."

Baka kasi pigilan niya ako kung sinabi kong magbe-bake ako para sa parents niya. Sasabihin niya lang na hindi ko naman kailangang gawin 'yon.

Naglagay siya ng isang pack ng sprinkles sa cart na tulak-tulak ko.

"Are you excited to meet them?"

Umiling ako. "I'm nervous. Baka kasi hindi ako magustuhan."

Iyon pa rin ang ikinakatakot ko. Maybe because growing up, I never really felt accepted by my family and relatives. Kaya hindi na ako magugulat kung hindi rin ako magustuhan ng magulang ni Vixen.

"They're good people," pangungumbinsi niya.

"Hindi ka sure." Sumimangot ako.

Paano kung sa kanila lang mabait, 'di ba?

She laughed inwardly. "Believe me. I'm sure they won't ask you to stay away from him."

"Bahala na bukas."

Nagpakawala ako ng buntong hininga at pilit na pinatigil ang sarili na mag-isip ng masama tungkol sa parents ni Vixen. Baka magkatotoo kung iisipin ko palagi.

Nagpatuloy kami sa pamimili ng ingredients. Tutulungan niya akong mag-bake ng cupcakes na dadalhin ko bukas sa Quezon, kung saan ko makikilala ang pamilya ni Vixen. Hindi ko alam ang bibilhin para sa kanila at si Niah ang nag-suggest na ipag-bake sila ng cupcake dahil mahilig daw sa sweets ang mom at kapatid ni Vixen.

I'm glad that I have Niah na tumutulong sa akin. Kung wala siguro siya ay baka hindi ko alam ang gagawin ko. Baka magbago ang isip ko at hindi pumayag na makilala ang parents ni Vixen.

When we finished buying ingredients, she called her driver and we ate dinner with him. Afterward, we went to their house and began baking cupcakes. We baked three flavors of cupcakes—chocolate, vanilla, and banana. Inuna namin 'yong chocolate at vanilla flavors. Tinuturuan niya ako habang pareho naming ginagawa.

Magkatabi kaming dalawa sa harap ng counter nila. Kalat sa counter ang mga ingredients at maging mga baking tools. Kumpleto ang mga kagamitan nila dahil mahilig mag-bake ang mom niya.

"Then, let's wait for twenty minutes," she said after putting the cupcake trays inside their oven.

Sunod namin ginawa ang banana cupcakes. We smashed the bananas before making the batter. Pagkatapos doon, umupo kami sa bar stool sa kitchen island nila para doon maghintay. Ang mga natirang chocolate bars ay nasa harap namin at iyon ang nginunguya namin ngayon.

"How are you and Kuya Vixen? You've been together for two weeks already, right?" she suddenly asked.

"Yup, yup. Okay lang naman kami." Pinagpagan ko ang kamay ko at uminom ng tubig.

Hindi pa naman kami nag-away ni Vixen. Madalas kaming magkita tuwing lunch break at after class. Madalas din kami sa mga coffee shops para mag-aral pareho.

Kakasimula lang namin kaya siguro wala pang away. Eventually, magkakaroon siguro pero tingin ko, hindi naman mabigat. He's patient kasi. Kahit na ang kulit-kulit ko ay hindi siya napipikon. Pinagbibigyan din namin ang isa't-isa pero madalas ay siya ang gumagawa no'n. Sa iilang bagay niya lang ako hindi magawang mapagbigyan.

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now