Chapter 15

830 19 9
                                    

Like

"Argh!" Inis kong ginulo ang buhok ko. Niyakap ko ang unan ko at ibinaon ang mukha doon. 

Pangalawang gabi na itong hindi ako makatulog ng maayos. Kasalanan 'to ni Vixen! Ayaw niyang lubayan ang isip ko kahit na sa pagtulog! 

Matapos niya akong sabihan na maganda ako, hindi na ako nakaimik ulit. Para akong naputulan ng dila at kahit ano'ng subok ko, walang lumalabas na kahit ano'ng salita sa bibig ko. Nakapagsalita lang ulit ako noong ihatid niya na ako pauwi. Hiyang-hiya ako dahil ang halata masyado na naapektuhan ako sa sinabi niya! 

Gosh, sobrang obvious na gusto ko siya! Habang siya, wala man lang nararamdaman tuwing sinasabihan ko siyang guwapo! Ang unfair! 

"Magpatulog ka nga, Catalina Itzel!" bulyaw sa akin ni Brielle na akala ko ay tulog na. Mukhang nagising ko pa siya sa pagtili ko.

"Sorry..." mahina kong sabi.

Hindi niya na ulit ako binawalan dahil siguro nakatulog na ulit. Ako naman ay sinubukan na ulit matulog. Ayun nga lang, kahit ano'ng pilit ko, nahihirapan ako. Umabot yata ako ng alas tres ng madaling araw bago tuluyang nakatulog.

Bumuntong-hininga ako, ang titig ko ay nagtagal sa nangingitim kong mga mata. Inabot ko ang concealer ko mula sa makeup pouch saka tinakpan ang eyebags ko.

I feel so ugly today. Kasalanan 'to ni Vixen! He shouldn't have said that! Ako lang dapat ang may karapatang bumanat ng ganoon! Siya, wala siyang karapatan!

"Shit..." I whispered when I realized that I might see him today.

Paano kung hindi na naman ako makaimik sa hiya?! Kung 'wag muna kaya akong pumunta ng library ngayon? Saka na kapag makapal na ulit mukha ko? 

Bwisit kasi! Kailangan ko siyang sabihan na tigilan ang pagpapakilig kung ayaw niya akong mabaliw at umasa! Ang lakas ng loob magpakilig, hindi niya naman kayang panagutan ang feelings ko!

Umalis ako kaagad ng dorm pagkatapos mag-ayos para makabili ng tinapay. Wala na kasing oras para kumain pa ko ng heavy breakfast. Medyo na-late rin akong gumising dahil late na rin nakatulog.

"Thank you po." Tinanggap ko ang supot ng tinapay at inabot ang bayad ko. 

Naglakad na ako patungo sa school habang kinakain 'yong breakfast ko. 

"Gusto mo?" alok ko kay Tracy pagbaba ko ng bag ko sa upuan. 

Umiling siya. "Thanks."

Hinanap ko si Niah sa upuan niya pero wala siya doon. Wala rin ang bag niya kaya siguradong hindi pa siya dumadating. 

"Hello?" bati ni Niah noong tawagan ko siya.

"Where are you?" I asked her. Pinakinggan ko ang background niya dahil maingay. Mukhang nasa biyahe dahil nakarinig ako ng busina. 

"I'm on my way na. I'll be there in five minutes siguro?" hindi-sigurado niyang sabi. 

"Okay, don't be late," paalala ko bago putulin ang linya.

"Good Morning," bati ko kay Harvin noong dumating ito.

"Morning." Tipid siyang ngumiti bago iniwas ang tingin niya. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa umupo siya sa likuran ko.

"Hmm..." 

Nilingon ko si Tracy noong marinig ko ito. 

"Bakit?" tanong ko.

"Mukhang broken hearted," nginuso niya si Harvin. 

"Huh?" My brows furrowed.

"The guy sa IG story mo. Pangalawang beses mo na siyang nai-post."

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now