Chapter 31

613 11 7
                                    

TW: Mention of self-harm and implied sexual abuse.

Snatched

Every morning, the first thing I do is check my phone for messages. Today, I didn't do that. Hindi ko binuksan ang cellphone ko. I proceeded to my morning routine—took a shower, wore my uniform, and did my hair and makeup. Gumawa pa ako ng excuse slip because apparently, kahit walang klase kahapon, I'm still considered absent and have to pay for makeup duty.

Kinuha ko ang bag ko sa tabi ng kama ko, napasulyap sa kama ni Brielle na puno ng mga damit niya. Paggising ko kanina, nakaalis na siya. Mukhang maaga ang klase niya ngayong araw. Mabuti na lang dahil hindi ko na kailangan pang sagutin ang mga tanong niya. Alam kong marami siyang gustong itanong. Ang kaso nga lang, I don't have the energy yet to answer them.

Pagbaba ko, nakasalubong ko ang landlady namin. As usual, she was busy cleaning again. May hawak pa siyang walis. Mukhang naistorbo sa paglilinis.

Nagtama ang tingin namin. Nagliwanag ang mukha niya noong makita ako.

"Tamang tama. Nasa labas ang boyfriend mo, hija," aniya.

Sa gulat, mabilis akong umatras bago pa matanaw ni Vixen.

"Kanina pa po ba siya?"

"Oo. Alas sais yata nasa labas na. Puntahan mo na."

Hindi ako sumagot at hinintay na makaalis siya. Sinulyapan ko ang relo ko. May kalahating oras pa ako bago ang unang klase ko. His work, on the other hand, will start in ten minutes. Aalis na rin siguro siya.

So I waited.

Noong tingin ko ay nakaalis na siya ay saka ako lumabas.

I scanned the outside. Hinahanap siya bago tuluyang lumabas noong walang nakitang ni anino niya.

He really left. I thought he wouldn't.

Of course, his world won't revolve just around me. He has a job he needs to attend. He can't be free all the time for me. Saka isa pa, ayaw ko pa siyang harapin. Masasayang lang ang oras niya kung hihintayin niya ako.

I went straight to the school. May mga nagtanong pa na kakilala na nakakita sa akin kahapon kung bakit umalis ako. Sinabi ko lang na may emergency. Hindi na rin sila nag-usisa pa lalo na at dumating na rin ang clinical instructor namin.

The whole time I was in school, naka-focus lang ako sa pakikinig. I didn't think of anything but how I would understand the topics easily.

"So start na agad maghanap for case study tomorrow sa duty?" si Tracy. She's my groupmate again, maging si Lawrence. Mabuti at kasama ko sila. Hindi ako gaanong maninibago sa bagong grupo.

"Yup, hopefully. Para hindi na tayo mahirapan."

"Then, if may magugustuhan tayong case. Pag-usapan na natin mga gagawin ng bawat isa."

Sumang-ayon kaming lahat sa group leader namin. She assigned me and Tracy to do the interview. Ang iba sa physical assessment at sa chart review.

"We're groupmates again," sambit ni Lawrence pag-upo niya sa tabi ko. Pinalitan niya si Tracy na umalis para kausapin ang clinical instructor namin.

"Yup," nginitian ko siya.

"I'm glad that we're classmates again, too."

Tumango ako.

"I made sure we'll be," dagdag niya na ikinakunot ng noo ko.

"Huh?"

Nagkibit-balikat siya. I awkwardly laughed before shifting my attention toward our clinical instructor when he spoke.

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now