Chapter 23

1K 26 6
                                    

Sink

Hindi ako nakasagot. He said he loves me but at that time, I'm still uncertain about my feelings. Hindi ko lang naman siya gusto. Tingin ko nga mahal ko na siya pero ayokong sabihin ang tatlong salitang iyon nang hindi naman ako gaanong sigurado. He doesn't deserve that. Also, he's not pressuring me to say the same thing, so I'll give myself plenty of time to do so.

"Catalina..."

I shut my eyes tightly and moved my head in a comfortable position.

"Hey, baby... Wake up, we're here," that signals for me to finally wake up from my nap.

I opened my eyes and straightened my back. Inunat-unat ko rin ang leeg ko bago balingan ang katabi. 

"Ang bilis," sabi ko.

Parang saglit lang kasi ako nakatulog. O baka hindi ko lang namalayan dahil tulog nga ako.

"It's a two-hour flight."

"Ganoon din ako katagal tulog?" I asked, and he nodded in response.

Ang aga naman kasi ng flight namin. Alas sais kaya naman wala pang alas singko ay gising na kami. Hindi ako nakatulog agad kagabi kaya talagang puyat ako—kami dahil sinamahan niya akong manood kahit na inaantok na siya. 

Tumayo siya at kinuha ang mga gamit namin sa luggage compartment. Tumayo na rin ako at inabot ang handle ng luggage ko para hatakin na pero kinuha niya naman iyon sa akin.

"Ako na," presinta niya at pinauna ako. Nasa likuran ko siya habang pababa kami ng eroplano.

Kaagad na nilipad ang buhok ko paglabas. Ang atensyon ko naman ay naagaw ng tanaw-tanaw na bundok. It's Mount Iraya. Mataas ito pero hindi kasing taas ng ibang bundok. Tatsulok din ang hugis pero hindi patag ang pagkakaguhit. Natatakpan naman ang tuktok nito ng mga makakapal na ulap.

Mula sa bundok ay nalipat kay Vixen ang tingin ko noong hawakan niya ang kamay ko.

"We'll go there as planned. Let's go for now," he invited.

Paglabas namin ng airport ay nakaabang na sa amin ang service ng hotel kung saan nag-book ng room si Vixen. Binati kami ng driver at tinulungan si Vixen sa mga gamit. Pumasok ako sa passenger seat at hinintay na makapasok din si Vixen. I heard them talking while fixing our stuff inside the trunk.

He was asking the driver about car rentals. Hindi na ako nakinig at inabala ang sarili sa pagtingin sa labas. Pagpasok niya ay kaagad lumapat ang kamay niya sa hita ko. Sinulyapan ko iyon bago tumingin sa dinadaanan dahil humarurot na ang sasakyan. 

"Ang ganda naman," naibulong ko unconsciously dahil sobra talaga akong nagagandahan sa tanawin.

Sobrang layo kasi nito sa Maynila. Doon puro sasakyan at buildings, dito naman ay puro mga puno, dagat, at bundok. Malinis pa ang mga daan. I feel like I'm in another country. 

Wala nang inasikaso pagdating namin sa hotel. They gave us our key card immediately and assisted us to our room.

"Thank you," sabi ko sa bellboy na buhat ang mga gamit namin. Binaba niya ang dalawang suitcases. 

"Walang anuman po," ngiting-ngiting tugon niya bago lumabas.

"Two beds, huh?" komento ko noong makita ang mga kama. "Sayang naman 'yong isang kama. Hindi naman magagamit." I gazed at Vixen. 

Umangat ang mga kilay niya at ako naman ay napangisi.

"I want to sleep beside you." Yumakap ako sa leeg niya at humalik sa baba niya bago siya pakawalan. 

Dazzled by Flames  (Flames Series #3)Where stories live. Discover now